Pinuri ni Governor Jayjay Suarez ang mga magsasaka ng Bayan ng Tagkawayan dahil sa patuloy na pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura.
Sa kanyang pagbisita sa Tagkawayan, June 26, kanyang inihayag na ang Tagkawayan ang model Municipality pagdating sa rice sufficiency sa buong lalawigan ng Quezon.
Aniya noong maupo sila sa kapitolyo,20% self sufficient lamang noon pagdating sa produksyon ng lalawigan subalit ngayong 2015 ay umabot na sa 65% ang sufficiency ng lalawigan pagdating sa usapin ng bigas. Resulta aniya ito ng ibayong pagsuporta ng pamahalaan sa sektor ng pagsasaka.
Katunayan may dala ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan ng 200 sako ng certified palay seeds na mga Taga-Tagkawayan mismo ang nag-prodyus na ipinamahagi sa mga magsasakang Tagkawayanin bilang ayuda sa parating na panahon ng taniman.
Dagdag pa ni Governoer Suarez, maging ang mga binhi na ibibigay sa iba pang bayan katulad ng Lopez, Quezon ay galing din sa Tagkawayan. Malaki naman ang pasasalamat ng mga magsasaka na nabiyayaan ng mga binhing palay lalo pa nga at pormal nang ideneklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan na hudyat naman ng pag-uumpisa ng taniman.
Post a Comment