DAPAT
NA UMANONG PULUNGIN ANG MGA MIYEMBRO NG FOOD SAFETY REGULATION COORDINATING
BOARD PARA MAPIGILAN ANG PAGKALAT SA MERKADO NG MGA PAGKAIN NAKASASAMA SA KALUSUGAN
GAYA NG “SYNTHETIC RICE.”
ITO
ANG SABI NI SENATOR FRANCIS “CHIZ” ESCUDERO KASABAY NANG PANAWAGAN NG
PAMAHALAAN NA BIGYAN NG ALOKASYON SA ISUSUMITENG BUDGET PARA SA SUSUNOD NA TAON
ANG IMPLEMENTASYON NG REPUBLIC ACT 1-0-6-1-1 O ANG FOOD SAFETY ACT OF 2013.
ANG
TINAGURIANG FOOD SAFETY SUPERBODY AY PANGUNGUNAHAN NG DEPARTMENT OF HEALTH AT
DEPARTMENT OF AGRICULTURE, AT BIBIGYAN ITO NG KAPANGYARIHAN UPANG TUGUNAN ANG
ISANG KRISIS NA MAY KINALAMAN SA FOOD SAFETY.
SABI
NG SENADOR, MARAPAT LAMANG NA MAGPULONG NA ANG F-S-R-C-B MATAPOS ANG ISA’T
KALAHATING TAONG GINUGOL SA PAGBUO NG IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS NG
NASABING BATAS NA NILAGDAAN NI PANGULONG AQUINO NOONG 2013.
Post a Comment