Showing posts with label PR. Show all posts
Showing posts with label PR. Show all posts

Sunday, August 23, 2015




Watch live streaming video from pictoquezon at livestream.com

Source: Provincial Government of Quezon

LIVE STREAM: 5th State of the Province Address of Gov. David "Jayjay" Suarez"

Tuesday, August 18, 2015


Tagkawayan- Pinangunahan ni Kgg. Jose Jonas A. Frondoso, Punong Bayan ng Tagkawayan ang unang araw ng pamamahagi ng mahigit Pitong (7) libong sako ng pataba o abuno sa niyog para sa mga magsasaka ng niyog sa Munisipalidad. Kasama din niya ang mga Miyembro ng Sangguinang Bayan para sa nasabing programa partikular ang Chairman ng Komite ng Pagsasaka Kgg. Ferdinand Valencia na nagpahayag ng pasasalamat sa Philippine Coconut Authority sa walang sawang pagtulong sa mga magniniyog sa Bayan ng Tagkawayan.
Nagpahayag din ng pasasalamat sa kanyang pananalita ang Pambayang Agrikultor Kgg. Rolando S. Mendoza sa pagtugon ng PCA sa kahilingan na mapagkalooban ng mga pataba ang mga kababayan bilang ayuda narin aniya sa mga nasirang puno ng niyog ng mga nagdaang kalamidad.

Samantala sa pananalita naman ng Senior Agriculturist ng PCA na si G. Edilberto Escobar na napaka-palad ng Tagkawayan sapagkat ang alokasyon ng mahigit 7,000 sako ng Salt Fertilizer na ibinigay sa Tagkawayan ay halos 25% ng alokasyon sa buong lalawigan ng Quezon o katumbas ng para sa 10 Bayan, ito daw ay dahil sa pagiging "receptive" ng mga kababayan sa mga ganitong uri ng programa. Malaki aniya ang maitutulong nito sa mga magsasaka sapagkat kaya nitong pataasin sa unang aplikasyon sa niyugan ng halos 25% ang pamumunga ng bawat niyog at mas higit na napapatigas ang laman ng mga bunga at nababawasan ang moisture content nito dahilan para mas magging mabigat ang bawat niyog.  Kanya nading ipinaliwanag sa mga magsasaka ang tamang paraan ng Pagamit ng salt fertilizer na bukod sa mas mura ay mas may higit na benipisyong hatid sa mga magtatanim ng niyog.

Samantala ipinaliwanag naman ni G. Mendoza (MAO) na kung dati ay apat na sako
bawat ektarya lamang ang maaaring ipamahagi ng Pamahalaang Lokal at PCA, ngayon dahil sa dami ng supply na dumating maaari nang matugunan ang kabuuang pangangailangan ng mga magsasakang nais na kumuha depende sa lawak ng kanilang niyugan.

HIGIT 7 LIBONG SAKO NG COCONUT FERTILIZER IPAMAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA TAGKAWAYAN

Saturday, August 1, 2015

 
NAKIKIPAGTAMBALAN SA LOKAL NA PAMAHALAAN ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE PARA SA PAGSUSULONG SA CLIMATE-RESILIENT NA IMPRASTRAKTURA.
 
NAKIKIPAG-PARTNER SA APATNAPU’T SIYAM NA PROBINSYA AT LOCAL GOVERNMENT UNITS ANG D-A PARA MAGPAGAWA NG SEMENTADONG FARM TO MARKET ROADS O F-M-R’S.
 
SA ILALIM NG WORLD BANK ASSISTED PROJECT NA PHILIPPINE RURAL DEVELOPMENT PROJECT O P-R-D-P, AABOT SA DALAWANG LIBO APAT NA RAAN AT APATNAPUNG (2,440) KILOMETRO ANG HABA NG IPAGAGAWANG CONCRETE FARM TO MARKET ROADS NA NAGKAKAHALAGA NG 24.7 BILLION PESOS.
 
INAASAHAN NA PAG-UUGNAYIN NG MGA FARM TO MARKET ROADS ANG MAY ISANG MILYONG MAGSASAKA SA KANILANG BUKID, PATUNGO SA HIGHWAY AT PAMILIHAN.
 
SABI NI  AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA, DI LAMANG TINITIYAK NG D-A NA TALAGANG KINOKONEKTA NG F-M-R’S ANG MAGSASAKA AT ANG MERKADO.
 
