Sunday, May 31, 2015



TAGKAWAYAN, Quezon- Patay sa pamamaril ang isang kagawad ng Barangay San Isdro kagabi (May 31) sa harap ng isang tindahan sa nabanggit na lugar. Kinilala ng source ng Radio Tagkawayan ang biktima na si Rommel Articona nasa 40 anyos at may 5 limang anak. 

Hindi bababa sa anim (6) na bala ang tumama sa katawan ng biktima sa itaas na bahagi ng katawan matapos barilin ng hindi nakilalang supsek ngunit ayon sa mga saksi ay hindi pamilyar ang mukha na naglakad lamang papunta sa pinanyarihan ng krimen, wala rin umanong taklob sa mukha ang lalaking supek na lumapit pa sa biktima na naghihitay lamang ng mga kasamahan para sa isang pagpupulong sa Barangay.

Isang termino pa lamang na naunungkulan ang nasabing kagawad na hindi tubong Quezon subali't dahil nakapangasawa ng taga-Barangay San Isdro ay doon na nanirahan ng may mahigit 13 taon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo ng pagpatay.

KAGAWAD NG BARANGAY SAN ISIDRO PATAY SA PAMAMARIL

Kgg. Evon Mascardo Habang binabasa ang sinasabing Letter of Instruction mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos


TAGKAWAYAN,Quezon- Dahil sa pagtatanong ng maraming Taga-Tagkawayan ukol sa  Bullion Buying Limited Inc (BBL). na di umano ay mamimigay ng malaking halaga ng pera,  ipinatawag ng Sangguinang Bayan ng Tagkawayan sa pamamagitang ng resolusyon nina Kon. Carlo Magno "Bong" Tadique at Kon. George Lopamia ang naging coordinator sa bayang ito na  si Kgg. Evon Mascardo na Konsehal ng Bayan ng Lopez upang maging resource speaker.

Sa kanyang pagharap sa Konseho ng Tagkawayan, ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang Provincial Implementor (PI) ng Bullion sa Quezon, kanya ring  binasa  ang isang dokumento na kanyang tinukoy bilang "Letter of Instruction" mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos na nag-uutos daw na gamitin ang 30% ng Gold reserve ng mga panahon ng pangunungkulan niya para sa Humanitarian Purposes na kung saan ito daw mga halaga ng mga mineral na yaman ay nasa mga International bangks. Dito binanggit din niya na isang Emmanuel Destura Jr. na anak ng dating Mayor na si Emmanuel Destura Sr ang inaatasan ng nasabing Letter of Instruction  at siya ngayong magpapatupad ng programa na gagamitin ang nasabing kayamanan upang ipamahagi sa mga mamamayang Pilipino na magiging Benepisyaryo na makatatanggap ng malaking halaga ng Pera.


Kgg. Carlo Magno Tadique, SB/ Photo by Radio Tagkawayan


Ipinaliwanag naman ni Kons. Tadique na ang "Letter of Instruction" ay ang kaparehong  terminong ginagamit sa mga "Executive Order" ng Pangulo, Mayors, Governors at Department heads sa kasalukuyan tuwing sila ay  nagbibigay ng mga kautusan. Kaugnay naman ng Gold reserve ipinaliwanag din niya na noong mga panahon ng Pangulong Marcos, nakabase pa sa Gold Reserve kung gaano kadami  pag-imprenta ng pera ng gagamitin sa bansa, habang sa ngayon ay ang Dollar reserve na ang batayan nito.



Kanya ring naitanong kung paanong magiging claimant ng napakalaking halaga ng kayaman ang isang pribadong tao na hindi kamag-anak ng mga Marcos,ganoong kung totoo man na mayroong kayamanan malamang din na ang naiwang pamilya ng dating Pangulo ang unang maghahabol dito.

Nabanggit din ni Kgg. Tadique ang isang panayam kay Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kung saan itinanggi nito ang nasabing kayamanan ng kanyang ama na ipamamahagi daw sa pamamagitan ng Bullion Buying Limited.


