Friday, July 24, 2015

KONTROBERSIYA SA IGLESIA NI CRISTO

Photo from Lar Angeles

Nababalot ngayon ng Kontrobersiya ang Iglesia ni Cristo matapos pumutok ang mga alegasyon ng Korapsyon kasunod ng pagkalat sa Social Media ng Video ni Nathaniel "Anghel" Manalo at ng ng kaniyang ina na si "Tanny: Manalo na nagpahayag ng pangamba sa kanilang seguridad dahil di umano sa mga banta sa kanilang buhay at ilang Minsitro ang anila'y dinukot at nawawala parin.
"Ako'y nananawagan sa aming mga kapatid sa Iglesia na tulungan ninyo kami dahil may panganib sa aming buhay. Saklolohan niyo ang aking mga anak, si Angel at Lottie at ang kanilang mga kasama. Tulungan niyo rin ang mga ministro na dinukot at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Kaawaan natin sila at ang kanilang pamilya."

ITINIWALAG 

Ititiwalag naman ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) sina Tenny at Angel Manalo, ina at kapatid ng kasalukuyang punong ministro na si Eduardo Manalo. Ito ang inihayag ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago sa isang press conference matapos maglabas ng video ang dalawa sa YouTube kung saan sinabi nilang nasa panganib ang kanilang buhay.  
Pinabulaanan naman ni Santiago ang pahayag ng biyuda at anak ng yumaong punong ministro na si Erano "Ka Erdy" Manalo.

Naniniwala ang pamunuan ng INC na nais lamang makakuha ng mga Manalo ng simpatya para mapakialaman ang pamamahala dito. 
Giit pa ni Santiago, ang INC ay isang relihiyon at hindi isang korporasyon. 
Dumaan din anya sa tamang proseso ng paghalal kay Eduardo bilang kanilang punong ministro at hindi ito makapapayag na guluhin ninuman ang INC. 
Nanindigan din si Santiago na walang banta sa buhay nina Tenny at Angel. Nilabag din anya ng dalawa ang mga aral at regulasyon ng INC. 
Hindi naman direktang sinagot ni Santiago kung may away-pamilya sa pagitan ng mga Manalo bagama't inamin niyang hindi pa muli nakakapag-usap sina Tenny, Angel at Eduardo. 


Ilang oras matapos ang anunsyo ng pagtiwalag nasundan naman ito ng pagkalat makalawa ng umaga  (July 24, pagitan ng alas-onse hanggang alas 12:00 ng tanghali ) nang mga larawan sa social media ng mga paskil na panawagan sa may bintana ng isang gusali sa compund na pag-aari ng Pamilya Manalo sa Tandang Sora, Quezon, City.

 Subalit sa kabila ng mga paskil, inabot pa ng humigit-kumulang 12 oras bago nagtungo ang mga kawani ng Quezon, City Police District kasama si General Samuel Pagdilao, na kumatok sa gate ng nasabing tahanan at nanawagan sa mga nasa loob ng bahay na makausap ang mga ito. 
Kalhating oras matapos ang pagdating ng mga miyembro ng QCPD nagpakita sa media ang tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala na nagsabing wala silang kontrol sa Gate ng compound subalit dahil kanilang pag-aari ito ay pinapayagan ang mga pulis na pumasok doon at nang malaman an sitwasyon sa loob.
Matapos ang ilang minuto sumungaw sa butas ng gate si Anghel Manalo at itinanggi na sila ay na-abduct, ang kanila daw tinutukoy ay ang mga Minsitro sa nawawala.


Giit ni Felix Nathaniel "Angel" Manalo, anak ng yumaong INC executive minister Eraño Manalo, umusbong ang mga anomalya simula nang maupo ang kanyang kapatid bilang punong ministro ng simbahan noong 2009.

"Binabago nila ang aral e. Sa panahon po ng pamamahala ng kapatid na Felix Y. Manalo, hanggang sa panahon ng kapatid na Erano Manalo, wala tayong nakikitang anomalya," hayag ni Angel sa mga mamamahayag na nagtipon sa labas ng kanilang tahanan sa Tandang Sora, Quezon City ngayong Biyenes ng madaling-araw.
Giit pa niya, "Bakit po sa panahon ngayon, mas napakarami na ng anomalya. Baka po sabihin ng iba, kinakalaban po namin ang aming kapatid na namamahala ngayon. Hindi po. Mahal po namin ang aming kapatid kaya lang po ang nagiging problema po namin ngayon ay ang mga nasa paligid niya. Nasira na po ang doktrina ng Iglesia ni Cristo."

Idiniin din ni Angel pinagbabantaan sila ng Sanggunian ng INC.

Apela niya sa kapatid na si Eduardo,

 "Ang amin lang pakiusap, huwag siyang maniniwala sa Sanggunian na kanyang pinagkakatiwalaan sapagkat nauubos na ang abuloy ng Iglesia sa kung ano-anong proyekto na hindi naman kailangan."

Partikular anya niyang ipinagtataka ang konstruksyon ng Philippine Arena na hindi naman alinsunod sa layon ng pagpapagawa ng mga kapilya.

Hinikayat din ni ka Angel ang mga kapatiran na lumantad at patunayan na mayroong nangyayaring iregularidad sa Iglesia.
      
Pinabulaanan naman ni Angel na mayroong naganap na pang-hohostage kanilang tahanan matapos makita sa bintana ang mga mensaheng ukol dito.

Anya, mayroon lamang batang nagsabit ng mga mensahe kaugnay ng umano'y pag-hostage sa kanila maging ang pag-kuwestiyon sa mga nawawalang ministro ng Iglesia.