GARANTISADO RIN ANIYA NA ANG MGA PROYEKTO AY UMAAYON SA STANDARDS NG WORLD BANK AT D-P-W-H, AT SA MGA KONDISYONG NAPAGKASUNDUAN SA CONTRACTORS. -DA INFORMATION SERVICE

2,440 kilometrong FMRs na nagkakahalaga ng ₱24.7 billion, ipagagawa ng pamahalaan


SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG AQUINO, DI NA GAGAWA NG MGA “ALL-WEATHER” ROADS NA GAWA SA GRABA ANG PAMAHALAAN.
AYON KAY AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA, MADALING MASIRA ANG MGA GRABANG DAAN DAHIL SA HINDI CLIMATE CHANGE RESISTANT ANG MGA IYON.
MARAMI SA MGA GRABANG DAAN, PAGKATAPOS NG BAHA O BAGYO, BASTA NA LANG NASISIRA O BIGLANG NAGLALAHO.
MALAKING PERA ANIYA ANG GINAGASTOS SA PAGPAPAGAWA NG MGA MAHINANG KLASENG DAAN NA KAILANGANG I-REPAIR NANG PAULIT-ULIT.
SABI PA NI SECRETARY ALCALA, MAY PINAPABORAN NA MGA CONTRACTOR AT NAGIGING SANHI NG DUPLIKASYON NG PROYEKTO ANG PAGPAPAGAWA AT PAG-AYOS SA MGA GRABANG DAAN.
KUNG SUSUNDIN ANIYA ANG STANDARDS NG D-P-W-H, MAS MATIPID ANG SAMPUNG MILYONG PISONG GASTOS SA PAGPAPAGAWA NG ISANG KILOMETRONG CONCRETE F-M-R, NA MAY KAPAL NA ANIM NA PULGADA  AT LAPAD NA LIMANG METRO, KUMPARA SA PAULIT-ULIT NA PAGPAPAGAWA AT PAG-AAYOS NG KALYENG GRABA.

NANINIWALA SI SECRETARY ALCALA NA SA KONTEKSTO NG CLIMATE CHANGE ADAPTATION, MAS MALAKI ANG BENEPISYO SA PAGPAPAGAWA NG SEMENTADONG DAAN, KAYSA PARATING PAGKUKUMPUNI SA MGA GRABANG DAANAN. -DA INFORMATION SERVICE
FMR Photo by www.cagayanvalley.net

Aquino administration, di na gagawa ng mga grabang farm to market roads

Official Gazette:
Ang sumusunod ay isang pagsalarawan ng mga dapat alalahanin ukol sa lindol. Nakasaad dito ang mga kaalaman ukol sa lindol, mga paghahanda at mga tamang kilos habang at pagkatapos ng lindol, at mga mahahalagang impormasyon kung paano dudulog sa gobyerno.



MGA PAALALA UKOL SA LINDOL

Saturday, July 18, 2015


INAABISUHAN NG MALACANANG ANG PUBLIKO NA BUMILI LAMANG NG BIGAS SA MGA OTORISADONG OUTLETS NG BIGAS UPANG MAIWASANG MABIKTIMA NG MGA NAGBEBENTA NG SYNTHETIC O FAKE RICE.
 
NANAWAGAN SI PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE SECRETARY HERMINIO COLOMA NA BUMILI LAMANG NG BIGAS SA MGA RICE DEALERS NA OTORISADO NG NATIONAL FOOD AUTHORITY O N-F-A.
 
AYON KAY COLOMA, INATASAN NA NI PANGULONG AQUINO SINA JUSTICE SECRETARY LEILA DELIMA AT INTERIOR SECRETARY MAR ROXAS NA IMBESTIGAHAN ANG PINAGMULAN NG SYNTHETIC RICE AT KUNG KALAT PA RIN ITO SA MERKADO.
 
INATASAN RIN SI FOOD SECURITY CZAR FRANCIS PANGILINAN NA ALAMIN KUNG PAANO NAKAPASOK SA BANSA ANG SINASABENG FAKE RICE.
 
ISASAPUBLIKO  NG FOOD DEVELOPMENT CENTER NG N-F-A ANG RESULTA NG MGA LABORATORY TESTS  SA SAMPLE NG UMANO’Y FAKE RICE MULA SA CHINA, SA ORAS NA MATAPOS ANG MGA ITO.- DA INFO SERVICE

