Inaprubahan ng Provincial Development Council ang panukalang karagdagang tatlong distrito sa lalawigan ng Quezon.
Ito ang ibinalita ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa mga punong barangay mula sa iba’t ibang bayan sa ikatlong distrito ng lalawigan ng Quezon sa pamamahagi ng health coupon at construction materials sa bawat barangay noong November 20, 2015 sa bayan ng Catanauan.
Ayon kay Governor Suarez, tiningnan niya ang sitwasyon ng probinsya at kinumpara sa ibang lalawigan, gayundin kung ano ang mayroon sa ibang lalawigan na mas mabilis umunlad kung ikukumpara sa Quezon.
“Ang isa sa katangian na nakita ko sa kanila ay ang dami nilang congressman,” dagdag pa ng gobernador.
“Isipin ninyo, ang Cavite kung bubuhatin mo ay kasya sa loob ng Gen. Nakar ngunit sa liit ng probinsya ay mayroong pitong (7) congressman; ang Batangas na medyo malaking probinsya ngunit wala kung ikukumpara sa laki ng Quezon ay may pitong (7) congressman,” paliwanag ng gobernador.
Dagdag pa ni Governor Suarez na ang bawat congressman, ang pinakamaliit at pinakamahinang congressman ang natatanggap ay isandaang milyong piso (P100M) na Development Fund na malaki ang maitutulong kung madaragdagan ang distrito at congressman ng lalawigan na kanilang pinag-aralan.
Sa panukalang karagdagang tatlong distrito ay magiging pito ang distrito ng Quezon na mahahati ang mga bayan sa mga sumusunod:
1st District – Real, Infanta, General Nakar at Polilio Group of Island (Polilio, Jomalig, Patnanungan, Panukulan at Burdeos)
District 1B – Mauban, Tayabas, Sampaloc, Lucban at Pagbilao
District 2A – San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria at Sariaya
Lone District – Lucena City
BonPen District – Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, Macalelon, Gen. Luna, Catanauan, Mulanay at San Francisco
Ragay Gulf District – San Andres, San Narciso, Buenavista, Guinayangan at Tagkawayan
4th District – Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Calauag, Alabat, Perez at Quezon
Sa bahagi ng Ragay Gulf District, hindi papayagan ni Governor Suarez na hindi aayusin ang connectivity ng limang bayan at kailangang magawa ang Buenavista-Guinayangan Connecting Road at magkokonekta sa Guinayangan papuntang Tagkawayan.
Sa bahagi naman ng San Andres-San Narciso Road at San Narciso-Buenavista Road ay kasalukuyang pinagagawa na ni 3rd district Congresswoman Aleta Suarez.
Ayon pa sa gobernador na pagkatapos maaprubahan ng Provincial Development Council ang naturang panukala, ang kasunod na gagawin ay magpapagawa ng position paper at ipadadala sa bawat bayan upang marinig ang sintimyento at opinion ng bawat isa tungkol dito.
Kaya naman hiniling ng gobernador sa bawat isa na pag-usapan, pag-aralan at pag-isipan ang naturang panukala. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)
Inaprubahan ng Provincial Development Council ang panukalang karagdagang tatlong distrito sa lalawigan ng Quezon. Ito ang ibinalita ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa mga punong
barangay mula sa iba’t ibang bayan sa ikatlong distrito ng lalawigan ng
Quezon sa pamamahagi ng health coupon at construction materials sa
bawat barangay noong November 20, 2015 sa bayan ng Catanauan. Ayon kay Governor Suarez, tiningnan niya ang sitwasyon ng probinsya
at kinumpara sa ibang lalawigan, gayundin kung ano ang mayroon sa ibang
lalawigan na mas mabilis umunlad kung ikukumpara sa Quezon. “Ang isa sa katangian na nakita ko sa kanila ay ang dami nilang congressman,” dagdag pa ng gobernador. “Isipin ninyo, ang Cavite kung bubuhatin mo ay kasya sa loob ng Gen.
Nakar ngunit sa liit ng probinsya ay mayroong pitong (7) congressman;
ang Batangas na medyo malaking probinsya ngunit wala kung ikukumpara sa
laki ng Quezon ay may pitong (7) congressman,” paliwanag ng gobernador. Dagdag pa ni Governor Suarez na ang bawat congressman, ang
pinakamaliit at pinakamahinang congressman ang natatanggap ay isandaang
milyong piso (P100M) na Development Fund na malaki ang maitutulong kung
madaragdagan ang distrito at congressman ng lalawigan na kanilang
pinag-aralan. Sa panukalang karagdagang tatlong distrito ay magiging pito ang distrito ng Quezon na mahahati ang mga bayan sa mga sumusunod: 1st District – Real, Infanta, General Nakar at Polilio Group of Island (Polilio, Jomalig, Patnanungan, Panukulan at Burdeos) District 1B – Mauban, Tayabas, Sampaloc, Lucban at Pagbilao District 2A – San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria at Sariaya Lone District – Lucena City BonPen District – Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, Macalelon, Gen. Luna, Catanauan, Mulanay at San Francisco Ragay Gulf District – San Andres, San Narciso, Buenavista, Guinayangan at Tagkawayan 4th District – Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Calauag, Alabat, Perez at Quezon Sa bahagi ng Ragay Gulf District, hindi papayagan ni Governor Suarez
na hindi aayusin ang connectivity ng limang bayan at kailangang magawa
ang Buenavista-Guinayangan Connecting Road at magkokonekta sa
Guinayangan papuntang Tagkawayan. Sa bahagi naman ng San Andres-San Narciso Road at San Narciso-Buenavista Road ay kasalukuyang pinagagawa na ni 3rd district Congresswoman Aleta Suarez. Ayon pa sa gobernador na pagkatapos maaprubahan ng Provincial
Development Council ang naturang panukala, ang kasunod na gagawin ay
magpapagawa ng position paper at ipadadala sa bawat bayan upang marinig
ang sintimyento at opinion ng bawat isa tungkol dito. Kaya naman hiniling ng gobernador sa bawat isa na pag-usapan, pag-aralan at pag-isipan ang naturang panukala. (Reygan Mantilla-Quezon PIO) - See more at: http://quezon.gov.ph/homepage/index.php?info=viewarticle&id=974#sthash.kKHd6FVR.dpuf
XB GenSan bested 10 groups from other participating countries including
Russia and the United States, which finished second and third place,
respectively.-ABS-CBN News
BETTER and Front VideoFancam videoOur Dance2dance015 Zurich SwitzerlandCHAMPION - XB GenSAN (Extreme Boyz...
