Photo by abs-cbnnews.com |
April 1, 2015- Sa loob ng magdamag habang papalapit sa PAR line lalo pang nakaipon ng lakas ang Bagyong Maysak (International Name) na tatawaging Chedeng oras na makapasok sa Philippine Area of Responsibility. Sa huling pagtaya ng PAGASA umaabot na sa 215 Kilometro bawat oras ang taglay nitong lakas ng hangin habang 250kph na ang pagbugso.Huli itong namataan sa layong 1,410 km Silangan ng Surigao City.
Bagama't sa mga International weather bureau ay nasa kategorya na ito ng "Super typhoon" hindi pa ito ginagamit ng PAGASA sapagkat sa kanilang bagong panununtunan, aakyat lamang ito sa nasabing kategorya oras na pumalo ito sa lakas na nasa 220kph.
Photo from NOAA |
Pinaalalahanan ang mga Taga-Southern Luzon, Bicol at Easter Visayas sa masamang panahon at malalaking alon dahil sa lakas at lawak ng bagyo.
Photo by PAGASA |
Post a Comment