Publiko inabisuhang bumili ng bigas sa mga otorisadong outlets lamang


NAG-COURTESY CALL SI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA KAY WORLD TRADE ORGANIZATION DIRECTOR GENERAL ROBERTO AZEVEDO SA W-T-O HEADQUARTERS SA GENEVA, SWITZERLAND NOONG JULY 3.
SA KANILANG MEETING, PERSONAL NA PINASALAMATAN NI SECRETARY ALCALA ANG NAGING PARTISIPASYON NI AZEVEDO SA APEC MINISTERS RESPONSIBLE FOR TRADE MEETING SA BORACAY NOONG MAYO, AT SA A-D-B D-F-A FORUM ON THE W-T-O DOHA ROUND OF NEGOTIATIONS.
AYON KAY SECRETARY ALCALA, NAKUHA NG PILIPINAS ANG EXTENSION PARA SA SPECIAL TREATMENT FOR RICE HANGGANG 2017 SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI AZEVEDO.
TINIYAK RIN NG KALIHIM SA PINUNO NG W-T-O ANG SUPORTA AT PARTISIPASYON NG PILIPINAS SA 10TH MINISTERIAL CONFERENCE NA GAGANAPIN SA KENYA SA DARATING NA DISYEMBRE.
KASAMA SA DELEGASYON NI SECRETARY ALCALA SINA PHILIPPINE AMBASSADOR TO SWITZERLAND ESTEBAN CONEJOS SR., UNDERSECRETARY SEGFREDO SERRANO, AGRICULTURAL ATTACHE NOEL DE LUNA, AT ASSISTANT AGRICULTURAL ATTACHE JEROME BUNYI.- DA INFO SERVICE

Sec. Alcala nag-courtesy call sa WTO Director General


HINIHIMOK NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTANIM NG BARAYTI NG PALAY NA MATIBAY LABAN SA STRESS PARA TUMAAS ANG KANILANG PRODUKSYON MASKI SA MASAMANG KONDISYON.
AYON KAY AGRICULTURE ASSISTANT SECRETARY EDILBERTO DE LUNA, MARAMI NANG MAGSASAKA ANG NAGTATANIM NG MGA HYBRID NA PALAY AT DAPAT NILA ITONG IPAGPATULOYPARA MATAMASA ANG MAS MASAGANANG ANI.
IPINAMAMAHAGI NG D-A ANG IBA’T IBANG RICE HYBRID RICE VARIETIES, GAYA NG MGA URI NA KAYANG MATAGALAN ANG TAGTUYOT, PAGKABABAD SA TUBIG, AT TUBIG-ALAT.
ITO AY UPANG TUGUNAN ANG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA PRODUKSYON NG PALAY.
SA GITNANG LUZON ANIYA, NAKAPAG-ANI NA ANG MGA MAGSASAKANG NAGTATANIM NG MULTI-STRESS TOLERANT VARIETIES NA MAARING MABUHAY SA KAHIT ANUMANG KONDISYON. - DA INFO SERVICE

Magsasaka, hinihimok na magtanim ng barayti ng palay na matibay laban sa stress

Wednesday, July 1, 2015

Via Official Gazette:http://www.gov.ph/

Quis custodiet ipsos custodes? Sino ang magmamatyag sa mga tagapagmatyag?

Umpisa pa noong administrasyon ni Pangulong Elpidio Quirino, mayroon nang mga inisyatiba upang lumikha ng isang tanggapang titiyak sa tamang asal at pananagutan ng mga lingkod-bayan. Maraming mga presidente pagkatapos niya ang bumuo ng mga tanggapan na sa kalaunan ay ipinasara din.

Halimbawa, ang Integrity Board ni Pangulong Quirino noong 1950 ay umiral lamang nang anim na buwan. Pagkatapos, noong 1953, itinatag ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Presidential Complaints and Action Committee, na pinamunuan ni Manuel Manahan upang tugunan ang mga sumbong mula sa publiko. Ang nasabing tanggapan ay ipinabuwag ni Pangulong Carlos P. Garcia, na siya namang nagpasimula ng Presidential Committee on Administration, Performance, and Efficiency. Ito naman ay napalitan ng Presidential Anti-Graft Committee ni Pangulong Diosdado Macapagal, na napalitan din ng Presidential Agency on Reforms and Government Operations na itinatag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Sa mga pagtatalong nangyari sa 1986 Constitutional Commission, nagkaroon ng pagsangguni sa mga mungkahing nasa 1971 Constitutional Convention, na magtatag ng isang independiyenteng tanggapan na nakadisenyo ayon institusyon ng Ombudsman ng mga Scandanavian. Nagsasalaysay ang talumpati ng Europeong Ombudsman noong 1996ng isang maikli ngunit komprehensibong kasaysayan ng pinagmulan ng institusyon:


Mula sa Sweden ang konsepto ng Ombudsman. Sa ginawa nitong reporma sa konstitusyon noong 1809, napagpasyahan ng Sweden na lumikha ng isang mataas na opisyal pambatas na itatalaga ng Parlamentaryo, at tatawaging “Kataas-taasang Ombudsman” upang pangasiwaan ang legalidad ng mga gawain ng pamahalaan sa kalahatan. Ang kahulungan ng katagang “Ombudsman” ay kinatawan; sa kasong ito, ang Ombudsman ang “kinatawan” ng mga taong nagsusumbong ukol sa masasamang gawain ng pampublikong pamahalaan.