Posted by Filipino Dancers on Sunday, November 15, 2015
Ano ang Asia-Pacific Economic Cooperation at bakit ito itinatag?
Itinatag ang Asia-Pacific Economic Cooperation, o APEC, noong 1989. Nagsimula ito bilang isang impormal na pangkat kung saan nagdidiyalogo sa ministeryal na nibel ang 12 miyembro nito: Australia, Brunei Darussalam, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Pilipinas, Singapore, Thailand, Canada, at United States. Inumpisahan ang APEC bilang taunang pulong ng foreign and trade ministers, o mga ministrong pangkalakalan ng iba’t ibang bansa. Layunin nitong mapanatili ang momentum ng pagbubukas ng merkado at kooperasyong pang-ekonomiya na mahalaga sa pagkamit ng kaunlaran at kasaganahan sa Asya-Pasipiko.
Pangunahing dahilan at layunin sa pagtatatag ng APEC ang pagnanasang magsagawa ng mga forum, o kumperensiya, na magbibigay-daan sa higit na pagpapabuti ng ekonomiya ng mga kasapi nito. Nangangahulugan ito ng pagpapabilis ng kaunlarang pang-ekonomiya, pagsusulong ng kooperasyon sa pagitan ng mga miyembro, liberalisasyon ng kalakalan, at paglikha ng mga oportunidad na makapamuhunan sa komunidad ng Asya-Pasipiko.
Larawan 1: Ang APEC Member Economies na kinulayan ayon sa taon ng kanilang pagsali.
Pinagkuhaan: APEC at a Glance, 2012.
MGA MIYEMBRO
Sino-sino ang mga miyembro ng APEC?
Sa kasalukuyan, binubuo ang APEC ng 21 miyembrong ekonomiya na may iba-ibang kakayahang pang-ekonomiya. Kabilang sa mga ito ang developed at developing countries – mga bansang mauunlad at papaunlad pa lamang. Ang 21 miyembrong ekonomiya ay ang Australia, Brunei Darussalam, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Pilipinas, Singapore, Thailand, Canada, United States, Chinese Taipei, People’s Republic of China, Hong Kong, Mexico, Papua New Guinea, Chile, Peru, Russia, at Viet Nam.
Kalimitan, tinatawag na “member economies” ang mga kasaping ekonomiya ng APEC. “Member economies” ang ginagamit dahil pangunahing tinutugunan ng APEC ang mga isyung pangkalakalan at ekonomiya. Itinuturing na mga ekonomikong entidad ang mga miyembro ng APEC sa tuwing nakikipag-ugnayan sila sa isa’t isa.
Unang ipinahayag ang pagbuo ng APEC sa talumpati ng Prime Minister ng Australia na si Bob Hawke sa Seoul, Korea noong Enero 1989. Ginaganap ang pinakaunang pulong ng APEC sa Canberra ng taon ding iyon. Ang mga miyembro ng ASEAN, South Korea at Japan ng Silangang Asya, Australia at New Zealand ng Timog-Kanlurang Pasipiko, at United States at Canada ng Hilagang Amerika ang nagsilbing mga miyembrong tagapagtatag ng organisasyon. Sa kabila ng pagiging soberanya ng mga estadong ito, hinangad nilang maging pagdaigdigan ang pag-unlad ng kanilang mga ekonomiya. Dagdag pa, nagsagawa ng malakihang kalakalan ang lahat ng member economies na ito sa iba pang mga ekonomiya sa Asya-Pasipiko. Ang lahat ng mga salik na ito – ang pagiging soberanya, kaularang ekonomiko, at pakikipagkalakalan sa mga ekonomiya ng Asya-Pasipiko – ang nagsilbing paunang batayan ng pagiging kasapi ng APEC.1 Ilang panahon lamang ang lumipas nang nagawa rin ng iba pang member economies na sumunod sa mga rekisito upang maging miyembro ng pangkat.
Gayumpaman, lumitaw rin ang mga komplikasyon patungkol sa mga rekisito sa pagmimiyembro. Ganito ang naging kaso ng mga maliliit na islang ekonomiya ng Timog-Kanlurang Pasipiko na itinuturing na talagang pandaigdigan sa kanilang estrukturang pang-ekonomiya at nakikipagkalakalan pa nga sa ibang ekonomiya sa Asya-Pasipiko. Naging balakid ang laki at kakayahang politikal at pang-administratibo ng mga estadong ito ng Timog-Kanlurang Pasipiko na maging kasapi ng APEC, maliban sa Papua New Guinea. Isa pang isyu ang lumitaw sa pagiging miyembro ng Russia dahil sa isinagawa nitong hilaw na repormang pang-ekonomiya at sa mga panlabas nitong ugnayang pang-ekonomiya na masyadong nakatuon sa Europa.2
Dahil sa mga isyung ito, naglabas ang APEC ng sampung taon na moratoryum o pansamantalang hinto sa pagtanggap ng miyembro noong 1997. Sa pagtatapos ng 2007, pinahaba ang moratoryum hanggang 2010.
