Monday, June 15, 2015

PANALANGIN, HILING NG BAGONG OBISPO NG DIOCESE OF GUMACA

Bishop-elect Victor Ocampo
Tagkawayan,Quezon- Humiling ng panalangin ang bagong hirang na Obispo ng Bansa para sa kanyang bago at mas malawak na tungkulin sa ministeryo ayon sa ulat ng CBCP News.

Ayon kay Bishop-Elect Victor Ocampo aminado siya na nakakatakot ang laki ng kaniyang magiging responsibilidad sa pagpastol ng isang Diyosesis subalit nakikita rin niya ito bilang biyaya ng Panginoon.

“Like what Pope Francis said after his election, pray for me,
I feel unworthy (of the position). I’m afraid of what lies ahead because I’ve been just a parish priest for the last 35 years,
pahayag ng bagong Obispo na nakatakdang ordinahan sa Katedral ng Balanga sa August 29.
Ayon pa kay Msgr. Ocampo, tiwala siya sa Panginoon sa paghirang sa kanya bilang bagong Obispo ng Diyosesis ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon. Hunyo 2, ng ipaalam sa kanya ng Papal nuncio na si Archbishop Guiseppe Pinto ang pagkakahirang sa kanya ni Pope Francis bilang obispo. Sinabihan umano siya ng nuncio na magnilay sa pananalangin at ihanda ang kanyang "letter of acceptance" na kanya namang ipinadala sa Santo Papa noong Hunyo 8. 
 Msgr. Victor Ocampo| Photo: MB

Hunyo 12, naman ng i-anunsyo ng Vatican ang nasabing paghirang.Kasalukuyan siyang Chancellor ng Diocese of Balanga at Parish Priest ng Parokya ng Santo Domingo sa bayan ng Abucay,Bataan.
Si Msgr. Ocampo ay ipinanganak sa Angeles City Pampanga taong 1952 at na-ordinahan sa pagka-Pari sa Balanga noong 1977. Mula noon, naglingkod siya sa iba't-ibang pang-pastoral at pang-diyosesis na tungkulin at ang pinaka huli ay ang pagiging chancellor ng Diyosesis ng Balanga simula 2008.
Maliban dito naging Kora Paroko din siya sa St. Dominic de Guzman Parish sa Abuvay,Balanga simula 1986; Direktor ng Biblical Apostolate simula din 1986, Direktor ng Commission on the Family and Life mula 2008, at miyembro ng College of Consultors mula 2013.
Samantala ang Diyosesis na una niyang paglilingkuran bilang Obispo ay isa sa pinaka malaki sa buong Pilipinas na may humigit-kumulang isang (1) Milyong katoliko at may nasa 130 kaparian/
“Gumaca is very religious. There’s high percentage of Catholics and they have more priests compared in Bataan,” 

Samantala ikinagalak naman ni Bishop Ruperto Santos ng Diyosesis ng Balanga ang pagkakahirang kay Msgr. Ocampo:
God favors the Diocese of Balanga. It is God's grace. It is because of His goodness. On this celebration of the firm and faithful 40th year foundation of our beloved Diocese. We receive best fruit, a harvest of hundredfold. Our Pope Francis appointed our own Msgr. Victor Ocampo as Bishop of Gumaca," he said."Bishop-elect Victor Ocampo is our gift to the Philippine Church and to the Church of Gumaca in particular. We are grateful to God. We glorify Him for doing great and gracious things to our Bataan.

With Reports from CBCP News/SunStar

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com