Napakalawak ng saklaw at napakalakas ng kapangyarihang iniatas sa Swedish Ombudsman, gayun na rin sa Finnish Ombudsman na itinatag sa Finnish Constitution ng 1919. Hindi lamang sakop ng awtoridad na ito ang buong pampublikong administrasyon, estado, at munisipalidad, subalit pati na rin ang pagmamatyag sa mga gawain ng hukuman, hangga’t tungkol sa kanilang pamamaraan at pamamahala sa trabaho.

Ang mga Ombudsman ng Sweden at Finland, na kalimitang tinatawag na mga klasikong Ombudsman, ay mayroon ding kakayahang isakdal o pagpasyahan kung dapat bang isakdal ang isang lingkod-bayan sa harap ng hukuman dahil sa kriminalidad. Nagagamit ang posibilidad na ito iilang beses lamang sa bawat taon, subalit binibigyan, siyempre, nito ng dagdag na tindi ang mga pahayag at opinyon na isinasapubliko ng Ombudsman. Libre at walang bayad ang makipag-ugnayan sa isang Parlamentaryong Ombudsman. Maaaring dumulog sa Ombudsman sa pagpapadala ng sulat o pagkausap mismo rito; kung kakailanganin, maaari pang alalayan ng isang kawani ang isang dumudulog upang isulat ang kanyang sumbong.

Ang sumunod na tanggapan ng Ombudsman ay itinatag sa Denmark noong 1953, nang may mahahalagang pagbabago mula sa modelo ng Sweden. Pinagtuunan lamang ng pansin ng modelo ng Denmark ang pampublikong pamamahala, kung saan inalis sa sakop nito ang hudikatura, at espesyal nang nakatuon sa masasamang pamamahala sa mga gawain ng administrasyon.

Sa konteksto ng Pilipinas, ang tagapagpauna ng kasalukuyang Tanggapan ng Ombudsman ay binuo noong 1978, noong lumikha si Pangulong Ferdinand E. Marcos ng mas pangmatagalang Tanggapan ng Ombudsman, na nakilala bilang Tanodbayan, sa bisa ng Presidential Decree No. 1487. Paglipas ng ilang panahon, inamyendahan din ito gamit ang Presidential Decree No. 1607.

Ang Tanggapan ng Ombudsman na kilala natin ngayon ay itinatag ng 1987 Ko
nstitusyon, na nagpataw ng mas mataas na antas ng pananagutan sa mga tauhan ng pamahalaan batay sa prinsipyong “ang posisyong pampubliko ay tiwala ng publiko.”
Sa kanyang suportang talumpati noong 1986 Constitutional Commission, sinabi ni Komisyoner Jose C. Colayco na “upang balaan ang mga lingkod-bayan sa kahit anong katiwalian, maling kilos o kawalan ng katarungan, nilikha namin ang Ombudsman bilang kampeon ng mga mamamayan.”
Ipinaliwanag din ni Colayco ang pagiging independiyente ng Ombudsman:
Ang gagawin lamang ng dumudulog ay ihain ang kanyang sumbong at Ombudsman na ang bahala sa lahat… Kailangan kumilos ng Ombudsman sa sarili niyang paa. At kung sa palagay niya ay mas magagawa ito ng ibang tanggapan, kailangang siya mismo ang maglipat sa kanila ng kaso at subaybayan ito.
Tinalakay rin niya ang saklaw ng kapangyarihan ng Ombudsman:
Inaatasan ang Ombudsman na mag-imbestiga, magsiyasat, at manghingi ng mga dokumentong patungkol sa mga transaksiyon at kontrata ng pamahalaan kung saan iniuulat ang naging paggugol sa pera ng bayan… Ang Ombudsman ang magiging mata at tainga ng mga tao.
Ang Ombudsman ang magmamatyag sa mga tagapagmatyag, isang karagdagang hakbang upang tiyaking hindi aabusuhin ng mga nasa posisyon ang kanilang kapangyarihan. Haraya ng mga tagabalangkas ng Konstitusyon na maging labas sa politika ang Ombudsman, kung kaya ihiniwalay ang tanggapan mula sa burukratikong estruktura at ginawa itong lupong pansaligang batas o constitutional office.
Nagtatamasa ng katanyagan at kapangyarihan ang may ranggong Tagapangulo ng isang Lupong Pansaligang Batas, subalit mayroon ding mga limitasyon sa pangmalawakang kapangyarihan ng Ombudsman. Magsisilbi ang Ombudsman hanggang sa magretiro siya, maliban na lang kung maisakdal o ma-impeach siya ng Lehislatura. Noong 1989, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act No. 6770, kilala bilang Ombudsman Act, nang sa gayon ay maibalangkas ang estruktura ng tanggapan.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Tanggapan ng Ombudsman.
Para sa karagdagang materyales sa mandato, layunin, at mga tagapanguna ng Tanggapan ng Ombudsman, maaari ninyong basahin ang mga siping ito mula sa Rekord ng Lupong Pansaligang Batas ng 1986, noong Hulyo 26, 1986.

