MARAMING GINAGAWANG PAGHAHANDA ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE PARA TUGUNAN ANG EPEKTO NG LABIS NA INIT AT TAGTUYOT DULOT NG EL NINO.
NAGSASAGAWA NG VALIDATION NG MGA DATOS ANG MGA D-A REGIONAL FIELD OFFICES SA MGA LUGAR NA SINABI NG PAG-ASA NA MAKARARANAS NG EL NINO.
AYON KAY CHRIS MORALES, OFFICER IN CHARGE NG FIELD OPERATIONS SERVICE NG D-A, NAKIKIPAG-UGNAYAN ANG AHENSYA SA NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION PARA SA EPEKTIBONG WATER MANAGEMENT KASABAY ANG MALAWAKANG INFORMATION DISSEMINATION CAMPAIGN SA MAGSASAKA KAUGNAY NITO.
HINIHIMOK RIN NG D-A ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTANIM NG MGA EARLY MATURING VARIETIES, AT SINABIHAN ANG MGA REGIONAL FIELD OFFICES NA BILISAN ANG PAGTAPOS SA SMALL-SCALE IRRIGATION PROJECTS.
NAGSAGAWA NA RIN ANG BUREAU OF SOILS ANG WATER MANAGEMENT NG MGA VALIDATION PARA MAPAGHANDAAN ANG CLOUD SEEDING OPERATION.
BASE SA DATOS NA NAKALAP NG D-A, MALIIT PA LAMANG ANG EPEKTO NG EL NINO SA BANSA MALIBAN SA NORTH COTABATO . VINAVALIDATE PA NG D-A ANG NAI-ULAT NA TATLO’T KALAHATING MILYONG EKTARYA NA NAPINSALA.
MALIIT LAMANG ANIYA ANG EPEKTO NG EL NINO SA TARGET SA PRODUKSYON NG PALAY AT MAIS SA NASABING LUGAR. AYON SA PAG-ASA MAHINA LAMANG ANG EL NINO NA ATING NARARANASAN.
SINABIHAN NG D-A ANG MGA REGIONAL FIELD OFFICES NA GAWING AVAILABLE ANG MGA DROUGHT TOLERANT VARIETIES NG PALAY GAYA NG KORAYS. MAYROONG LABING LIMA HANGGANG LABING WALONG URI NG COMMERCIALY AVAILABLE NA PALAY NA PUWEDENG ITANIM TUWING TAGTUYOT.
SA MGA LUGAR NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG EL NINO, PINAPAYUHAN ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTANIM NG BAWANG, SOYBEANS O MUNGGO, O KUNG ANO MAN ANG NAANGKOP SA LUGAR NA APEKTADO.
SABI PA NI MORALES, MARIING IPINAGBILIN SA KANILA NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA NA MAGING HANDA SA ANO MANG DUMARATING NA SAKUNA GAYA NG BAGYO O TAGTUYOT.
BILANG PAGHAHANDA, NILIKHA NI SEC. ALCALA ANG NATIONAL QUICK ACTION CENTER PARA MABILIS ANG DALOY NG IMPORMASYON MULA SA APEKTADONG LUGAR PATUNGO SA CENTRAL OFFICE.-DA INFO DIVISION
Post a Comment