Sa kanyang pagdalaw sa Bayan ng Tagkawayan, inihayag ni Governor Jayjay Suarez ang naging pag-aaral ng provincial government sa pagbaba ng produksyon ng dalanghita sa Lalawigan partikular sa bayan ng Tagkawayan at Calauag. Ayon sa gobernador naging kapansin-pansin ang pagdalang ng mga nagtitinda ng dalanghita sa tabing kalsada sa kahabaan ng Quirino Highway. Nakikitang dahilan ang pagtanda na ng maraming mga puno ng dalanghita sa dalawang bayan habang nagpapalit naman ng pananim ang ibang magsasaka.
Ayon kay Gov.Suarez, napakahalaga pa naman na mapalakas ang produksyon ng nasabing prutas lalo na sa Tagkawayan lalo pa at unti-unti nang nakikilala ang "Dalanghita Nectar" na siyang OTOP (onet town,one product) ng ating munisipalidad.
Bilan tugon, maglalaan aniya ang Pamahalaang panlalawigan ng tatlong (3) milyong pisong pondo para sa pagdevelop ng nursery para sa dalanghita upang matulungan ang mga nagtatanim ng nasabing puno sa mga bayan ng Calauag at Tagkawayan upang mapanumbalik ang kasiglahan ng industriya ng dalanghita.
Post a Comment