Sagot ni Kons. Mascardo na mayroon daw mga dokumento na nagpapatunay na si G. Destura ang may karapatan na ipamahagi ang mga yaman mula sa mga Marcos at may mga Video na mapapanood na nagpapataunay na talagang nakabukod ang 70% at 30% ng gold reserve para ipamahagi sa mga tao na sa kanya daw pagkaka-alam ay maari pang umabot ng 152 Trillion Dollars. Kailangan lang daw talagang makakuha ng mga benepisyaro para mas mapalakas ang pag-claim sa nasabing pondo.

Kgg. Renerio Recio, SB/Photo by: Radio Tagkawayan

Samantala itinanong naman ni Kons. Neo Recio kung gaano kalaki ang maaring matanggap kung sakali ng mga nagpasa ng requirements.Bagama't hindi daw nila binabanggit sa mga tao may pahinuha daw sina Kgg. Mascardo sa mga Barangay.


" Hindi ho namin binanbanggit sa mga barangay na pinupuntahan basta ang sinasabi namin sa kanila, paano kung makatanggap kayo ng Php.100,000.00? Paano gagamitin. Kasi una ho dito, ang maganda dito ay ang values formation sa mga tao, kasi baka kung hindi, at makatanggap sila, baka gamitin nila sa paghihiganti sa kaaway nila, kapit-bahay nila".
Wala namang maibigay na date kung kailan talaga maiibigay sa mga benepisyaryo, tiniyak naman ni Kgg.Mascardo na wala silang hinihinging pera sa mga nag-aaply na miyembro sa kanila. Kanya ring binanggit na tanging isa sa mag-asawa lamang ang pwedeng maging claimants sapagkat pang-buong pamilya na ang halaga na maari nilang makuha, pero ito ayos sa kanya ay sa simula pa lamang sapagkat magkakaroon din ng programa para sa mga senior citizen at mga kabataan.
Kgg. George A. Lopamia, SB/ Photo by Radio Tagkawayan
Itinanong naman ni Kons. George Lopamia kung paano ang pamimigay ng nasabing halaga kung saka-sakali at napag-alaman na buo daw at hindi hati-hati ang pamamahagi ng libu-libong halaga sa bawat benepisyaryo. Itinanong din ni Kgg. Lopamia ang Office address ng Bullion kung saan inamin ni Kgg. Mascrado na tanging sa bahay lamang ng sinasabing G. Destura sa Cavite ang kanilang pinaka head office, nang tanungin naman siya ng eksaktong  Address ay tumanggi na siyang idetalye ito dahil umano sa pagiging pribadong indibidwal ng G. Emmanuel Destura.


Sa pagtatanong naman ni Kgg. Ernesto Herras itinanong niya kung gaano na katagal ang nasabing pangangalap ng mga tao para sa Bullion at kung mayroon nang nakatanggap saan mang bahagi ng bansa ng pera mula sa Bullion,

Sinabi ni Kgg. Mascardo na 10 years- in -the making na ang Programa ng Bullion subalit nasa 2 taon pa lamang siya dito at sa kanyang pagkaka-alam wala ni isa pa manlang sa mga benepisyaryo ang nakatanggap ng pera.
Kanya ring binanggit na ang agam-agam ng publiko partikular ng mga Taga-Tagkawayan sa mga ganitong gawain ay nag-ugat sa hindi lang iisang beses na pagkabulilyaso ng mga magagandang pangako ng pagtulong sa mga tao subalit sa kalaunan na wala naman pala.


Dagdag naman ni Kgg. Tadique na malaking palaisipan ang kawalan ng Office Address at ng Timeline kung kailan talaga ang kasiguraduhan na mabibigyan nga ang mga umaasang mamayan.



Sa huli hiniling ng Konseho ng Bayan ng Tagkawayan sa pamamagitan ni Kgg. Tadique na mag-iwan ng mga dokumento si Kon. Evon Mascardo upang mapag-aralan ng Konseho at kalaunan kung mapatunayan ang legalidad o Legitimacy ng Bullion Buying Limited  ay magkaroon ng resolusyon

na kumikilala dito o kung wala namang makitang katiyakan ang Sangguiniang Bayan ay maipaalam sa mga taumbayan na lahat ng transakyon at hakbangin ng nasabing grupo ay walang pagkilala ang Lokal na Pamahalaan ng Tagkawayan. -Reden Devilla/Radio Tagkawayan



FLASHBACK: 

Sa programang TK Today, aking  tinalakay ang pagkalap ng daan-daang mga "benepisyaryo"umano ng mga tagong yaman ng Pamilya Marcos nang nagpakilalang grupo na Bullion Buying Limited Inc.
Pangako sa mga  tao ang paunang pondo na aabot umano sa Php.100,000.00 bawat isa. 