FAST FACT: OMBUDSMAN

Tuesday, June 23, 2015



SA PAGDIRIWANG NG IKA ANIMNAPU’T APAT NA ANIBERSARYO NG BUREAU OF SOILS AND WATER MANAGEMENT, INATASAN NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA ANG MGA RESEARCHERS NG NATURANG AHENSYA NA MAGBIGAY NG MGA DATOS AT BUMUO NG MGA PROGRAMA KAUGNAY SA LUPA’T TUBIG NA PAKIKINABANGAN NG MGA NASA REGIONAL FIELD UNITS NG D-A.
 
HINIMOK RIN NG KALIHIM ANG MGA EKSPERTO SA B-S-W-M NA IBAHAGI ANG RESULTA NG KANILANG RESEARCH AND DEVELOPMENT WORK.
 
NGAYONG IDINEKLARA NG PAGASA ANG EL NINO NA TATAGAL HANGGANG SA HULING BAHAGI NG TAON, INATASAN NG KALIHIM ANG B-S-W-M NA MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA D-A REGIONAL FIELD UNITS PARA SA MAS EPEKTIBONG PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMA AT ANG PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON KUNG PAANO MAKATITIPID SA TUBIG.
 
NANAWAGAN RIN SI SECRETARY ALCALA SA MGA OPISYAL NG SMALL WATER IMPOUNDING SYSTEM ASSOCIATIONS O SWISA NA PALAGIANG IPUNIN ANG TUBIG TUWING UMUULAN AT REGULAR NA I-CHECK KUNG MAY LEAK ANG MGA CANAL SA SMALL WATER IMPOUNDING PROJECTS PARA MAIWASAN ANG PAGSASAYANG NG TUBIG.-DA INFORMATION SERVICE

Sec. Alcala nanawagan sa epektibong pananaliksik sa pangangasiwa ng lupa’t tubig

NGAYONG NASA PANAHON TAYO NG EL NINO, HINIHIMOK NG PAMAHALAAN ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTIPID SA PAGGAMIT NG TUBIG SA KANILANG PALAYAN.
 
HINIHIMOK NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE ANG MGA MAGSASAKA NA ISAGAWA ANG MGA TEKNOLOHIYANG BINUO NG PHILRICE PARA SA PANGANGASIWA NG TUBIG SA SAKAHAN.
 
ISINUSULONG NG PHILRICE ANG DALAWANG EPEKTIBONG TEKNOLOHIYA NA ANGKOP GAMITIN SA MGA LUGAR NA MAY KAKAUNTING SUPPLY NG TUBIG AT DOON SA MGA NASA DULO NG SISTEMA NG IRIGASYON.
 
ANG A-W-D O ALTERNATE WET AND DRYING METHOD AY ISANG SISTEMA KUNG SAAN HINDI KAILANGANG PALAGIANG IBABAD SA TUBIG ANG SAKAHAN. SA A-W-D, BABABA NG HANGGANG 25 % ANG KONSUMO SA PATUBIG AT MAKATITIPID SA KRUDONG GINAGAMIT SA PAGBOMBA SA TUBIG NG HANGGANG TATLUMPUNG LITRO KADA EKTARYA.
 
ANG ISA PANG PARAAN AY ANG AEROBIC RICE  CULTURE KUNG SAAN ITINATANIM ANG MGA “AEROBIC RICE” VARIETIES SA LUPANG PINATUYO, HINDI MAPUTIK, AT DI BABAD SA TUBIG.-DA INFORMATION SERVICE

Magsasaka hinihimok na magsagawa ng pamamaraan para makatitipid sa tubig



MATAPOS ANG ILANG DEKADANG PAGLALAKAD SA MAPUTIK NA DAANAN SA MGA TUBUHAN SA NEGROS OCCIDENTAL, MAKAAASA NA NG MAS MAGANDANG BUHAY ANG MGA MAGTUTUBO SA ORAS NA MAGAWA ANG DALAWANG FARM-TO-MARKET ROADS O F-M-R’S SA NASABING PROBINSYA.
 
