Tuesday, March 31, 2015

Photo by abs-cbnnews.com


April 1, 2015- Sa loob ng magdamag habang papalapit sa PAR line lalo pang nakaipon ng lakas ang Bagyong Maysak (International Name) na tatawaging Chedeng oras na makapasok sa Philippine Area of Responsibility. Sa huling pagtaya ng PAGASA umaabot na sa 215 Kilometro bawat oras ang taglay nitong lakas ng hangin habang 250kph na ang pagbugso.Huli itong namataan sa layong 1,410 km Silangan ng Surigao City.

Bagama't sa mga International weather bureau ay nasa kategorya na ito ng "Super typhoon" hindi pa ito ginagamit ng PAGASA sapagkat sa kanilang bagong   panununtunan, aakyat lamang ito sa nasabing kategorya oras na pumalo ito sa lakas na nasa 220kph.
Photo from NOAA

Sa tantya ng PAGASA posibleng sa Biyernes o Sabado, mag-landfall sa Northern o Central Luzon ang bagyo at partikular na maaapektuhan ang Aurora, Cagayan, Isabela, Quezon at Bicol region.

Pinaalalahanan ang mga Taga-Southern Luzon, Bicol at Easter Visayas sa masamang panahon at malalaking alon dahil sa lakas at lawak ng bagyo.



Photo by PAGASA

BAGYONG CHEDENG UPDATE

Friday, March 13, 2015

Maaari nang makita sa website ng Philippine National Police (PNP) ang report ng Board of Inquiry (BOI) ukol sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao kung saang namatay ang 44 pulis noong Enero 25. 


FULL TEXT: PNP REPORT ON MAMASAPANO

Friday, February 6, 2015


TAGKAWAYAN,QUEZON- Ngayong araw,pormal na binuksan ng Municipal Agriculture's Office ang Agri Fair ng Kaway Festival na nilahukan iba't-ibang grupo.Dumalo sa nasabing  pasinaya si Kgg. Jose Jonas A. Frondoso, G. Rolandso S. Mendoza-Municipal Agriculturist, mga miyembro ng Sangguinang Bayan at mga panauhin.
Tampok sa nasabing Fair ang iba't-ibang produktong pang-agrikultura pangisdaan at mga kakanin at handicraft mula sa iba't-ibang barangay.

















































In Photos: Opening of Agri Fair

Wednesday, February 4, 2015


Tagkawayan Quezon- Matinding bakbakan ng pag-awit at pagsayaw ang nasaksihan kagabi sa taunang Sing and Dance Competition  bilang bahagi ng Kaway Festival 2015.
Bumida rin ang mga Barangay Officials sa Singing Contest  na nilahukan ng mga Kalihim, Kagawad, at Barangay Justices sa kanilang category.
Bakbakan din ang mga Bayan ng Lopez, Atimonan at Tagkawayan sa Dance Contest.

List of winners:

Singinng Competition Result:
(Open Category)
Champion: Edmar Miraflor
2nd Flace: Mary Grace Grajo
3nd Place: Mark Sasutona

(Barangay Officials Category)
Champion: Gloria Iglesia
2ndPlace: Marcelino Sambola
3rd Place:Ma. Teresa Sangalang

Dance Contest:
Champion: Atimonan All Star
2nd Place: A-Force
3rd Place:TK Pride Reloaded 

















Kaway Sing and Dance Contest 2015

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com