Sino-sino ang mga tagaobserba?
Ang tatlong opisyal na tagaobserba ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ay ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Secretariat, ang Pacific Economic Cooperation Council (PECC), at ang Pacific Islands Forum Secretariat. Binibigyan ang mga tagaobserbang ito ng karapatang makilahok sa mga pulong ng APEC at magkaakses sa mga dokumento at kahit anong impormasyong may kinalaman sa APEC. Ibabahagi ng mga tagaobserbang ito ang kanilang pakikipagtulungan, pagkadalubhasa, at dunong upang tulungan ang APEC sa pagkamit ng mga layunin at pagpapatupad ng mga inisyatibo nito. Minimithi ng lahat ng pangkat na ito ang kooperasyon at ekonomikong pag-unlad sa rehiyon. Isinasaad ng mga paglalarawan sa ibaba ang kani-kanilang mga layunin at hangarin.
Ayon sa nakasaad sa ASEAN Declaration sa Bangkok noong Agosto 8, 1967, layunin ng ASEAN ang pagpapalaganap ng malawakang kooperasyon at pagpapabilis ng kaunlarang pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkultura sa Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, sa diwa ng pagkakapantay-pantay at pagtutulungan. Sa ganitong paraan, higit na maisusulong ang pagkakaisa sa rehiyon, na paiigtingin ang kapayapaan, kaunlaran, at kasaganahan sa lugar. Hangad din ng ASEAN na magpalaganap ng kapayapaan at estabilidad sa rehiyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa nang alinsunod sa batas at pagtalima sa mga prinsipyo ng United Nations Charter.3
Hindi tulad ng ASEAN, binubuo ang Pacific Economic Cooperation Council (PECC) ng mga indibidwal sa matataas na posisyon mula sa sektor ng kalakalan at industriya, gobyerno, akademya, at iba pang intelektuwal na pangkat – na lumilikha ng isang tripartite partnership, o samahang may tatlong kasapi. Bilang mga pribadong entidad, nakikilahok ang mga pangkat ng indibidwal na ito upang malayang talakayin ang mga napapanahon at praktikal na isyung pampolisiya sa Asya-Pasipiko. Nagsisilbi ang PECC bilang rehiyonal na forum para sa kooperasyon at koordinasyong pampolisiya na siyang tutulong sa pagsusulong ng kaunlarang pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko. Tinatalakay ng forum ang mga isyu hinggil sa pagpapabilis ng kaunlarang pang-ekonomiya, panlipunan, pang-agham, panteknolohiya, at pangkalikasan sa buong rehiyon. Mithiin ding mamalas ang kaunlarang ito sa kalakalan, pagsososyo, mutual aid at iba pang anyo ng pakikipag-ugnayan, katarungan, paggalang at totoong pakikipagtulungan, at huli, sa pagpapatibay ng pundasyon para sa isang masagana, maunlad, at mapayapang Asya-Pasipiko.
Ang Pacific Islands Forum ang nangungunang rehiyonal at intergobyernong forum sa Timog Pasipiko. Binubuo ito ng 16 na independiyenteng mga estado. Tulad ng ASEAN at PECC, hangarin din nito na pasiglahin ang kaunlarang pang-ekonomiya, pabutihin ang pampolitikang pamamahala at seguridad, at palakasin ang kooperasyon at integrasyon sa rehiyon. Tinutugunan nito ang mga isyu tungkol sa kalakalan sa rehiyon, ekonomikong kaunlaran, pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan at panrehiyon, kooperasyon at kaligtasan sa Timog Pasipiko.4
PANGUNAHING MGA LAYUNIN
Ano ang nais makamit ng APEC?
Pangunahing layunin ng APEC ang magbigay ng paraan upang lumikha at magpanatili ng pangmatagalang kaunlaran at kasaganahang pang-ekonomiya sa rehiyon. Isinalin ang harayang sa Bogor Goals of 1994 na nagsusulong ng malayang at bukas na kalakalan at pamumuhunan sa Asya-Pasipiko. Punterya ng APEC na makamit ang layuning ito pagsapit ng 2010 para sa developed economies at 2020 para sa developing economies.
Higit pa riyan, upang makamit ang Bogor Goals, bumuo ang member economies ng APEC ng isang framework o balangkas na kinilala bilang “Three Pillars (Tatlong Haligi)” sa Osaka, Japan noong 1995. Nagsisilbi ang tatlong haliging ito na gabay sa pagkamit ng pangunahing mithiin ng malayang kalakalan at pamumuhunan. Ang tatlong haligi ay ang sumusunod:
UNANG HALIGI: LIBERALISASYON NG KALAKALAN AT PAMUMUHUNAN
Layunin ng haligi ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan na unti-unting paliitin hanggang kalaunang alisin ang “tariff and non-tariff barriers to trade and investment.” Ang tariff o taripa, o buwis sa pag-aangkat, ay isa sa mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan. Ang protectionism ay isang polisiyang pang-ekonomiya na ipinatutupad kapag pinoprotektahan ng gobyerno ang mga lokal na industriya nito laban sa mga dayuhang kompetisyon. Ginagawa ito kadalasan sa pamamagitan ng mga taripa, subsidyo, kota sa angkat, at iba pa. Dahil dito, tumataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo. Kabaligtaran nito, binubuksan naman ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan ang mga merkado kung kaya lumalaki ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga bansa. Sa pagbabawas at pag-aalis ng mga taripa at hadlang sa kalakalan, hindi na mag-aalala ang mga estado sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung kaya, madaling makita at makamit ang kaunlarang pang-ekonomiya para sa mga miyembro ng APEC.