KUWENTO NG MAGTUTUBONG SI MANG DANILO DUCAY, NAPAKAHIRAP NA DALHIN ANG MGA ABONO SA TUBUHAN DAHIL SA BAKU-BAKO AT MAKITID NA DAAN NA NAGIGING MAPUTIK TUWING TAG-ULAN.
 
ISA LAMANG SI MANG DANILO SA HALOS TATLONG LIBONG MAGSASAKANG MAKIKINABANG SA KONSTRUKSYON NG DALAWANG F-M-R’S SA BAYAN NG TOBOSO AT SA CADIZ CITY.
 
PINANGUNAHAN NI P-R-D-P DIRECTOR USEC. EMERSON PALAD AT NI NEGROS OCCIDENTAL GOVERNOR ALFREDO MARAÑON JR. ANG GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA REHABILITASYON NG 4.2 KILOMETRONG SITIO MAGTU-OD AT SITIO VERGARA F-M-R SA TOBOSO, AT NG 12.46 KILOMETRONG BRGY. CADUHAAN AT SITIO ALUYAN F-M-R SA CADIZ CITY.
 
ANG DALAWANG F-M-R’S NA NAGKAKAHALAGA NG HIGIT SA 182 MILYONG PISO AY ANG UNANG SUB-PROJECTS SA KABISAYAAN NA INAPROBAHAN SA ILALIM NG PHILIPPINE RURAL DEVELOPMENT PROJECT NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE.-DA INFORMATION SERVICE

FMR sa Negros Occidental pasisimulan na ang pagpapagawa

Tuesday, June 9, 2015



The Local Government Unit of Tagkawayan headed by Honorable Jojo Frondoso included a budget for Livelihood, Training and Development Program ( under BUB);a Joint program of LGU and DILG. This great opportunity will help students pursue their College and be trained.

Thus, PESO is looking for EIGHTY(80) eligible and willing to undergo training in Cavite for 15 months at National College of Science and Technology Dual Training System (NCST): 

NCST will be holding Pre-screening and Examination to interested applicants on JUNE 30, 2015 (8:00am), at Municipal Covered Court. You can now send the requirements below at the PESO Office, Turing Morato Bldg, Tagkawayan, Que, or at DSWD Office.
Qualifications:
* 16 years old and above
* High School Graduate
* male or female
* single or married

Requirements:
* Resume'
* High School Diploma
* Brgy Clearance and Proof of residency.


JOINT-FORCE sa Human Resources Development.

80 Tagkawayanin hinahanap para ipadala sa NCST Dual Training System

Wednesday, June 3, 2015

From the Civil Service Commission
The Civil Service Commission (CSC) will be conducting the 2nd Career Service Professional and SubProfessional written examinations for this year on October 18. Application period will run from May 25 to September 3.


Last May 3, more than 180,000 took the Career Service Examination Paper-and-Pencil Test. Passing the CSE is one of the basic requirements in applying for a position in government.  The CSE ensures that only competent and credible workers enter the public service.
The examinations are open to individuals, regardless of educational attainment, who are Filipino citizens including those holding dual citizenship, at least 18 years old at the time of filing of application, and have not taken the same level of examination within three months before the date of examination.
Applications should be filed in person at the CSC Regional Office (CSCRO), or at any of the concerned CSCRO’s Field Offices, where the applicant intends to take the examination. The CSC, though, has warned that acceptance of applications may be closed at any time before Sept. 3, 2015 once the CSC Regional/Field Office has reached the target number of applicants. Examination fee for both levels of CSE-PPT is P500.
Applicants are advised to access the CSC website www.csc.gov.ph and look for the 2015 CSE-PPT Examination Announcement, for details on testing centers, qualifications, application requirements and procedures, and other relevant information.

Via Official Gazette

Civil service exam application for October now open

Monday, June 1, 2015


Tagkawayan, Quezon- Batay sa  Department Order No. 9 s.2015,  na inilabas ni Sec. Armin Luistro ng Department of Education ang Official School Year aymagsisimula ng June 1, 2015 at magtatapos sa April 1, 2016.
Inaatasan ang lahat ng Pamunuan ng pampubliko at pribadong  elementarya at sekundaryang paaralan na sundin ang sumusunod na  school calendar.

