Kgg. Evon Mascardo Habang binabasa ang sinasabing Letter of Instruction mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos |
TAGKAWAYAN,Quezon- Dahil sa pagtatanong ng maraming Taga-Tagkawayan ukol sa Bullion Buying Limited Inc (BBL). na di umano ay mamimigay ng malaking halaga ng pera, ipinatawag ng Sangguinang Bayan ng Tagkawayan sa pamamagitang ng resolusyon nina Kon. Carlo Magno "Bong" Tadique at Kon. George Lopamia ang naging coordinator sa bayang ito na si Kgg. Evon Mascardo na Konsehal ng Bayan ng Lopez upang maging resource speaker.
Sa kanyang pagharap sa Konseho ng Tagkawayan, ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang Provincial Implementor (PI) ng Bullion sa Quezon, kanya ring binasa ang isang dokumento na kanyang tinukoy bilang "Letter of Instruction" mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos na nag-uutos daw na gamitin ang 30% ng Gold reserve ng mga panahon ng pangunungkulan niya para sa Humanitarian Purposes na kung saan ito daw mga halaga ng mga mineral na yaman ay nasa mga International bangks. Dito binanggit din niya na isang Emmanuel Destura Jr. na anak ng dating Mayor na si Emmanuel Destura Sr ang inaatasan ng nasabing Letter of Instruction at siya ngayong magpapatupad ng programa na gagamitin ang nasabing kayamanan upang ipamahagi sa mga mamamayang Pilipino na magiging Benepisyaryo na makatatanggap ng malaking halaga ng Pera.
Kgg. Carlo Magno Tadique, SB/ Photo by Radio Tagkawayan |
Ipinaliwanag naman ni Kons. Tadique na ang "Letter of Instruction" ay ang kaparehong terminong ginagamit sa mga "Executive Order" ng Pangulo, Mayors, Governors at Department heads sa kasalukuyan tuwing sila ay nagbibigay ng mga kautusan. Kaugnay naman ng Gold reserve ipinaliwanag din niya na noong mga panahon ng Pangulong Marcos, nakabase pa sa Gold Reserve kung gaano kadami pag-imprenta ng pera ng gagamitin sa bansa, habang sa ngayon ay ang Dollar reserve na ang batayan nito.
Kanya ring naitanong kung paanong magiging claimant ng napakalaking halaga ng kayaman ang isang pribadong tao na hindi kamag-anak ng mga Marcos,ganoong kung totoo man na mayroong kayamanan malamang din na ang naiwang pamilya ng dating Pangulo ang unang maghahabol dito.
Nabanggit din ni Kgg. Tadique ang isang panayam kay Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kung saan itinanggi nito ang nasabing kayamanan ng kanyang ama na ipamamahagi daw sa pamamagitan ng Bullion Buying Limited.
Sagot ni Kons. Mascardo na mayroon daw mga dokumento na nagpapatunay na si G. Destura ang may karapatan na ipamahagi ang mga yaman mula sa mga Marcos at may mga Video na mapapanood na nagpapataunay na talagang nakabukod ang 70% at 30% ng gold reserve para ipamahagi sa mga tao na sa kanya daw pagkaka-alam ay maari pang umabot ng 152 Trillion Dollars. Kailangan lang daw talagang makakuha ng mga benepisyaro para mas mapalakas ang pag-claim sa nasabing pondo.
Kgg. Renerio Recio, SB/Photo by: Radio Tagkawayan |
Samantala itinanong naman ni Kons. Neo Recio kung gaano kalaki ang maaring matanggap kung sakali ng mga nagpasa ng requirements.Bagama't hindi daw nila binabanggit sa mga tao may pahinuha daw sina Kgg. Mascardo sa mga Barangay.
" Hindi ho namin binanbanggit sa mga barangay na pinupuntahan basta ang sinasabi namin sa kanila, paano kung makatanggap kayo ng Php.100,000.00? Paano gagamitin. Kasi una ho dito, ang maganda dito ay ang values formation sa mga tao, kasi baka kung hindi, at makatanggap sila, baka gamitin nila sa paghihiganti sa kaaway nila, kapit-bahay nila".Wala namang maibigay na date kung kailan talaga maiibigay sa mga benepisyaryo, tiniyak naman ni Kgg.Mascardo na wala silang hinihinging pera sa mga nag-aaply na miyembro sa kanila. Kanya ring binanggit na tanging isa sa mag-asawa lamang ang pwedeng maging claimants sapagkat pang-buong pamilya na ang halaga na maari nilang makuha, pero ito ayos sa kanya ay sa simula pa lamang sapagkat magkakaroon din ng programa para sa mga senior citizen at mga kabataan.