Ang Regional Economic Integration agenda ng APEC ay isa ring paraan kung saan gagawing mas epektibo ang tatlong haliging kaugnay ng Bogor Goals. Gumagawa ang Regional Economic Integration ng mga hakbang upang padaliin ang mga bilateral at regional trade agreements. Ito ay mga kasunduang pangkalakalan sa pagitan ng dalawang partido (bilateral) o ng mga miyembro ng rehiyon (regional). Sinusuri din nito ang mga posibleng lugar sa rehiyon para magsagawa ng malayang kalakalan.
IKALAWANG HALIGI: PASILITASYON NG PAGNENEGOSYO
Layunin ng haliging ito na paliitin ang gastusin sa mga transaksiyong pangnegosyo at pangkalakalan. Kapag maliit ang gastos sa produksiyon, nadaragdagan ang kalakalan, pamumuhunan, at mga oportunidad para magnegosyo dahil nagiging mura ang mga produkto at serbisyo. Maaari itong magbunga ng mas maraming trabaho na nag-aambag sa pangkalahatang kaunlaran ng bansa.
Layunin din ng haliging ito na magsagawa ng mas mabilis na mga pamamaraan para magkaakses sa mga impormasyong pangkalakalan. Pinagkakawing nito ang mga polisiya at estratehiya upang parehong tumungo sa mabilis na pagkamit ng maunlad na ekonomiya, pati ng isang rehiyong bukas at malaya ang kalakalan.
IKATLONG HALIGI: KOOPERASYONG EKONOMIKO AT TEKNIKAL
Sa pamamagitan ng haliging ito, magkakaloob ang APEC ng pagsasanay at kooperasyon gamit ang mga aktibidad at proyektong magpapahusay sa kakayahang pang-ekonomiya at panteknolohiya ng member economies nito. Prayoridad ng ECOTECH (Economic and Technical Cooperation) ang integrasyon ng mga ekonomiya sa rehiyon, na tinutugunan ang mithi ng kaunlarang panlahat, pinabubuti at pinoprotektahan ang dekalidad na pamumuhay ng mga tao sa pamamagitan ng pangmatagalang kaunlaran, repormang pang-estruktura, at seguridad pantao.5
PAGKILOS NG APEC
Paano isinasakatuparan ng APEC ang mga layunin at haraya nito?
Upang makamit ang APEC Bogor Goals ng malaya at bukas na kalakalan at pamumuhunan sa Asya-Pasipiko, bumuo ang member economies ng APEC ng isang estratihikong roadmap o plano noong ginanap APEC Economic Leaders’ Meeting sa Osaka, Japan noong 1995. Kilala ang roadmap na ito bilang Osaka Action Agenda.
Naghahain ang Osaka Action Agenda ng isang balangkas para makamit ang Bogor Goals sa pamamagitan ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, pasilitasyon ng pagnenegosyo at mga gawaing pansektor, na nakapailalim sa mga diyalogong pampolisiya pati na kooperasyong pang-ekonomiya at panteknolohiya. Kinilala ng Osaka Action Agenda ang General Principles o mga pangkalahatang prinsipyo sa pagpapagana ng proseso ng liberalisasyon at pasilitasyon ng APEC. Ito ang mga sumusunod:
Comprehensiveness o pagkakomprehensibo sa pagtugon sa lahat ng balakid sa pangmatagalang mithiin ng malaya at bukas na kalakalan.
WTO-consistency o pagiging konsistent ng mga prinsipyo nito sa mga adhikaing isinusulong ng WTO.
Comparatibility o pagkakahawig ng member economies pagdating sa liberalisasyon at pasilitasyon. Hangga’t maaari, hindi dapat magkalayo ang antas ng developing economies sa isa’t isa; gayundin ang develop economies kumpara sa isa’t isa.
Non-discrimination o walang kinikilingan sa pagbabawas ng mga hadlang sa kalakalan, na ipatutupad para sa lahat ng ekonomiyang APEC at di-APEC.
Transparency o pagiging bukas at tapat ng mga batas, regulasyon, at administratibong pamamaraan ng lahat ng APEC member economies.
Standstill o hindi paggawa ng mga hakbang na maaaring magpataas ng proteksiyonismo.
Simulataneous start, continuous process and differentiated timetables o sabay-sabay na pagsisimula, patuloy na proseso at magkakaibang talaorasan sa pagsasagawa ng liberalisasyon, pasilitasyon, at kooperasyon tungo sa pagkamit ng Bogor Goals.
Flexibility o kakayahang makiangkop sa sitwasyon, sa pagpapatupad ng mga proseso ng liberalisasyon at pasilitasyon.
Cooperation o aktibong pinagsusumikapan ang kooperasyong pang-ekonomiya at panteknolohiya.
Iniuulat ng APEC member economies ang kanilang progreso sa pagkamit ng Bogor Goals sa pamamagitan ng pagpapasa ng Individual Action Plans (IAPs) at Collective Action Plans (CAPs). Regular na isinusumite ang mga ulat na ito sa APEC Secretariat.
INDIVIDUAL ACTION PLANS
Ang Individual Action Plan (IAP) ay ang pangunahing mekanismo sa pagpapatupad ng agendang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan. Sa simpleng salita, ang IAP ay isang talaan ng mga isinasagawang aksiyon upang makamit ang layuning malaya at bukas na kalakalan at pamumuhunan. Isinusulong ng IAP ang transparency o katapatan sa pag-uulat ng APEC member economies ng kani-kanilang indibidwal na progreso sa pagsasakatuparan ng pangakong liberalisasyon sa pamumuhunan.