Mula sa www.gov.ph :


Private schools may choose to deviate from DepEd’s official calendar. However, they may not start classes before the first Monday of June and not later than the last day of August (as provided in Republic Act No. 7797).

Narito ang mahahalagang petsa para sa SY 2015-2016


The important dates for SY 2015-2016 are as follows:
May
  • 1 – Labor Day (regular holiday)
  • 4-10 – Palarong Pambansa
  • 18-23 – Brigada Eskwela
  • 25-29 Oplan Balik Eskwela
June
  • 1 – Beginning of Classes for SY 2015-16
  • 12 – Independence Day (regular holiday)
  • Special PEPT
  • 20 – 1st Parent-Teacher Conference (or PTC) (Saturday)
July
  • 17 – Eid’l Fitr (regular holiday) (tentative)
August
  • 6-7 – 1st Quarter Examinations
  • 15 – Distribution of Cards/PTC
  • 21 – Ninoy Aquino Day (special non-working holiday)
  • 26 – National Career Assessment Examination (NCAE) for Kto12 Grade 9
  • 31 – National Heroes Day (regular holiday)
September
  • Eid’l Adha (regular holiday) (tentative)
October
  • 5 – World Teachers Day
  • 15-16 – 2nd Quarter Examinations
  • 24 – Distribution of Cards/PTC
  • 26-30 – Mid-year assessment and INSET/Semestral Break (for students only)
November
  • 1 – All Saints Day (special non-working holiday)
  • 15 – Philippine Educational Placement Test (PEPT) – Luzon
  • 22 – PEPT – Visayas and Mindanao
  • 30 – Bonifacio Day (regular holiday)
December
  • 19 – Start of Christmas Break
  • 30 – Rizal Day (regular holiday)
January 2016
  • 4 – Resumption of Classes
  • 7-8 – 3rd Quarter Examinations
  • 23 – Distribution of Cards/PTC
  • 30 – Early Registration Day
February 2016
  • 25 – EDSA People Power Anniversary (observance)
March 2016
  • 2 – National Achievement Test (NAT) (Secondary – Grade 10)
  • 2-4 – 4th Quarterly Examinations (Final Examinations)  for Grade 6 and 10
  • 8 – Language Assessment for Primary Grades (LAPG) for Grade 3
  • 10 – National Achievement Test (NAT) (Elementary – Grade 6)
  • 17-18 – 4th Quarterly Examinations for Grades 1-5 and Grades 7-9
  • 24 – Maundy Thursday (regular holiday)
  • 25 – Good Friday (regular holiday)
  • 26 – Black Saturday (special non-working holiday)
April 2016
  • 1 – Graduation
  • Last day of classes
  • 4-8 – Distribution of Cards
  • 9 – Araw ng Kagitingan (regular holiday)
  • 11 – Start of Summer Classes
May 2016
  • 1 – Labor Day
  • Palarong Pambansa
  • 16-21 Brigada Eskwela
  • 21 – End of Summer Classes and Final Examinations
  • 23-27 – Oplan Balik Eskwela
----------------------
Batay sa  Department Order No. 9 s.2015,  na inilabas ni Sec. Armin Luistro ng Department of Education ang Official School Year magsisimula ng June 1, 2015 at magtatapos sa April 1, 2016.
Inaatasan ang lahat ng Pamunuan ng pampubliko at pribadong  elementarya at sekundaryang paaralan na sundin ang sumusunod na  school calendar.



