Municipal Organic AgriPark-Pinangunahan ni Kgg. Jose Jonas A. Frondoso at ni MAO Rolando Mendoza ang pagtatapos ng mga magsasaka mula sa iba't-ibang Barangay na naging eskwela sa matagumpay na Field School on Ornganic Vegetable Production. Isang programa katuwang ang Agricultural Training Institute Region IV, na kinatawan naman ni Mr. Mar Lapitan (Project Assistant-ATI IV).
Dumalo rin sa nasabing seremonya ang mga Pinuno ng tanggapan ng Lokal na Pamahalaan, mga Miyembro ng Sangguiang Bayan at ilang mga Punong Barangay.
Samantala binigyan diin ni Mayor Frondoso ang pagsuporta ng Pamahalaang Lokal sa ganitong programa lalo pa at malaking ambag sa industriya ng pagsasaka ng ganitong uri ng pamamaraan ng pagtatanim.
Sa mensahe naman ni MAO Mendoza kanyang hiniling ang tuloy-tuloy at pagpapalaganap ng mga natutunan ng mga nagsipagtapos sa 16 na linggong hands-on training sa paraan ng pagattanim, paggawa ng mga organikong pestisidyo at mga pataba na kung saan ang mga produktong ginamitan nito ay mas mabilis na mabili sa merkado partikular sa Panlalawigang bagsakan ng mga produktong pang-Agrikultura.
Sa panig naman ng mga nagsipagtapos ipinahayag nila ang kanilang kasiyahan sa kanilang mga natutunan sa nasabing pag-aaral at bilang tugon ay bumuo sila ng kanilang Association upang sama-sama nilang ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng nasabing pamamaraan ng pagsasaka. Sa huli, nagkaroon din ng mga pa-raffle ang Municipal Agriculture's Office kung saan may nanalo ng power sprayer,knapsack sprayer, hand sprayer, mga binhi at organic fertilizers.
-radiotagkawayan
In Photos:
Post a Comment