Wednesday, June 10, 2015

#TRENDING: FILIPINO DIVERS SCORE ZERO AT THE SEA GAMES 2015

Screengrab: Scorecard ni J.E. Fabriga
Bigo ang dalawang Filipino divers na maka-score kahit isang puntos sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games.Nangyari ito sa 3-meter springboard finalsOCBC Aquatic Center in Singapore kung saan una ang likod na bumagsak si John Elmerson Fabriga habang nauna naman ang isang paa ng lumagapak sa tubig si John David Pahoyo.
Usap-usapan sa internet ang video na nagpapakita ng performance ng dalawa at kung gaano kasakit ang mga landing nila sa tubig kung saan nakuha nila ang ika-pito at ika-walong pwesto, habang Malaysia naman ang naka Gold, Indonesia ang Silver at Singapore ang nakasungkit ng Bronze.
Trending din sa Internet ang mga screenshots ng nasabing pangyayari habang nagpaabot naman ng suporta ang madaming netizen sa dalawang atleta pero may iba naman na nagpayo na paghusayin ang training upang hindi maging kahiya-hiya sa mga susunod na sasabak sila bilang kinatawan ng Pilipinas.



Samantala sa FACEBOOK Post ni Pahoyo, tila nagbigay ito ng pahaging kung gaano kaiksi lamang ang kanilang preparasyon para sa nasabing laban.
Yey! I'm so proud of us pakner John Fabriga, we really did our best despite of we just practiced this synchro dives for just 4 days, even though we failed to win, but atleast we did overcame what we once knew was out limit, and that makes us a champion heart emoticon Thanks coach Brian Palattao for your endless support and immeasurable love to us from the preparation until the end of this competition, and special thanks to the people who's doing their best to make this experience possible, I owe you all of this #‎SG2015‬ ‪#‎SEA‬ ‪#‎Games‬ ‪#‎Singapore‬ ‪#‎Diving‬ ‪#‎Pilipinas‬
Kasama ng nasabing post ang isang Video na nagpapakita ng kanila namang maayos na performance.

Yey! I'm so proud of us pakner John Fabriga, we really did our best despite of we just practiced this synchro dives for just 4 days, even though we failed to win, but atleast we did overcame what we once knew was out limit, and that makes us a champion <3 Thanks coach Brian Palattao for your endless support and immeasurable love to us from the preparation until the end of this competition, and special thanks to the people who's doing their best to make this experience possible, I owe you all of this :) #SG2015 #SEA #Games #Singapore #Diving #Pilipinas
Posted by JD Pahoyo on Tuesday, June 9, 2015


Samantala sa kabuuan umangat ang pwesto ng Pilipinas sa standings matapos umani ng 21 gintong medalya sa pagpapatuloy na kampanya ng bansa sa Southeast Asian Games sa Singapore.

Sa pinakahuling tala Miyerkules ng gabi ay kabuuang 80 medalya na ang nasungkit ng bansa kung saan 21 dito ay gold, 23 ang silver, at 36 ang bronze.

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com