Friday, June 26, 2015

GOV.JAYJAY SUAREZ PINASINAYAHAN ANG REHABILITASYON NG TAGKAWAYAN EVACUATION CENTER-COVERED COURT


TAGKAWAYAN,QUEZON-Pinasinayahan ni Governor Jay-Jay Suarez ang rehabilitasyon ng Tagkawayan Municipal Covered Court- June 26.

 Layunin ng nasabing proyekto na isaayos ang bubungan ng covered court at iba pang bahagi nito upang mas higit na magamit bilang Evacuation Center tuwing mayroong kalamidad na personal na hiniling ni Kgg. Punong Bayan Jose Jonas A. Frondoso para sa mga kababayan. Ang municipal covered court ang nagsisilbing panuluyan ng mga pamilyang kailangang ilikas partikular ang mga nasa coastal areas sa Metro Zone tuwing may bagyo.
Gov. David C. Suarez sa Tagkawayan | Photo by Radio Tagkawayan

Sa pagdalaw ng Gobernador, kanyang ibinalita ang iba’t-ibang programa at proyekto na nakatakdang ipatupad sa bayan ng Tagkawayan tulad na lamang ng programa na naglalayong labanan ang malnutrisyon na kung saan, ang Bayan ng Tagkawayan ang magiging Pilot Municipality ng nasabing programa na siya namang gagamitin at pagtutularan sa iba pang bayan sa lalawigan ng Quezon.

Sa kanya namang pananalita, nagpasalamat si Mayor Frondoso sa mga tulong na ipinararating ng Pamahalaang panlalawigan kahit pa nasa pinakadulo ng Timog-Quezon ang kanyang pinamumunuang munisipalidad.


Idinagdag naman  ni Gov. Suarez magtutuwang din ang kanyang may-bahay na si at ang mga miyembro ng KALIPI-Tagkawayan sa pangunguna ni Mayora Myra Frondoso sa mga programang pangkababaihan.

 Kasamang sumalubong ni Mayor Frondoso ang Sangguniang Bayan ng Tagkawayan sa pangunguna ni Vice Mayor Veronica Masangkay at mga Konsehal, mga Kapitan, mga magsasaka at empleyado ng pamahalaang Lokal. -Reden Devilla| Radio Tagkawayan

IN PHOTOS:




About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com