Saturday, June 27, 2015


Sa kanyang pagdalaw sa Bayan ng Tagkawayan, inihayag ni Governor Jayjay Suarez ang naging pag-aaral ng provincial government sa pagbaba ng produksyon ng dalanghita sa Lalawigan partikular sa bayan ng Tagkawayan at Calauag. Ayon sa gobernador naging kapansin-pansin ang pagdalang ng mga nagtitinda ng dalanghita sa tabing kalsada sa kahabaan ng Quirino Highway. Nakikitang dahilan ang pagtanda na ng maraming mga puno ng dalanghita sa dalawang bayan habang nagpapalit naman ng pananim ang ibang magsasaka.
Ayon kay Gov.Suarez, napakahalaga pa naman na mapalakas ang produksyon ng nasabing prutas lalo na sa Tagkawayan lalo pa at unti-unti nang nakikilala ang "Dalanghita Nectar" na siyang OTOP (onet town,one product) ng ating munisipalidad.
Bilan tugon, maglalaan aniya ang Pamahalaang panlalawigan ng tatlong (3) milyong pisong pondo para sa pagdevelop ng nursery para sa dalanghita upang matulungan ang mga nagtatanim ng nasabing puno sa mga bayan ng Calauag at Tagkawayan upang mapanumbalik ang kasiglahan ng industriya ng dalanghita.

3M Pisong Pondo ilalaan para sa Pagpapasigla sa Industriya ng Dalanghita


Pinuri ni Governor Jayjay Suarez ang mga magsasaka ng Bayan ng Tagkawayan dahil sa patuloy na pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura.
Sa kanyang pagbisita sa Tagkawayan, June 26, kanyang inihayag na ang Tagkawayan ang model Municipality pagdating sa rice sufficiency sa buong lalawigan ng Quezon.
Aniya noong maupo sila sa kapitolyo,20% self sufficient  lamang noon pagdating sa produksyon ng lalawigan subalit ngayong 2015 ay umabot na sa 65% ang sufficiency ng lalawigan pagdating sa usapin ng bigas. Resulta aniya ito ng ibayong pagsuporta ng pamahalaan sa sektor ng pagsasaka.


Katunayan may dala ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan ng 200 sako ng certified palay seeds na mga Taga-Tagkawayan mismo ang nag-prodyus na ipinamahagi sa mga magsasakang Tagkawayanin bilang ayuda sa parating na panahon ng taniman.
Dagdag pa ni Governoer Suarez, maging ang mga binhi na ibibigay sa iba pang bayan katulad ng Lopez, Quezon ay galing din sa Tagkawayan. Malaki naman ang pasasalamat ng mga magsasaka na nabiyayaan ng mga binhing palay lalo pa nga at pormal nang ideneklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan na hudyat naman ng pag-uumpisa ng taniman.

TAGKAWAYAN, MODEL MUNICIPALITY SA RICE PRODUCTION-GOV.SUAREZ

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com