Friday, June 26, 2015

MUNICIPAL-WIDE TREE PLANTING SA TAGKAWAYAN, ISINAGAWA


Bilang bahagi ng Environmental Month celebration, nagsagawa ang mga Komunidad ng Tagkawaya,Quezon ng Municipal-wide tree planting activity,June 27.

Sa Metro Zone pinangunahan ng Municipal Environment and natural resources Office sa ilalim ng Office of the Municipal Mayor's Office ang pagtatanim ng mga puno sa bahagi ng Quirino Highway mula sa boundary ng Del Gallego, Camarines  Sur, at  pa-Norte na nilahukan ng mga Opisyales ng Barangay Poblacion, Rizal, Magsasay, Aldavoc at Sta.Cecilia.Kasama ding nagtanim ng puno ang mga empleyado ng Pamahalaang lokal sa pangunguna ng AMULET at katuwang din ang mga miyembro ng Bravo Company 74th IB ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP)-Tagkawayan qt ang grupong Kalikasan Bigyan ng Sigla o KABISIG.

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang mga puno sa tabing kalsada na nauna ng naitanim at malinis ang paligid ng mga ito. Nagpasalamat naman si MENRO Marley Lacaran sa lahat ng nakiisa para sa nasabing programa. -Reden Devilla| Radio Tagkawayan

IN PHOTOS:









About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com