Nakabatay ang pag-uulat ng IAP sa sumusunod na mga bagay:
Tariff, o taripa
Intellectual property, o pagmamay-aring intelektuwal
Mobility of business people, madaling pagkilos ng mga negosyante
Non-tariff measures, o mga batas laban sa malayang kalakalan bukod sa taripa
Competition policy, o polisiyang pangkompetisyon
Official websites that gather economies’ information, mga opisyal na website na tinitipon ang mga impormasyon tungkol sa mga ekonomiya
Services, o mga serbisyo
Government procurement, o pamimili ng gobyerno
Transparency, o katapatan/pagiging bukas at walang itinatago
Investment, o pamumuhunan
Deregulation/regulatory review, o deregulasyon/pagsusuri ng mga regulasyon
Regional Trade Agreements/Free Trade Agreements (RTAs/FTAs), o Kasunduan ng Kalakalang Panrehiyon/Kasunduan ng Malayang Kalakalan
Standards and conformance, o mga pamantayan at pakikiisa sa mga pamantayang ito
WTO Obligations (including rules of origin), o mga obligasyon ng WTO
Customs procedures, o mga pamamaraan ng Adwana
Dispute mediation, o pamamagitan sa mga di-pagkakaunawaan
MGA BENEPISYO
Ano-ano ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng APEC?
Bilang isang multilateral na forum, binibigyan ng APEC ang 21 member economies nito, kasama ang komunidad ng mga negosyante at iba pang pangkat, ng pagkakataon para talakayin ang mga isyung nakaaapekto sa Asya-Pasipiko. Binibigyan nito ang bawat stakeholder, o namumuhunan, ng isang lunan para magpalitan ng idea, opinyon, alalahanin, at plano tungo sa pagpapalakas ng hinaharap na kaunlaran ng rehiyon.
Malaking benepisyo ang tinatamasa ng developing at developed economies mula sa APEC. Pinagkakalooban ng APEC ang developing economies ng karagdagang impormasyon at gabay sa aspekto ng pagpapahusay ng mga pamamaraan, balangkas ng mga polisiya, at iba pang mga sistemang may kinalaman sa mga kontemporanyong isyu. Kabilang sa ilang mga isyu na ito ang katapatan/pagiging bukas at walang itinatago, pamamahala, reporma sa pinansiyal na sektor, at mga pamamaraan ng adwana. Gamit ang samot-saring mga APEC forum na mula working group meetings, seminars, leaders’ meetings, nabibigyang-pagkakataon ang bawat kinatawan ng mga bansa na matuto ng bagong mga kakayahan pati na ang pinakamahuhusay na gawi ng ibang mga ekonomiya. Parehong may oportunidad ang mga developing at developed economies na itakda ang agenda ng APEC. Pinapalakas ng APEC ang indibidwal at kolektibong kakayahan ng member economies bilang mga kalahok para sa pagsusuring pang-ekonomiya. Nagsasagawa rin ito ng isang epektibong forum kung saan nagkokonsulta at binibigyan ang mga kalahok ng pagkakataon na isulong ang kanilang nagkakaisang interes at maipalaganap na ang mga interes na ito sa mga mas malalaking multilateral na forum.
Huli, nakatatanggap din ang mga negosyo ng pakinabang at benepisyo sa pakikibahagi nila sa APEC. Kabilang sa mga benepisyong ito ang malawakang pagbawas sa mga hadlang at balakid sa kalakalan.
MGA TAGUMPAY
Ano-ano na ang mga napagtagumpayan ng APEC sa kasalukuyan?
Simula nang itinatag ang APEC, naging kapansin-pansin na ang mga tagumpay nito at naging buhay na buhay ang ekonomiya sa Asya-Pasipiko. Noong 2012, binubuo ng member economies ng APEC ang 40 porsiyento ng kabuuang populasyon ng mundo (2.8 bilyong katao).6 Kung pagsanibin ang mga ekonomiyang ito, bubuuin nila ang 47 porsiyento ng pandaigdigang kalakalan (USD 21 trilyon) at 57 porsiyento ng GDP (USD 41 trilyon).7Pinatototohanan ng mga numerong ito ang dinamismo ng APEC.
-APEC sa Pandaigdigang Ekonomiya, 2012-
Pagdating sa liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, nakamit na ng APEC sa kasalukuyan ang sumusunod:
Nang itatag ang APEC noong 1989, 16.9 porsiyento ang average trade barriers o hadlang sa kalakalan sa rehiyon. Pagdating ng 2010, napakalaki ng ibinaba ng trade barriers na ito, na umaabot na lamang sa 5.8 porsiyento.8
Ang kabuuang intra-APEC na kalakalan ng mga merchandise o paninda ay lumaki mula $1.7 trilyon noong 1989 hanggang $9.9 trilyon noong 2012. Sa kabilang banda, lumobo rin ang kabuuang kalakal ng APEC pagdating sa goods and services mula $3.1 trilyon noong 1989 hanggang $16.8 trilyon noong 2010.
May pirmadong 140 free trade agreements sa kalahatan ang mga miyembro ng APEC nitong Hunyo 2013, 51 rito ay nilagdaan kasama ng isa pang miyembro ng APEC. Sa lahat ng nilagdaang free trade agreements na ito, 134 ang ipinapatupad habang 49 ay nilagdaan kasama ng isa pang miyembro ng APEC.9
Ang Regional Economic Integration agenda, na isang programang tatagal nang maraming taon at nakatuon sa pagkamit ng Bogor Goals ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, ay kasalukuyang pinag-aaralan ang posibilidad ng pagkakaroon ng Free Trade Area of the Asia-Pacific. Nakabuo ito ng 15 modelong hakbangin para sa free trade agreements at regional trade agreements.10 Naging kilala rin ang APEC sa pagiging aktibong tagasulong ng mga multilateral na negosasyong pangkalakalan sa World Trade Organization sa loob ng nakaraang 20 taon.