Kgg. George A. Lopamia, SB/ Photo by Radio Tagkawayan |
Itinanong naman ni Kons. George Lopamia kung paano ang pamimigay ng nasabing halaga kung saka-sakali at napag-alaman na buo daw at hindi hati-hati ang pamamahagi ng libu-libong halaga sa bawat benepisyaryo. Itinanong din ni Kgg. Lopamia ang Office address ng Bullion kung saan inamin ni Kgg. Mascrado na tanging sa bahay lamang ng sinasabing G. Destura sa Cavite ang kanilang pinaka head office, nang tanungin naman siya ng eksaktong Address ay tumanggi na siyang idetalye ito dahil umano sa pagiging pribadong indibidwal ng G. Emmanuel Destura.
Sa pagtatanong naman ni Kgg. Ernesto Herras itinanong niya kung gaano na katagal ang nasabing pangangalap ng mga tao para sa Bullion at kung mayroon nang nakatanggap saan mang bahagi ng bansa ng pera mula sa Bullion,
Sinabi ni Kgg. Mascardo na 10 years- in -the making na ang Programa ng Bullion subalit nasa 2 taon pa lamang siya dito at sa kanyang pagkaka-alam wala ni isa pa manlang sa mga benepisyaryo ang nakatanggap ng pera.
Kanya ring binanggit na ang agam-agam ng publiko partikular ng mga Taga-Tagkawayan sa mga ganitong gawain ay nag-ugat sa hindi lang iisang beses na pagkabulilyaso ng mga magagandang pangako ng pagtulong sa mga tao subalit sa kalaunan na wala naman pala.
Dagdag naman ni Kgg. Tadique na malaking palaisipan ang kawalan ng Office Address at ng Timeline kung kailan talaga ang kasiguraduhan na mabibigyan nga ang mga umaasang mamayan.
Sa huli hiniling ng Konseho ng Bayan ng Tagkawayan sa pamamagitan ni Kgg. Tadique na mag-iwan ng mga dokumento si Kon. Evon Mascardo upang mapag-aralan ng Konseho at kalaunan kung mapatunayan ang legalidad o Legitimacy ng Bullion Buying Limited ay magkaroon ng resolusyon
na kumikilala dito o kung wala namang makitang katiyakan ang Sangguiniang Bayan ay maipaalam sa mga taumbayan na lahat ng transakyon at hakbangin ng nasabing grupo ay walang pagkilala ang Lokal na Pamahalaan ng Tagkawayan. -Reden Devilla/Radio Tagkawayan
FLASHBACK:
Sa programang TK Today, aking tinalakay ang pagkalap ng daan-daang mga "benepisyaryo"umano ng mga tagong yaman ng Pamilya Marcos nang nagpakilalang grupo na Bullion Buying Limited Inc.
Pangako sa mga tao ang paunang pondo na aabot umano sa Php.100,000.00 bawat isa.
Kasama sa mga hinihingi ng mga nagorganisa ang mga NSO Authenticated na kopya ng Birth certificate, Marriage contract at form ng Bullion.
Pero sa ating pagsasaliksik napag-alaman natin na mula pa taong 2002 may mga lumutang na, na kahalintulad na pamamaraan ng pagkalap ng tao, kasama na ang mga insidente ng pagdakip sa dalawang tao na sina Felicidad Cantos at Emmanuel Destura na di umano'y mga nagpakilalang tagapangalaga ng Bilyon-biylong halaga ng pera ng mga Marcos.
Pakinggan ang ating pagtalakay sa LIVE STREAM ng Radio Tagkawayan.
Pangako sa mga tao ang paunang pondo na aabot umano sa Php.100,000.00 bawat isa.
Kasama sa mga hinihingi ng mga nagorganisa ang mga NSO Authenticated na kopya ng Birth certificate, Marriage contract at form ng Bullion.
Pero sa ating pagsasaliksik napag-alaman natin na mula pa taong 2002 may mga lumutang na, na kahalintulad na pamamaraan ng pagkalap ng tao, kasama na ang mga insidente ng pagdakip sa dalawang tao na sina Felicidad Cantos at Emmanuel Destura na di umano'y mga nagpakilalang tagapangalaga ng Bilyon-biylong halaga ng pera ng mga Marcos.
Pakinggan ang ating pagtalakay sa LIVE STREAM ng Radio Tagkawayan.
GALLERY: SI KON. EVON MASCARDO SA KANYANG PAGHARAP SA SANGG. BAYAN NG TAGKAWAYAN KAUGNAY NG BBL
Post a Comment