Tuesday, June 23, 2015

FMR sa Negros Occidental pasisimulan na ang pagpapagawa



MATAPOS ANG ILANG DEKADANG PAGLALAKAD SA MAPUTIK NA DAANAN SA MGA TUBUHAN SA NEGROS OCCIDENTAL, MAKAAASA NA NG MAS MAGANDANG BUHAY ANG MGA MAGTUTUBO SA ORAS NA MAGAWA ANG DALAWANG FARM-TO-MARKET ROADS O F-M-R’S SA NASABING PROBINSYA.
 
KUWENTO NG MAGTUTUBONG SI MANG DANILO DUCAY, NAPAKAHIRAP NA DALHIN ANG MGA ABONO SA TUBUHAN DAHIL SA BAKU-BAKO AT MAKITID NA DAAN NA NAGIGING MAPUTIK TUWING TAG-ULAN.
 
ISA LAMANG SI MANG DANILO SA HALOS TATLONG LIBONG MAGSASAKANG MAKIKINABANG SA KONSTRUKSYON NG DALAWANG F-M-R’S SA BAYAN NG TOBOSO AT SA CADIZ CITY.
 
PINANGUNAHAN NI P-R-D-P DIRECTOR USEC. EMERSON PALAD AT NI NEGROS OCCIDENTAL GOVERNOR ALFREDO MARAÑON JR. ANG GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA REHABILITASYON NG 4.2 KILOMETRONG SITIO MAGTU-OD AT SITIO VERGARA F-M-R SA TOBOSO, AT NG 12.46 KILOMETRONG BRGY. CADUHAAN AT SITIO ALUYAN F-M-R SA CADIZ CITY.
 
ANG DALAWANG F-M-R’S NA NAGKAKAHALAGA NG HIGIT SA 182 MILYONG PISO AY ANG UNANG SUB-PROJECTS SA KABISAYAAN NA INAPROBAHAN SA ILALIM NG PHILIPPINE RURAL DEVELOPMENT PROJECT NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE.-DA INFORMATION SERVICE

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com