Month
Activity
May 2015
Palarong Pambansa
National Schools Maintenance Week (Brigada Eskwela)
Stakeholders’ Orientation on Ktol2/Basic Enhanced Education Curriculum
INSET/Planning Week National Flag Day Celebration (May 28)
June
Opening of Classes
Commemoration of the Philippine Independence Day Celebration
World Environment Day (June 12)
Safe Kids Week
PNOY IB Trees Project (Saturday)
Pambansang Gawad sa Ulirang Kabataan
(National Level Competition)
Nationwide Search for the Outstanding W.A.T.C.H Schools
(National Level Competition)
Commemoration of the Birth Anniversary of
Galicano Apacible (June 25)
Commemoration of the Historic Siege of Baler and Philippine-Spanish
Friendship Day (June 30)
July
Career Guidance Week
National Nutrition Month
National Disaster and Preparedness Month
National Disability Prevention and Rehabilitation Week
Science and Technology Week
Savings Credit Consciousness Week
Eid’l Fitr (Legal Holiday) (Tentative)
PNOY IB Trees Project (Saturday)
Commemoration of the Birth Anniversary of
Apolinario Dela Cruz (Hermano Puli) (July 22)
Commemoration of the Birth Anniversary of Apolinario Mabini (July 23)
August
International Indigenous Peoples Day
History Month
Commemoration of the Birth Anniversary of President Manuel L.
Quezon (August 19)
1st Quarter Examinations
ASEAN Day
Sight Saving Month
Buwan ng Wikang Pambansa
White Cane Safety Day
International Youth Day
Ninoy Aquino Day (Special Non-Working Holiday)
Commemoration of the National Heroes Day (August 25)
National Heroes Day (Regular Holiday)
National Career Assessment Examination
PNOY IB Trees Project (Saturday)
September
National Teachers’ Month (September 5-October 5)
National Crime Prevention Week (September 1-7)
Commemoration of the Opening of Malolos Congress (September 15)
Commemoration of the Anniversary of the Declaration of
Martial Law (September 23)
Commemoration of the Birth Anniversary of
Gen. Miguel Malvar (September 27)
Clean and Green Month
Literacy Month
Science and Math Week
Linggo ng Kasuotang Filipino
History Week
International Day of Peace
Eid’l Adha (Legal Holiday) (Tentative)
PNOY IB Trees Project (Saturday)
Family Week
October
National Indigenous People Month
Consumer Welfare Month
Elderly Filipino Week (October 1-7)
Commemoration of the Leyte Gulf Landing (October 20)
Children’s Month
Clean and Green Month
Scouting Month
Week of the Elderly
Global Handwashing Day
National Health Education Week
National Leadership Training for Student Government Officers
(Saturday and Sunday)
Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week
2nd Quarter Examinations
National Level Science and Math Fair (Secondary Level)
Mid-Year Assessment and INSET/Semestral Break (For Students Only)
PNOY IB Trees Project (Saturday)
November
National Observance of Deaf Awareness Week (November 10-16)
National Reading Month
Filipino Values Month
Malaria Awareness Month
Philippine Educational Placement Test (PEPT)
Drug Abuse Prevention and Control Week
National Youth Day
PNOY IB Trees Project (Saturday)
National Music Competition for Young Artists
(National Level Competition)
National Week for the Gifted and Talented
National Clean Month/National Environmental Awareness Month
Araw ng Pagbasa ((November 27)
Commemoration of the Birth Anniversary of
Andres Bonifacio (November 30)
December
National Children’s Day of Broadcasting
Linggo ng Kabataan
World AIDS Day
Education Week
Human Rights Week
International Day of Persons with Disabilities
Historical, Cultural, and Arts Festival of Excellence (RNFE)
(National Level Competition)
PNOY IB Trees Project (Saturday)
Commemoration of the Anniversary of the Martyrdom of
Dr. Jose Rizal (December 30)
January 2016
National Cancer Consciousness Week
Autism Consciousness Week
Breast Cancer Consciousness Week
3rd Quarter Examinations
Early Registration Day (Saturday)
PNOY IB Trees Project (Saturday)
Commemoration of the Anniversary of the Inauguration of the First
Philippine Republic (January 23)
February
National Dental/Oral Health Month
Adoption Consciousness Celebration (February 7)
National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and
Exploitation (February 10-14)
Commemoration of the Anniversary of the Martyrdom of
GOMBURZA (February 17)
Commemoration of the EDSA People Power Revolution (February 22-25)
Philippine Arts Month
Premyo Rizal Writing Contests
(National Level Competition)
National Children with Intellectual Disabilities Week
Bantay Puso Week
Leprosy Prevention Week
PNOY IB Trees Project (Saturday)
March
Commemoration of the Birth Anniversary of Paciano Rizal (March 9)
National Achievement Test (Grades 6 and 10)
Language Assessment for Primary Grades (Grade 3)
Women’s Month
Fire Prevention Month
Global Peace Festival
Career Guidance Week
Girl Child Week Maundy Thursday
Good Friday
Graduation Ceremonies
PNOY IB Trees Project (Saturday)
April
Commemoration of the Birth Anniversary of Francisco “Balagtas”
Baltazar (April 2)
National Disability Week
National Children’s Book Week
National Festival of Talents
National Schools Press Conference
Commemoration of the Araw ng Kagitingan and Philippine Veterans
Week (April 5-11)
Start of Summer Classes
May
Palarong Pambansa
Labor Day (Regular Holiday)
End of Summer Classes
Final Examinations (Summer Classes)
National Flag Day Celebration (May 28)


Official school calendar for School Year 2015-2016

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com