Lucena City- Taliwas sa karaniwang pagpili ng Festival Queen, mas mahigpit, at mas kapa-panabik ang naging labanan sa 2015 search for Niyogyugan Festival Queen.Hinirang na kauna-unahang Bb. Niyogyugan Festival ang kinatawan mula bayan ng Sariaya na si Bb.Coralin Resurreccion na sinundan naman ni Ms. Erika Japor ng Lungsod ng Lucena (1st runner-up) habang 2nd runner-up naman si Ms.Tiaong Lanie Locus at 3rd runner-up naman ang kinatawan ng Buenavista na si Kristel Labay. Sa isinagawang Koronasyon sa Quezon Convention Center, August 12 nagpatalbugan sa Festival Wear at Swimwear Competition ang dalawampu't isang (21) kandidata mula sa iba't-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon habang una ng naisagawa ang Talent Exposition ng mga kalahok sa event center ng Sm City Lucena noong August 10.
Samantala narito naman ang listahan ng Special Awards: Best in Festival Wear: Ms. Lucena Best in Swimwear: Ms. Mauban Best in Talent: Ms. Sariaya Ms. Photogenic: Ms. Buenavista Ms. Congeniality: Ms. Unisan Ms. Netizens by Globe (Most Likes in FB): Ms. Padre Burgos Ms. Juicy Girl: Ms. Tiaong Ms. Biogenic Alcohol: Ms. Sariaya Ms. Kutis Silka: Ms. Lucena Ms. Lynderm: Ms. Sariaya
Lucena,City- Nagbunga ang pagod,puyat at sakripisyo ng mga kabataan ng Tagkawayan Quezon matapos humakot ng panalo sa katatapos na Sreet Dancing Competition sa Niyogyugan Festival 2015. Sa isinagawang Grand parade mula SM City Lucena (August 15) hanggang Provincial Capitol napahanga ng Team Tagkawayan ang mga Judges kung kaya't maliban sa pagiging Champion ng Street Dancing Category, nakuha din nila ang "Best Choreographer" award. Labis naman ang pasasalamat sa suportang kanilang natanggap ng kanilang Trainor na si Mr. Anthony Salumbides, guro ng Tagkawayan National High School.
Full Lists of winners of Niyogyugan Festival 2015 Street Dance & Show Down Competition at Quezon Convention Center | August 15, 2015 Winners:
Street Dance Competition Champion-Tagkawayan 1st Runner-up-Dolores 2nd Runner-up-Atimonan
Muli na namang umarangkada ang Niyogyugan Festival ng Lalawigan ng Quezon simula sa Agosto 10 hanggang Agosto 19.Ito na ang ikatlong taon nito tampok ang Agri- Tourism Trade Fair, Araw ng Pamilyang Magsasaka, Street Dancing Competition na lalahokan ng iba't-ibang Bayan sa Lalawigan at ang Bb. Niyogyugan. Mula Lucena, City ihahatid ng Radio Tagkawayan ang mga kaganapan sa pinaka-makulay na pagdiriwang ng lalawigan ng Quezon ngayong 2015. Nagsimula ang makulay na pagdiriwang sa Live Coverage ng Umagang Kay Ganda kahapon Aug.10, 2015 na sinundan ng pormal na pagpapasinaya sa mga Booth ni Goveernador Jayjay Suarez kasama si ABAKADA Congressman Jonathan Dela Cruz, Congressman Danilo Suarez at asawa nito.
Samantala nagpatalbugan naman ang nga Festival Queens sa Talent Competition at Pre-Pageant sa SM City Lucena kung saan pasok sa Top 3 ng nasabing Kategorya ang mga kinatawan ng Pagbilao, Sariaya at Lucena. Aabangan naman angPageant at Coronation Night sa August 12 sa Quezon Convention Center 6:00 pm. May mga ticket na ipinamimigay ang mga organizer sa mga Candidates para sa kanilang mga taga-suporta.