Mayor Lydia Abarrientos,Del Gallego, Colonel Amador Abuga, 902nd IB. Photo by Radio Tagkawayan |
CAMARINES Sur-Isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines ang nang-hostage ng nasa 30 pasaheo ng Penafrancia Tours and Travel Bus na biyaheng Maynila mula Naga City-May 29, 2015.
Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Corporal Rene Prajele na nakadestino sa 31st Infantry Battalion ng Army sa Sorsogon na armado ng M16 service riffle.
Ayon sa mga sources ng Radio Tagkawayan, dakong alas Onse ng umaga ng unang matanggap ng Regional command ang nasabing insidente kung saan unang umanong sumakay ang nasabing sundalo sa bahagi ng Milaor Camarines Bago lumipat sa Penafrancia Bus.
Lumalabas sa mga paunang imbestigasyon na problema sa pamilya ang itinuturong naudyok kay PFC Prajele para gawin ang nasabing panghohostage.
Nagtuloy-tuloy ang paghabol ng otoridad sa nasabing bus at ang koordinasyon sa mga dadaanang mga lugar sa kahabaan ng Maharlika Highway hanggang masabat na nga ito sa Bahagi ng Brgy. Comadaycaday sa Bayan ng Del, Gallego.
Agad na bumuo ng "Crisis Management Team " na binubuo ng mga Mayor ng Ragay,Hon. Ricardo Aquino at Hon. Lydia Abarrientos ng Del Gallego kasama sina Colonel Amador Tabuga ng 902nd Infantry Brigade, PNP Del Gallego at 49th Infantry Battalion commander Lieutenant Colonel Medel Aguilar.
Kasama din sa nakipag-negosasyon ang nagpakakilalang kaibigan ng suspek na si Staff Sgt. Pedro Peraje mula din sa 31st IB.
Nagdulot ng matinding trapiko ang nasabing insedente sa kahabaan ng Maharlika Highway na ikina-antala ng mga biyahero pa-Bikol at pa-Maynila matapos isara ng mga Pulis at sundalo ang tigkabilang lane.
Dakong alas 4:35 ng hapon n tuluyang mapasuko ang sundalo na at kasalukuyang nasa Kostudiya na ng Militar habang pansamantalang isinama ng Lokal ng pamahalaan Del Gallego ang mga biktima sa Munisipyo para pakainin at bigyan ng libreng check-up.Wala namang nasaktan sa mga pasahero na ayos sa isang source ay wala nang gustong magsampa ng kaso laban sa sundalo.- Reden Devilla/ Mark Moico
Post a Comment