HINIHIMOK NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTANIM NG
BARAYTI NG PALAY NA MATIBAY LABAN SA STRESS PARA TUMAAS ANG KANILANG PRODUKSYON
MASKI SA MASAMANG KONDISYON.
AYON KAY AGRICULTURE ASSISTANT SECRETARY EDILBERTO DE LUNA, MARAMI NANG
MAGSASAKA ANG NAGTATANIM NG MGA HYBRID NA PALAY AT DAPAT NILA ITONG IPAGPATULOYPARA MATAMASA ANG MAS MASAGANANG ANI.
IPINAMAMAHAGI NG D-A ANG IBA’T IBANG RICE HYBRID RICE VARIETIES, GAYA NG
MGA URI NA KAYANG MATAGALAN ANG TAGTUYOT, PAGKABABAD SA TUBIG, AT TUBIG-ALAT.
ITO AY UPANG TUGUNAN ANG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA PRODUKSYON NG
PALAY.
SA GITNANG LUZON ANIYA, NAKAPAG-ANI NA ANG MGA MAGSASAKANG NAGTATANIM NG
MULTI-STRESS TOLERANT VARIETIES NA MAARING MABUHAY SA KAHIT ANUMANG KONDISYON. - DA INFO SERVICE
Post a Comment