PASILITASYON NG NEGOSYO
Sa loob ng ilang dekada, pinalaganap ng APEC ang pasilitasyon ng kalakalan alinsabay sa globalisasyon ng pandaigdigang ekonomiya. Layunin ng Trade Facilitation Action Plan (TFAP) ng APEC na panatilihin ang mga pamamaraang pangkalakalan na simple, madaling sundin, bukas at walang itinatago upang malayang mapadaloy ang komersiyo sa pagitan ng mga ekonomiya. Dahil dito, ipinatutupad ang pag-aalis ng red tape sa mga import at eksport nang sa gayon ay maging episyente at matipid ang paghahatid ng mga kalakal. Mula 2002 hanggang 2006, napagtagumpayan ng APEC ang isang hakbang na binabawasan ang gastos ng transaksiyon ng mga negosyo sa rehiyon ng 5 porsiyento. Mula 2007 hanggang 2010, muling nabawasan ng TFAP ang gastos ng dagdag pang 5 porsiyento. Nakatipid ito ng kabuuang USD 58.7 bilyon.11
Ilang mga inisyatibo ang ipinatupad na nakatulong sa pagpapagaan ng kalakalan. Kabilang dito ang sumusunod:
Ipinakilala ng member economies ang elektronikong pagpoproseso ng dokumento.
Sa paggamit ng Single Window Strategic Plan noong 2007, isinusulong ang paglikha ng single window system o sistemang pinapayagan ang mga importer at eksporter na isumite sa gobyerno sa isang transaksiyon lamang ang mga kinakailangang impormasyon – imbis na sa napakaraming ahensiya ng gobyerno.
Madaling makikita ang mga impormasyon tungkol sa taripa at Rules of Origin ng APEC member economies sa APEC webpage on Tariffs and ROOs (“WebTR”). Inilunsad ito noong Nobyembre 2010.
Pinagsusumikapan ng APEC na gawing higit pang kaakit-akit ang member economies nito sa mga nahuhumuhan. Isinusulong ito sa pamamagitan ng Investment Facilitation Action Plan of 2008.
Ginagabayan ang APEC member economies ng APEC Privacy Framework sa pagpapatupad ng mga polisiya at patakaran sa pagpoprotekta sa pribasya ng kanilang mga impormasyon.
Sa pamamagitan ng APEC Business Travel Card (ABTC), pinadali ang pagbibiyahe dulot ng pagpapahintulot sa mga bona fide business traveler na magkaroon ng pre-approved visa clearance at express lane transit sa paliparan ng mga kasaping ekonomiya.
Tutugunan ang behind-the-border barriers to trade sa pamamagitan ng Structural Agenda ng APEC. Tutuon ito sa mga pandomestikong polisiya at institusyon na nakasasama sa mga merkado, kasama na ang kapasidad ng mga negosyo na magkaroon ng mga pagkukumparahan upang mas mahusay na makakilos.
ECONOMIC AND TECHNICAL COOPERATION (ECOTECH)
May kabuuang 1600 proyektong idinisenyo para sa pagdaragdag ng kapasidad ng mga ekonomiya ang sinimulan noong 1993. Taon-taon, mga 100 hanggang 150 proyekto ang pinopondohan ng APEC. Sa katotohanan, noong 2011 hanggang 2012, 73 proyekto sa kalahatan ang ipinatupad, 32 dito ang nakatuon sa pagsisiguro ng dekalidad na buhay bunsod ng pangmatagalang kaunlaran, 9 proyekto ang para sa kaunlarang panlahat, 21 sa seguridad pantao, 2 sa repormang pang-estruktura, at 9 sa integrasyong pang-ekonomiya sa rehiyon o regional economic integration.12
– Mga Proyektong ECOTECH ayon sa Prayoridad (Taon 2010-2013) –
Repormang Pang-estruktura: 3%
Integrasyong Pang-ekonomiya sa Rehiyon: 12%
Pagtugon sa Dimensiyong Panlipunan ng Globalisasyon (Panlahatang Kaunlaran): 20%
Pagsisiguro ng Dekalidad na Buhay Bunsod ng Pangmatagalang Kaunlaran: 37%
Seguridad Pantao: 28%
Isa sa mga pinakakinikilalang kontribusyon ng ECOTECH ang pagbawas ng digital divide o kaibhan sa antas ng teknolohiya ng industrialized and developing countries. Noong 2000, pinangarap ng APEC ang isang rehiyon kung saan may akses sa internet ang lahat, kung kaya pinunterya nitong triplehin ang gamit ng internet sa rehiyon. Nakamit ang pangarap na ito at kinilala ito ng 2008 APEC Ministerial Meeting on the Telecommunications and Information Industry. Sa kasalukuyan, nagtakda ang APEC ng isa pang mithiin na magkaloob ng unibersal na akses sa broadband ang buong rehiyon pagsapit ng 2015, kahit na itinuring itong ambisyosong mithiin ng mga Telecommunications Ministers sa Okinawa, Japan noong 2010.
Ang isa pang proyektong inaasahang makatulong sa pagpapaliit ng digital divide ay ang pagtatatag ng isang network ng 46 na APEC Digital Opportunity Centers (ADOC) na tumatakbo sa 10 member economies sa kasalukuyan. Gumaganap ang mga center na ito bilang lokal na information communication technology (ICT) resource center na nagkakaloob sa mga mamamayan at negosyo sa rehiyon ng akses sa ICT, edukasyon, at mga pagsasanay.
