Tuesday, June 23, 2015

Sec. Alcala nanawagan sa epektibong pananaliksik sa pangangasiwa ng lupa’t tubig



SA PAGDIRIWANG NG IKA ANIMNAPU’T APAT NA ANIBERSARYO NG BUREAU OF SOILS AND WATER MANAGEMENT, INATASAN NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA ANG MGA RESEARCHERS NG NATURANG AHENSYA NA MAGBIGAY NG MGA DATOS AT BUMUO NG MGA PROGRAMA KAUGNAY SA LUPA’T TUBIG NA PAKIKINABANGAN NG MGA NASA REGIONAL FIELD UNITS NG D-A.
 
HINIMOK RIN NG KALIHIM ANG MGA EKSPERTO SA B-S-W-M NA IBAHAGI ANG RESULTA NG KANILANG RESEARCH AND DEVELOPMENT WORK.
 
NGAYONG IDINEKLARA NG PAGASA ANG EL NINO NA TATAGAL HANGGANG SA HULING BAHAGI NG TAON, INATASAN NG KALIHIM ANG B-S-W-M NA MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA D-A REGIONAL FIELD UNITS PARA SA MAS EPEKTIBONG PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMA AT ANG PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON KUNG PAANO MAKATITIPID SA TUBIG.
 
NANAWAGAN RIN SI SECRETARY ALCALA SA MGA OPISYAL NG SMALL WATER IMPOUNDING SYSTEM ASSOCIATIONS O SWISA NA PALAGIANG IPUNIN ANG TUBIG TUWING UMUULAN AT REGULAR NA I-CHECK KUNG MAY LEAK ANG MGA CANAL SA SMALL WATER IMPOUNDING PROJECTS PARA MAIWASAN ANG PAGSASAYANG NG TUBIG.-DA INFORMATION SERVICE

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com