Kasama sa mga hinihingi ng mga nagorganisa ang mga NSO  Authenticated na kopya ng Birth certificate, Marriage contract at form ng Bullion.
Pero sa ating  pagsasaliksik  napag-alaman natin na mula pa taong 2002 may mga lumutang na, na kahalintulad na pamamaraan ng pagkalap ng tao, kasama na ang mga insidente ng pagdakip sa dalawang tao na sina Felicidad Cantos at Emmanuel Destura na di umano'y mga nagpakilalang tagapangalaga ng Bilyon-biylong halaga ng pera ng mga Marcos.


Pakinggan ang ating pagtalakay sa LIVE STREAM ng Radio Tagkawayan.


GALLERY: SI KON. EVON MASCARDO SA KANYANG PAGHARAP SA SANGG. BAYAN NG TAGKAWAYAN KAUGNAY NG BBL















EXCLUSIVE: KONS. EVON MASCARDO HUMARAP SA SB TAGKAWAYAN KAUGNAY NG BULLION LIMITED INC.

Friday, May 29, 2015

Mayor Lydia Abarrientos,Del Gallego, Colonel Amador Abuga, 902nd IB. Photo by Radio Tagkawayan


CAMARINES Sur-Isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines ang nang-hostage ng nasa 30 pasaheo ng Penafrancia Tours and Travel Bus na biyaheng Maynila mula Naga City-May 29, 2015.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Corporal Rene Prajele na nakadestino sa 31st Infantry Battalion ng Army sa Sorsogon na armado ng M16 service riffle.

Ayon sa mga sources ng Radio Tagkawayan, dakong alas Onse ng umaga ng unang matanggap ng Regional command ang nasabing insidente kung saan unang umanong sumakay ang nasabing sundalo sa bahagi ng Milaor Camarines Bago lumipat sa Penafrancia Bus.
Lumalabas sa mga paunang imbestigasyon na problema sa pamilya ang itinuturong naudyok kay PFC Prajele para gawin ang nasabing panghohostage.

Nagtuloy-tuloy ang paghabol ng otoridad sa nasabing bus at ang koordinasyon sa mga dadaanang mga lugar sa kahabaan ng Maharlika Highway hanggang masabat na nga ito sa Bahagi ng Brgy. Comadaycaday sa Bayan ng Del, Gallego.

Agad na bumuo ng "Crisis Management Team " na binubuo ng mga Mayor ng Ragay,Hon. Ricardo Aquino at  Hon. Lydia Abarrientos ng Del Gallego kasama sina Colonel Amador Tabuga  ng 902nd Infantry Brigade, PNP Del Gallego at 49th Infantry Battalion commander Lieutenant Colonel Medel Aguilar.
Kasama din sa nakipag-negosasyon ang nagpakakilalang kaibigan ng suspek na si Staff Sgt. Pedro Peraje mula din sa 31st IB.

Nagdulot ng matinding trapiko ang nasabing insedente sa kahabaan ng Maharlika Highway na ikina-antala ng mga biyahero pa-Bikol at pa-Maynila matapos isara ng mga Pulis at sundalo ang tigkabilang lane.




Dakong alas 4:35 ng hapon n tuluyang mapasuko ang sundalo na at kasalukuyang nasa Kostudiya na ng  Militar  habang pansamantalang isinama ng Lokal ng pamahalaan Del Gallego ang mga biktima sa Munisipyo para pakainin at bigyan ng libreng check-up.Wala namang nasaktan sa mga pasahero na ayos sa isang source ay wala nang gustong magsampa ng kaso laban sa sundalo.- Reden Devilla/ Mark Moico







SUNDALO NANG-HOSTAGE NG MGA PASAHERO NG BUS SA CAMARINES SUR

Sunday, May 17, 2015


Watch the highlights of the Game 2 between Loverslane and Batch.