IBA PANG MGA TAGUMPAY
Pinagtuunan ng APEC ng pansin hindi lamang ang mga usapin hinggil sa pasilitasyon ng malayang kalakalan at pamumuhunan, bagkus pati ang iba pang napapanahong prayoridad ng rehiyon. Kabilang na rito ang paglaban sa terorismo (Ang Shanghai Statement noong 2001 at ang Counter-Terrorism Task Force), seguridad pantao (Health Working Group), paghahanda sa mga oras ng kagipitan (Emergency Preparedness Working Group), climate change, seguridad pang-enerhiya at kaunlarang makakalikasan (Ang Sydney Declaration noong 2007 at ang APEC List of Environmental Goods noong 2012), at huli, pandaigdigang krisis pinansiyal (Ang Vladivostok Statement noong 2012).
MGA PAGKILOS
Paano kumikilos ang APEC?
Kumikilos ang APEC bilang isang kooperatibo, multilateral na forum pang-konomiya at kalakalan. Ito ang natatanging kinikilalang international intergovernmental grouping sa mundo na naninindigan para sa pagbawas ng mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan nang hindi kinakailangan ipasailalim ang mga miyembro nito sa mga isinabatas na kasunduan. Boluntaryo ang pakikilahok sa APEC at hindi sapilitan ang mga desisyon nito.13Isinusulong ng APEC ang diyalogo at pagpapasiya ayon sa pinagkasunduan ng lahat. Sa gayon, napananatili ang pagkakapantay-pantay ng member economies nito. Nagsasagawa ito ng mga aktibidad batay sa bukas na diyalogo at magkakapantay na respeto sa pananaw ng lahat ng mga kalahok.14
Sino ang nagtatakda ng agenda at plano ng APEC?
Ginagabayan ang mga gawain ng APEC ng Economic Leaders at Ministers ng member economies na nagpupulong sa kahabaan ng taon upang tukuyin ang kinabukasan ng kooperasyong pangkalakalan at pampamumuhunan sa Asya-Pasipiko. Sa APEC Economic Leaders’ Meeting na ginaganap sa pagtatapos ng bawat taon, inilalabas ang isang pahayag na iniisa-isa ang mga prayoridad ng APEC para sa susunod na taon. Ang mga minister na kumakatawan sa iba’t ibang portfolio, Senior Officials at mga miyembro ng iba’t ibang APEC forum ay nagkikita-kita sa kahabaan ng taon upang maglunsad ng mga bagong inisyatiba, tukuyin ang pag-usad ng mga umiiral na programa at magpatupad ng mga direktiba mula sa economic leaders. Isinusulong ng APEC ang pagkikisangkot ng developing at developed countries, maliit at malaki sa buong proseso ng pagdedesisyon nito.
SAKLAW NG GAWAIN
Ano ang saklaw ng mga gawain ng APEC?
Kasalukuyang tinatrabaho ng APEC ang tatlong malalawak na gawain upang makamit ang Bogor Goals nito: ang pagkakaroon ng malaya at bukas na kalakalan at pamumuhunan sa Asya-Pasipiko pagsapit ng 2010 para sa industrialized economies at 2020 para sa developing countries. Ito ang Three Pillars o tatlong haligi ng APEC:
Liberalisasyon ng Kalakalan at Pamumuhunan
Pasilitasyon ng Negosyo
Economic and Technical Cooperation (ECOTECH)
Kinikilala ang APEC bilang isa sa mga pinakaunang pandaigdigang institusyon na mahigpit na iniugnay ang kooperasyong pang-ekonomiya at teknolohiya sa liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan.15 Nakapagsagawa na ito ng mga kumperensiya at mga pagsasanay para sa napapanahon at mahahalagang usapin tulad ng pamamahalang pangkorporasyon, pamamahalang pampinansiya, polisiyang pangkompetisyon, komersiyong elektroniko, repormang pang-edukasyon, at episyenteng paglikha ng enerhiya, at iba pa.
DIREKSYONG PAMPOLISIYA
Sino ang nagtatakda ng direksiyong pampolisiya ng APEC?
Mula sa 21 APEC Economic Leaders ang direksiyong pampolisiya ng APEC. Ang mga rekomendasyong pang-estratehiya ng APEC Ministers at APEC Business Advisory Council ay itinuturing ng APEC Economic Leaders na bahagi ng prosesong ito.
Ang sumusunod na mga pulong ay isinasagawa taon-taon upang hubugin ang direksiyong pampolisiya ng APEC:
APEC ECONOMIC LEADERS’ MEETINGAng APEC Economic Leaders’ Meeting ay ginaganap isang beses sa isang taon sa bansa ng tagapagdaos o host economy. Dinadaluhan ito ng mga heads of state ng member economies maliban sa Republic of China (kinakatawan ng isang opisyal sa ministeryal na nibel, sa ilalim ng pangalang Chinese Taipei). Ginanap ang 2013 APEC Economic Leaders’ Meeting noong Oktubre 5-7, 2013 sa Bali, Indonesia. Ang Pilipinas ang magiging tagapagdaos at tagapangulo ng APEC 2015.
Ang mga deklarasyon mula sa Leaders’ Meeting ang nagtatakda ng agendang pampolisiya ng APEC.
APEC MINISTERIAL MEETING:Ginaganap ang taunang APEC Ministerial Meeting ng foreign and economic/trade ministers isa o dalawang araw bago ang APEC Economic Leaders’ Meeting. Kasama sa mga layunin ng ministerial meeting ang pagtatasa sa mga naging aktidad ng APEC para sa taon at pagbibigay ng mga rekomendasyon para pag-aralan ng APEC Economic Leaders.
