Saturday, November 7, 2015

Pageant Chairwoman Mrs. Myra Frondoso sa panayam ng Radio Tagkawayan

Tagkawayan, Quezon- Sa kauna-unahang pagkakataon, sumalang sa 101.7 FM interview ang mga kalahok at komite ng Ginoo at Binibining Tagkawayan 2016 Diamond para sa Radio, TV at Social Media promotions ng nasabing prestihiyosong pageant na inorganisa ng Kaway Tagkawayan Municipal Tourism Council. Sa mga susunod na ulat ipapakilala ng Radio Tagkawayan ONLINE ang mga kandidato at kandidata  na maglalaban-laban para sa mga Korona ng G. at Bb. Takawayan 2016 na isasagawa ngayong December 2015.
Abangan ang mga Video Interviews at Updates kasama ang Head DJ ng 101.7 FM Reden Devilla.


























LOOK: Ginoo at Bb Tagkawayan 2016 candidates sumalang sa 101.7 Interview

Monday, November 2, 2015


Tagkawayan, Quezon-  October 31, isinagawa ang unang public appearance ng mga kalahok sa Ginoo at Binibining Tagkawayan 2016-Diamond kasabay ng Zombie Disco na inorganisa ng Kaway Tagkawayan Municipal Tourism Council.
Ngayong Disyembre na ang nasabing pageant, mas maaga sa nagdaang taon dahil sa paghahanda ng Bayan ng Tagkawayan sa pagho-host ng Mr. & Ms. Quezon sa February 2016 na kasama na sa schedule ng mga kaganapan para sa Kaway Festival at ika 75th Founding Anniversary ng Tagkawayan.
Sa mga darating na balitaan dito sa radiotagkawayanONLINE ihahatid namin ang Profile ng mga kalahok at ang iba pang updates kaugnay ng #GBBTagkawayan2016Diamond.

In Photos: ORIENTATION AND MEETING OF THE TOURISM COUNCIL, THE PAGEANT COMMITTEE with the CANDIDATES.
























































G at BB Tagkawayan 2016 Diamond Inilunsad

Saturday, October 17, 2015


October 18, 2015- Mahigit 30 pamilya ang inilikas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang Tagkawayan Municipal Police at Municipal Social Welfare and Development Office dakong 11:30 ng gabi hanggang bandang1:00 ng madaling araw mula sa coastal Barangays ng downtown Tagkawayan dahil sa Bagyong "Lando" na nagdala ng malalakas na hangin na naramdaman partikular sa mga nasa tabing-dagat.

Ayon kay MDRRMO Doc. Sonny Rocafort may tatlumput-anim (36) na pamilya o nasa 142 na indibidwal na ang nasa Evacuation Area upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Habang sinusulat ang balitang ito wala nang supply ng kuryente sa Bayan ng Tagkawayan, wala ring malalakas na pag-ulan maliban sa paminsan-minsang pag-ambon.

Kasamang naka-alerto ng MDRRMO ang KABALIKAT CIVICOM at office of the Municipal Agriculture Office.

Ayon sa PAGASA dakong 1:00 ng umaga ng mag-landfall ang bagyong Lando sa bahagi ng Casiguran, Aurora. Nanatiling nasa Signal No. 2 ang nalalabing bahagi ng Lalawigan ng Quezon.

Kasama sina Jhon Pineda,Michelle Cantona, Esperanza Guava, Marvin Noveno, Arvin Rufo, Cecilio Escamillas, Jose Fernso Vargas, Francisco Remmel Macaraig | Reden Devilla/RadioTagkawayan

HIGIT 100 RESIDENTE SA TAGKAWAYAN, INILIKAS

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com