Broadcast live streaming video on Ustream




Broadcast live streaming video on Ustream





Broadcast live streaming video on Ustream




Broadcast live streaming video on Ustream

VIDEOS: BATCH VS LOVERSLANE GAME 2

Sunday, May 10, 2015

NAGPAHAYAG NG MATINIDING PAGKABAHALA ANG BFAR O BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES SA MALAWAKANG PAGKASIRA NG MGA CORAL REEFS DAHIL SA PATULOY NA RECLAMATION ACTIVITIES NG CHINA SA WEST PHILIPPINE SEA.

SA ISANG PRESS CONFERENCE, IPINAKITA NI U-P MARINE SCIENCE INSTITUTE PROFESSOR EMERITUS DR. EDGARDO GOMEZ ANG MGA SATELLITE PHOTOS NA NAGLALARAWAN SA NAPAKALAKI AT DI-MAIBABALIK NA PAGKASIRA SA MGA CORAL REEFS SA BURGOS REEF AT KAGITINGAN REEF.

AS OF MARCH 2015, HALOS TATLONG DAAN AT LABING ISANG EKTARYA NA NG CORAL REEFS SA SPRATLYS AT KALAYAAN GROUP OF ISLANDS ANG NASIRA DAHIL SA RECLAMATION ACTIVITIES NG CHINA.

AYON KAY BFAR DIRECTOR ATTY. ASIS PEREZ, ANG PATULOY NA PAGKASIRA NG MGA CORAL REEFS SA NATURANG LUGAR AY MAY MASAMANG EPEKTO SA KABUHAYAN NG MAHIGIT SA LABING DALAWANG LIBONG REHISTRADONG MANGINGISDA SA SIYAM NA BAYAN SA WESTERN PHILIPPINE SEABOARD.

BINIGYANG DIIN NI DIRECTOR PEREZ NA ANG PILIPINAS AY PATULOY NA SUSUNOD SA DIPLOMATIKO AT LEGAL NA PAMAMARAAN PARA TUGUNAN ANG ISYU.

SINUPORTAHAN NIYA ANG NAUNANG PANAWAGAN NG DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS NA ITIGIL NA NG CHINA ANG RECLAMATION ACTIVITIES SA WEST PHILIPPINE SEA DAHIL BUKOD SA NAKOKOMPROMISO ANG BALANSE NG EKOLOHIYA, MAYROONG BANTA SA KAPAYAPAAN SA NASABING REHIYON. -DA INFO SERVICE

Pagsira ng China sa coral reefs sa West Philippine Sea, nakakaalarma na - BFAR

MARAMING GINAGAWANG PAGHAHANDA ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE PARA TUGUNAN ANG EPEKTO NG LABIS NA INIT AT TAGTUYOT DULOT NG EL NINO.
 
NAGSASAGAWA NG VALIDATION NG MGA DATOS ANG MGA D-A REGIONAL FIELD OFFICES SA MGA LUGAR NA SINABI NG PAG-ASA NA MAKARARANAS NG EL NINO.
 
AYON KAY CHRIS MORALES, OFFICER IN CHARGE NG FIELD OPERATIONS SERVICE NG D-A, NAKIKIPAG-UGNAYAN ANG AHENSYA SA NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION PARA SA EPEKTIBONG WATER MANAGEMENT KASABAY ANG MALAWAKANG INFORMATION DISSEMINATION CAMPAIGN SA MAGSASAKA KAUGNAY NITO.
 
HINIHIMOK RIN NG D-A ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTANIM NG MGA EARLY MATURING VARIETIES, AT SINABIHAN ANG MGA REGIONAL FIELD OFFICES NA BILISAN ANG PAGTAPOS SA SMALL-SCALE IRRIGATION PROJECTS.
 
NAGSAGAWA NA RIN ANG BUREAU OF SOILS ANG WATER MANAGEMENT NG MGA VALIDATION PARA MAPAGHANDAAN ANG CLOUD SEEDING OPERATION.
 
BASE SA DATOS NA NAKALAP NG D-A, MALIIT PA LAMANG ANG EPEKTO NG EL NINO SA BANSA MALIBAN SA NORTH COTABATO . VINAVALIDATE PA NG D-A ANG NAI-ULAT NA TATLO’T KALAHATING MILYONG EKTARYA NA NAPINSALA.
 