SECTORAL MINISTERIAL MEETINGS
Regular na idinaraos ang Sectoral Ministerial Meetings upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa edukasyon, enerhiya, kalikasan at pangmatagalang kaunlaran, pinansiya, pagpapaunlad ng yamang-tao, kooperasyong pang-agham at teknolohiya sa rehiyon, small and medium enterprises, industriya ng telekomunikasyon at impormasyon, turismo, kalakalan, transportasyon at mga usaping pangkababaihan. Tulad ng APEC Ministerial Meetings, ipinapasa ang mga naging bunga at rekomendasyon mula sa sectoral meetings sa APEC Economic Leaders upang bigyang-konsiderasyon.
APEC BUSINESS ADVISORY COUNCILItinatag noong 1995, ang APEC Business Advisory Council (ABAC) ay isang entidad mula sa pribadong sektor na nagbibigay ng mga rekomendasyon sa mga pinuno ng APEC sa pamamagitan ng kanilang taunang diyalogo at nagpapayo sa mga opisyal ng APEC tungkol sa mga prayoridad at mahahalagang usapin para sa sektor ng negosyo. Nagtitipon-tipon ang ABAC nang apat na beses sa isang taon. Nagpapadala rin ito ng mga kinatawan sa APEC Senior Officials’ Meeting, Annual Ministerial Meeting at Sectoral Ministerial Meetings. Binubuo ang ABAC ng tigtatatlong senior business leader kada APEC member economy.
Sino ang tagapagdaos ng taunang APEC Leaders’ Meeting?
Bawat taon, isa sa 21 APEC Member Economies ang gumaganap na host o tagapagdaos ng APEC Meetings at nagsisilbing APEC Chair o tagapangulo nito. Bilang tagapagdaos, ang member economy ang siyang responsable sa pamumuno sa taunang Economic Leaders’ Meeting, piling Ministerial Meetings, Senior Officials Meetings, at ng APEC Business Advisory Council at APEC Study Centers Consortium. Nagtatampok ang APEC ng taunang siklo ng pamumuno, kung saan isang member economy ang gaganap sa tungkulin ng pagiging APEC Chair nang isang taon. Magwawakas ang siklong ito sa pagdaraos ng ministerial meeting at ng Leaders’ Meeting (APEC Summit).
Kritikal ang tungkuling ginagampanan ng APEC Chair sa pag-impluwensiya ng direksiyon ng pag-unlad ng APEC pagdating sa nilalaman ng kooperasyon at natura ng proseso.16 Dagdag pa, tinitiyak ng paikot-ikot na karakter ng pagkapinuno na sasalaminin ng malawak na sakop ng agenda ang magkakaibang interes ng mga member economies nito.
Saan kinukuha ng APEC ang pondo para sa iba’t ibang isinasagawang aktibidad at pagpupulong?
Ang mga aktibidad ng APEC ay pangunahing pinopondohan ng taunang kontribusyon mula sa APEC member economies, na umaabot ng US$5 million sa kasalukuyan. Ginagamit ang mga kontribusyong ito upang pondohan ang isang Secretariat sa Singapore at samot-saring proyekto na sumusuporta sa mga layuning pang-ekonomiya at pangkalakalan ng APEC. Nagbibigay rin ang member economies ng boluntaryong kontribusyon na sumusuporta sa mga proyektong nagsusulong ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan ng APEC, at pasilitasyon ng mga mithiin, pati na ang pagtugon sa mga pangangailangan para sa paglinang ng kakayahan, lalo na ng APEC developing economies.
Maliban sa mga tinukoy nang pagpupulong, paano isinasagawa ang mga working level activities ng APEC?
Ginagabayan ang APEC working level activities and projects ng APEC Senior Officials mula sa 21 APEC member economies. Ipinapatupad ang mga aktibidad at proyektong ito ng apat na matataas komite: (1) Committee on Trade and Investment; (2) Senior Officials’ Meeting Committee on Economic and Technical Cooperation; (3) Economic Committee; (4) Budget and Management Committee. Ang lahat ng iba’t ibang mga subcommittee, experts’ group, working groups, at task force ay sumusuporta sa mga aktibidad at proyektong pinamumunuan ng nakatataas na mga komiteng ito.
APEC SECRETARIAT
Ano ang papel ng APEC Secretariat?
Kumikilos ang APEC Secretariat bilang sentrong mekanismong pansuporta sa proseso ng APEC. Inatasan itong magsagawa ng koordinasyon, teknikal na suporta, at pagpapayo kabilang ang pangangasiwa ng impormasyon, komunikasyon, at kawanggawa para sa publiko. Ginagampanan ng APEC Secretariat ang papel ng sentrong tagapangasiwa ng proyekto, umaalalay sa APEC member economies sa pamamalakad ng iba’t ibang proyektong pinondohan ng APEC, at sa pamamahala ng taunang badyet. Pinananatili ng APEC Secretariat ang kakayahang suportahan ang mga saliksik at pagsusuring ginagawa kasama ng APEC Study Centres at PECC bilang rekisito ng APEC fora. Pinamumunuan ang APEC Secretariat ng isang Executive Director, si Dr. Alan Bollard. Ang Executive Director ang siyang responsable sa APEC Senior Officials sa pamamagitan ng SOM Chair at pinamamahalaan ang Secretariat alinsunod sa mga prayoridad na itinakda ng SOM sa ngalan ng mga Minister. Pantatlong taong fixed na termino ang pagkakatalaga sa posisyong Executive Director, at bukas ito sa mga propesyonal na kandidato mula sa kahit anong APEC member economies. Matatagpuan ang tanggapan ng APEC Secretariat sa University of Singapore.