Saturday, June 13, 2015

MAGNITUDE 4.1 NA LINDOL YUMANIG SA ILANG BAHAGI NG SOUTH LUZON


June 13- ala-1:03 Sabado ng hapon ng yanigin  ng lindol ang ilang bahagi ng Southern Luzon partikular  ang Calatagan, Batangas.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang tectonic na lindol 19 na kilometro sa hilagang-kanluran ng Calatagan sa lalim na 114 kilometro.


Sa unang earthquake bulletin na inilabas ala-1:12 ng hapon, naitala ang lakas ng lindol sa magnitude 3.9 subalit itinaas ito ng Phivolcs sa magnitude 4.1 sa sumunod na bulletin.

Dama ang intensity 3 na pagyanig sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro maging sa Paluan at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.

Intensity 1 naman ang nadamang pagyanig sa Muntinlupa City.

Walang inaasahang aftershocks at pinsala kasunod ng lindol.


Puspusan ang paghahandang ginagawa ngayong mga panahon ng MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa pinangangambahang "The Big One" o ang posibilidad ng paggalaw ng West Valley fault.


With reports from DzMM 

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com