Sunday, May 10, 2015

Pagsira ng China sa coral reefs sa West Philippine Sea, nakakaalarma na - BFAR

NAGPAHAYAG NG MATINIDING PAGKABAHALA ANG BFAR O BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES SA MALAWAKANG PAGKASIRA NG MGA CORAL REEFS DAHIL SA PATULOY NA RECLAMATION ACTIVITIES NG CHINA SA WEST PHILIPPINE SEA.

SA ISANG PRESS CONFERENCE, IPINAKITA NI U-P MARINE SCIENCE INSTITUTE PROFESSOR EMERITUS DR. EDGARDO GOMEZ ANG MGA SATELLITE PHOTOS NA NAGLALARAWAN SA NAPAKALAKI AT DI-MAIBABALIK NA PAGKASIRA SA MGA CORAL REEFS SA BURGOS REEF AT KAGITINGAN REEF.

AS OF MARCH 2015, HALOS TATLONG DAAN AT LABING ISANG EKTARYA NA NG CORAL REEFS SA SPRATLYS AT KALAYAAN GROUP OF ISLANDS ANG NASIRA DAHIL SA RECLAMATION ACTIVITIES NG CHINA.

AYON KAY BFAR DIRECTOR ATTY. ASIS PEREZ, ANG PATULOY NA PAGKASIRA NG MGA CORAL REEFS SA NATURANG LUGAR AY MAY MASAMANG EPEKTO SA KABUHAYAN NG MAHIGIT SA LABING DALAWANG LIBONG REHISTRADONG MANGINGISDA SA SIYAM NA BAYAN SA WESTERN PHILIPPINE SEABOARD.

BINIGYANG DIIN NI DIRECTOR PEREZ NA ANG PILIPINAS AY PATULOY NA SUSUNOD SA DIPLOMATIKO AT LEGAL NA PAMAMARAAN PARA TUGUNAN ANG ISYU.

SINUPORTAHAN NIYA ANG NAUNANG PANAWAGAN NG DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS NA ITIGIL NA NG CHINA ANG RECLAMATION ACTIVITIES SA WEST PHILIPPINE SEA DAHIL BUKOD SA NAKOKOMPROMISO ANG BALANSE NG EKOLOHIYA, MAYROONG BANTA SA KAPAYAPAAN SA NASABING REHIYON. -DA INFO SERVICE

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com