Una na ring inihayag ng Quezon City Police District na walang pagdukot at hostage-taking na naganap sa tahanan ng Pamilya Manalo.

Inamin naman ni Angel na hindi niya alam kung saan sila pupunta ng inang si Tenny Manalo matapos itiwalag ng INC dahil sa video na inilabas nila ukol sa umano'y banta sa kanilang buhay at pagdukot sa ilang ministro.

 Pinabulaanan naman ng tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Edwil Zabala ang mga akusayon ni Angel. 

DATING MINISTRO

Isang nagpakilalang dating ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang lumapit sa DZMM para patotohanan ang naglalabasang alegasyon ng katiwalian sa loob ng Iglesia.

Ayon kay Joy Yuson, dating ministro at administrative coordinator ng TV arm ng INC, itiniwalag umano siya sa Iglesia matapos kwestyunin ang aniya'y sistema ng katiwalian na nagsimula nang mamatay ang dating executive minister na si Erano Manalo.


"Nanalangin ako sa kapulungan na kung maaari iligtas ang pamilya ng kapatid na Erano Manalo sa mga masasama sapagkat noon pa lang ay sinisimulan na nila na apihin ang pamilya ni kapatid na Erano Manalo. Sa panalangin ko pong iyon ay ako'y iniulat at pinasyahan akong alisin sa opisina. Ako po'y idinestino nila sa Capiz," paliwanag ni Yuson.

Anya sa INC, madaling makita ang korapsyon dahil malinis ang kanilang pananalapi.

Kapansin-pansin aniya ang pagkakaroon ng dagdag na abuluyan sa Iglesia na tinatawag na "Lingap sa Mamamayan." Linggo-linggo anya ito at para umano sa mga biktima ng iba't ibang kalamidad.

"Pero hindi naman po nagamit sapagkat noong magkaroon ng kalamidad, iyong Yolanda, ay humingi pa sila ulit ng panibagong pangkalahatang abuluyan at nagbenta pa sila ng mga t-shirt, nagbenta sila ng kung ano-anong bagay. Saan napunta ang linggo-linggo naming abuluyan sa buong mundo para sa mga biktima ng mga kalamidad?" hirit ni Yuson.

Marami pang mga alegasyong ipinukol ang dating ministro laban sa mga opisyal ng INC.

Anya, sa rangya ng pamumuhay ng ilang ministro, kitang-kita na anya ang patunay ng korapsyon.

"Nakahilera at paiba-iba ang mga luxury cars, ang kanilang mga asawa ay mga signature ang mga suot na mga damit, mga bag... ang mga ministrong ito ay pabalik-balik sa kung saan-saang bahagi ng daigdig para magbakasyon kasama ng buong pamilya. Doon po makikita na ninyo ang korapsyon," dagdag pa nito.

Totoo rin anya ang mga balitang may mga ministro'ng dinukot at hindi pa rin natatagpuan.

Matatandaang nagsimulang sumambulat ang alegasyong ito sa video na inilabas nina Letty at Angel Manalo, ina at kapatid ng kasalukuyang executive minister na si Eduardo Manalo.

Lumantad din sa isang press conference ang dating ministro at editor-in-chief ng "Pasugo" Isaias Samson na dinukot siya at ikinulong ng mga armadong kalalakihan. Mga miyembro anya ng Sanggunian ng Iglesia Ni Cristo ang nasa likod nito.

Ayon kay Yuson, makapangyarihan ang Sanggunian at ito lang anya ang tanging pinakikinggan ngayon ng kasalukuyang executive minister.

Hinamon pa nito si Eduardo Manalo na tanggalin sa pwesto ang auditor general na si Jun Santos.

Ayon kay Yuson, ipinapasok ni Santos ang pera ng INC patungo sa isang foundation na ito mismo ang presidente.

"Kausapin po ninyo ang inyong ina na anim na taon na ninyong hindi kinakausap... Napakarami na pong ministro'ng namamatay nang walang sariling gamot habang ninanakaw ang abuloy ng Iglesia. Ayusin ninyo po ito kayo lang po ang makapag-aayos. Nananawagan po ako sa inyo kapatid na Eduardo Manalo tanggalin ninyo ang maruming Sanggunian," naluluhang wika ni Yuson.

Sa panayam din ng DZMM, mariing itinanggi ng tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala ang mga akusasyon ni Yuson.

Anya, hindi dapat ito pagkatiwalaan lalo't kaklase at kaibigan ito ni Angel Manalo, kapatid ng executive minister at itiniwalag na dahil sa inilabas na video.

Hamon ni Zabala kay Yuzon, maglabas ng mga ebidensiya para patunayan ang mga akusasyon nito.

"Madali pong umiyak, madali pong habang umiiyak ay sabihing tanggalin si ganito, tanggalin si ganoon," banat naman ni Zabala.

Hindi rin anya totoo na inaabandona ni Eduardo Manalo ang kanyang ina.

Panay apela lang anya sa emosyon ang ipinapakalat ng mga kasamahan ni Yuson at kumpiyansa silang lalabas ang katotohanan sa mga susunod na araw.

"Mapapatunayan po na ito ay puro paninira lamang laban po sa Iglesia Ni Cristo, laban po rin sa namamahala, at makikitang humabi lang ng istorya itong mga taong ito," dagdag pa ni Zabala.



Editor's Note: Ang mga bahagi ng blogpost na ito ay hango sa ulat ng DZMM.com.ph/ Rappler.com

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com