Monday, August 10, 2015

Muli na namang umarangkada ang Niyogyugan Festival ng Lalawigan ng Quezon simula sa Agosto 10 hanggang Agosto 19.Ito na ang ikatlong taon nito tampok ang Agri- Tourism Trade Fair, Araw ng Pamilyang Magsasaka, Street Dancing Competition na lalahokan ng iba't-ibang Bayan sa Lalawigan at ang Bb. Niyogyugan.
Mula Lucena, City ihahatid ng Radio Tagkawayan ang mga kaganapan sa pinaka-makulay na pagdiriwang ng lalawigan ng Quezon ngayong 2015.

Nagsimula ang makulay na pagdiriwang sa Live Coverage ng Umagang Kay Ganda kahapon Aug.10, 2015 na sinundan ng pormal na pagpapasinaya sa mga Booth ni Goveernador Jayjay Suarez kasama si ABAKADA Congressman Jonathan Dela Cruz, Congressman Danilo Suarez at asawa nito.

Samantala nagpatalbugan naman ang nga Festival Queens sa Talent Competition at Pre-Pageant sa SM City Lucena kung saan pasok sa Top 3 ng nasabing Kategorya ang mga kinatawan ng Pagbilao, Sariaya at Lucena.
Aabangan naman angPageant at Coronation Night sa August 12 sa Quezon Convention Center 6:00 pm. May mga ticket na ipinamimigay ang mga organizer sa mga Candidates para sa kanilang mga taga-suporta.


More Photos on LIVE BLOG BELOW.

LIVE BLOG: NIYOGYUGAN FESTIVAL 2015

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com