MALIIT LAMANG ANIYA ANG EPEKTO NG EL NINO SA TARGET SA PRODUKSYON NG PALAY AT MAIS SA NASABING LUGAR. AYON SA PAG-ASA MAHINA LAMANG ANG EL NINO NA ATING NARARANASAN.
 
SINABIHAN NG D-A ANG MGA REGIONAL FIELD OFFICES NA GAWING AVAILABLE ANG MGA DROUGHT TOLERANT VARIETIES NG PALAY GAYA NG KORAYS. MAYROONG LABING LIMA HANGGANG LABING WALONG URI NG COMMERCIALY AVAILABLE NA PALAY NA PUWEDENG ITANIM TUWING TAGTUYOT.
 
SA MGA LUGAR NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG EL NINO, PINAPAYUHAN ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTANIM NG BAWANG, SOYBEANS O MUNGGO, O KUNG ANO MAN ANG NAANGKOP SA LUGAR NA APEKTADO.
 
SABI PA NI MORALES, MARIING IPINAGBILIN SA KANILA NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA NA MAGING HANDA SA ANO MANG DUMARATING NA SAKUNA GAYA NG BAGYO O TAGTUYOT.
 
BILANG PAGHAHANDA, NILIKHA NI SEC. ALCALA ANG NATIONAL QUICK ACTION CENTER PARA MABILIS ANG DALOY NG IMPORMASYON MULA SA APEKTADONG LUGAR PATUNGO SA CENTRAL OFFICE.-DA INFO DIVISION

DA naghahanda sa epekto ng El Nino sa agrikultura

NANAWAGAN SI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA SA MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN NA KASAMA SA PAGPAPATUPAD NG PHILIPPINE DEVELOPMENT PLAN O P-D-P NA TAPUSIN ANG MGA NATITIRA NILANG PROYEKTO BAGO MATAPOS ANG TERMINO NI PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO III SA 2016. 


AYON KAY SECRETARY ALCALA, SUSUPORTAHAN NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE ANG MGA INISYATIBA SA PAGPAPATUPAD NG NATITITANG PROYEKTO PARA MAKAMTAN ANG MITHIIN NG P-D-P SA PAMAMAGITAN NG NATIONAL CONVERGENCE INITIATIVE FOR SUSTAINABLE RURAL DEVELOPMENT O N-C-I S-R-D.

SA PAMAMAGITAN ANIYA NG NATURANG INISYATIBA, ANG D-A KASAMA ANG IBA PANG AHENSYA NG PAMAHALAAN, AY NAPABIBILIS ANG PAGLAGO NG EKONOMIYA SA KANAYUNAN, KUNG KAYA’T BUMUBUTI ANG EKONOMIYA NG BUONG BANSA.

NAIS TIYAKIN NI SECRETARY ALCALA NA NASA AYOS ANG LAHAT NG MGA KARAGDAGANG PROGRAMA SA ILALIM NG N-C-I S-R-D BAGO MATAPOS ANG KASLUKUYANG ADMINISTRASYON.-DA INFO DIVISION

Sec. Alcala, inabisuhan ang mga ahensya ng pamahalaan na sundin ang PDP plan

Friday, May 8, 2015


Sa programang TK Today,tinalakay ni DJ Red ang pagkalap ng daan-daang mga "benepisyaryo"umano ng mga tagong yaman ng Pamilya Marcos nang nagpakilalang grupo na Bullion Buying Limited Inc.
Pangako sa mga  tao ang paunang pondo na aabot umano sa Php.100,000.00 bawat isa. 

Kasama sa mga hinihingi ng mga nagorganisa ang mga NSO  Authenticated na kopya ng Birth certificate, Marriage contract at form ng Bullion.
Pero sa ating  pagsasaliksik  napag-alaman natin na mula pa taong 2002 may mga lumutang na, na kahalintulad na pamamaraan ng pagkalap ng tao, kasama na ang mga insidente ng pagdakip sa dalawang tao na sina Felicidad Cantos at Emmanuel Destura na di umano'y mga nagpakilalang tagapangalaga ng Bilyon-biylong halaga ng pera ng mga Marcos.

Pakinggan ang ating pagtalakay sa LIVE STREAM ng Radio Tagkawayan.


Broadcast live streaming video on Ustream

EXCLUSIVE: #TKToday Tinalakay ang Bullion Buying Limited

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com