Friday, June 19, 2015

UGNAYAN SA PAARALAN NA INORGANISA NG BRAVO COMPANY 74TH IB, TAGUMPAY

1LT Carlito Santiago, Commanding Officer, Bravo Company 74th IB at Particiapnts

Tagkawayan,Quezon- Humgit kumulang 150 mag-aaral ng Bagong Silang National High School, Tagkawayan,Quezon ang nabigyan ng Kaalaman,Inspirasyon at Hamon mula sa isinagawang "UGNAYAN SA PAARALAN" na Inorganisa ng Bravo Company 74th IB ng Armed Forces of the Philippines. Ito ang unang Ugnayan sa Paaralan na isinagawa ng 74th IB mula ng ma-assign sila sa Tagkawayan noong nakalipas na taon. May tema itong "Uganayan sa Kabataan,Daan tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran".

Sa panayam ng Radio Tagkawayan, sinabi Company Commander 1LT Carlito Santiago na ang nasabing aktibidad ay simula pa lamang ng mga ganitong programa sa mga Paaralan at Komunidad ng kanilang grupo.Sinabi naman niya sa kaniyang pananalita hangarin ng mga ganitong programa na makatulong sa mga kabataan sa pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon at kaalaman sa mga mag-aaral lalo pa at nasa estado ang mga ito ng pagiging idealistic at importante ang paghubog sa kanila sa tamang paraan.

Si 1Lt Carlito Santiago kasama ang isa sa mga participants
Dumalo sa nasabing Ugnayan ang mga kinatawan ng Municipal Health Office, Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at pamunuan ng Barangay Bagong Silang sa pangunguna ni Kap. Srgio C. Alcedo.



Sa unang Bahagi ng programa, ipinakita ng 74th IB ang iba't-ibang aktibidad at programang pang-komunidad ang kanilang ginawa, at gagawin sa kanilang pamamalagi sa Bayan ng Tagkawayan. Sa pamamagitan ng Audio-Visual Presentation nakita ng mga mag-aaral na hindi lang paghawak ng baril,at pagbitbit ng bala at pagkikidigma  ang kanilang papel sa mamamayan kundi ang boluntaryong pagggawa sa mga proyekto ng Pamahalaan at magging ng mga Non-Governmental Organizations (NGO's).

Samatala, binigyan naman ng malalim na pagtalakay ng mga kinatawan ng Municipal Helath Office angis yu ang adolescence sa pagpapanood sa mga participants ng AVP presentation. Matapos ito, tinalakay din ng mga "Nurse ng Bayan" ang mga impormasyon kaugnay ng Rabies, Dengue, Malaria at ang mga schedules ng pagdulog sa pambayang Health Center.
Pinangunahan ni Dra. Coraciel  Yang Lim (Dentist), Mr. Ivan Lorenz D. Go (Sanitation Inspector 1)
Ms. Princess Ghey C. Nova (Malaria Surveillance Personnel), Nurse  Jowee Ann D. Bravo at Nurse Angelo James Aquino.


Tinalakay naman ni Mr. Alexander Villete na kumatawan sa DSWD ang issue ng Gender Equality at ang importansya ng kawalan sa lipunan ng tinatawag na "gender bias" .


Naging seryoso ang mga kabataan nang talakayin ni SPO1 Mitchelle B. Acana kasama si PO1 Shandy Villafuerte ang isyu ng pagkalat ng ipinagbabawal na droga kahit sa mga liblib na Barangay maging sa Bagong Silang kung saan kaniyang ibinunyag ang pagkakahuli sa isang supek na itinuturing na mula sa nabanggit na lugar. Ipinaliwanag din ng mga Kinatawan ng Tagkawayan Municipal Police Station ang mga Batas, parusa at dinetalye ang mga maaring sapitin kahit ng mga kabataan na mahuhuling gumagamit o nagbebenta ng anumang illegal na droga.Nagbabala din siya sa mga sorpresang visitation at inspection sa mga paaralan na aniya'y target ngayon ng mga sindikato ng droga. Dagdag niya katuwang mismo ang mga guro at pamunuuan ng Barangay sa nasabing kampanya sa pagsugpo ng pagkalat ng illegal drugs lalo na sa mga Kabataan.
Binigyang diin din niya na ang dumadaming bilang ng mga nabibiktima ng mga "Gang Rape" ay dahil mismo sa impluwensya ng drogra sa mga kabataan.

Pag-iwas sa sunog at kung paano makaliligtas sa mga sakuna, ito naman ang tinalakay ng mga kinatawan ng BFP sa pangunguna ni SFO1 Cleto S. Natano (Chief Operations & Chief FSES)kasama sina FO1 Gladys Hurtado at iba pa.Itinuro nila ang mga tamang gawin kung may sunog at kung anu ang posibleng maging paunang pamatay sunog ganun din ang mga dapat at hindi dapat gawin kung mabiktima ng pagpaso o "burn" ang isang tao. At sa huli ay ang "emergency drill" na nagturo sa mga estudyante at guro ng mga gagawin sa oras ng kalamidad tulad ng Lindol.


Samantala binigyan din ng 74th IB ng token ang mga mag-aaral na dumalo sa nasabing ugnayan tulad ng ball-pen at handmade bracelets. Habang tinanggap naman ng mga Guro sa pangunguna ng kanilang O.I.C na si Mrs. Elizabel Bongalos ang isang Electric-fan na  idinonate ng Bravo Company.
Sa pagbubuod naman inihayag ng mga estudyante sa pangunguna ng SSG President ng BSNHS ang pasasalamat sa mga ahensya ng pamahalaan na naglaan ng oras para sa nasabing aktibidad at sa 74th IB ng AFP na siyang nag-organisa ng nasabing Ugnayan sa Paaralan.

-radiotagkawayan

In Photos:





About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com