NGAYONG NASA PANAHON TAYO NG EL NINO, HINIHIMOK NG PAMAHALAAN ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTIPID SA PAGGAMIT NG TUBIG SA KANILANG PALAYAN.
HINIHIMOK NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE ANG MGA MAGSASAKA NA ISAGAWA ANG MGA TEKNOLOHIYANG BINUO NG PHILRICE PARA SA PANGANGASIWA NG TUBIG SA SAKAHAN.
ISINUSULONG NG PHILRICE ANG DALAWANG EPEKTIBONG TEKNOLOHIYA NA ANGKOP GAMITIN SA MGA LUGAR NA MAY KAKAUNTING SUPPLY NG TUBIG AT DOON SA MGA NASA DULO NG SISTEMA NG IRIGASYON.
ANG A-W-D O ALTERNATE WET AND DRYING METHOD AY ISANG SISTEMA KUNG SAAN HINDI KAILANGANG PALAGIANG IBABAD SA TUBIG ANG SAKAHAN. SA A-W-D, BABABA NG HANGGANG 25 % ANG KONSUMO SA PATUBIG AT MAKATITIPID SA KRUDONG GINAGAMIT SA PAGBOMBA SA TUBIG NG HANGGANG TATLUMPUNG LITRO KADA EKTARYA.
ANG ISA PANG PARAAN AY ANG AEROBIC RICE CULTURE KUNG SAAN ITINATANIM ANG MGA “AEROBIC RICE” VARIETIES SA LUPANG PINATUYO, HINDI MAPUTIK, AT DI BABAD SA TUBIG.-DA INFORMATION SERVICE
Post a Comment