Tuesday, June 23, 2015

SCreengrab frm http://readles.net/
Sa isang libingan sa probinsya ng Palermo sa Italya isang "mummy" ang usap-usapan ngayon sa Internet dahil sa pagiging tila sleeping beauty ng 2-taong gulang na batang namatay taong 1920's  dahil sa sakit na pneumonia. Kinilala sa mga online report ang batang mummy na si  Roilsalia Lombardo.

Dahil umano sa matinding pagluluksa at pagkalungkot ng kaniyang ama na si General Mario Lomabrdo humingi ito ng tulong kay Alfredo  Salafia na isang Chemistry professor at embalsamador para ipreserba ang katawan ng batang si Rosalia.


Tinaguriang "well preserved" ang katawan ng bata na animo'y natutulog lamang ito ng mahimbing. Katunayan ito daw ang kahuli-hulihang katawan na inilagak sa Capuchin Catacombs doon sa Palermo Sicily.
Dahil  daw sa paraan ng mummification maging ang mga internal organs ng batang babae ay nanatili pading buo. 
Dahil sa pagkadiskubre ng nasabing mummy, naging usap-usapan kung papaano ginawa at technique ni Professor Alfredo sa pagkaka-embalsamo sa bata na tila pti di umano ang mga mata ng bata ay tila nagmumulat sa at sumasara.
May Misteryo nga ba sa pangyayaring ito?

Panoorin ang :

The Most Beautiful Mummy In The World and Its Mystery


WATCH: 

Real-life “Sleeping Beauty:One of the Best Preserved Mummies Ever

Mukhang makukunan ng aral at babala ng marami sa atin ang Chinese na dalaga na ito na lumusot ang hita at paa sa drainage sa Mianyang City, siyudad  southwest China.Ayon sa mga Online Report, naglalakad ang dalaga habang nakatitig sa kanyang smartphone dahilan para hindi niya makita ang kanal sa harapan na kung saan tuluyan na ngang lumusot ang kanyang paa at hita.
Tinangka pa ng mga dumadaan at nanakita na tulungan siyang matanggal ang binti sa pagkakasuot sa pagitan ng mga bakal subalit bigo sila.

Nagawa lamang ialis ang dalaga sa tulong mga bombero na nagdala ng tools para putulin ang bakal kung saan naipit ang kanyang hita.
Kaya naman sa mga naglalakad, at lalo na sa mga nag-da-drive nakow, doble ingat po!

VIRAL: CELLPHONE PA MORE! BABAE NAG-SHOOT ANG PAA SA DRAINAGE



SA PAGDIRIWANG NG IKA ANIMNAPU’T APAT NA ANIBERSARYO NG BUREAU OF SOILS AND WATER MANAGEMENT, INATASAN NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA ANG MGA RESEARCHERS NG NATURANG AHENSYA NA MAGBIGAY NG MGA DATOS AT BUMUO NG MGA PROGRAMA KAUGNAY SA LUPA’T TUBIG NA PAKIKINABANGAN NG MGA NASA REGIONAL FIELD UNITS NG D-A.
 
HINIMOK RIN NG KALIHIM ANG MGA EKSPERTO SA B-S-W-M NA IBAHAGI ANG RESULTA NG KANILANG RESEARCH AND DEVELOPMENT WORK.
 
NGAYONG IDINEKLARA NG PAGASA ANG EL NINO NA TATAGAL HANGGANG SA HULING BAHAGI NG TAON, INATASAN NG KALIHIM ANG B-S-W-M NA MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA D-A REGIONAL FIELD UNITS PARA SA MAS EPEKTIBONG PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMA AT ANG PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON KUNG PAANO MAKATITIPID SA TUBIG.
 
NANAWAGAN RIN SI SECRETARY ALCALA SA MGA OPISYAL NG SMALL WATER IMPOUNDING SYSTEM ASSOCIATIONS O SWISA NA PALAGIANG IPUNIN ANG TUBIG TUWING UMUULAN AT REGULAR NA I-CHECK KUNG MAY LEAK ANG MGA CANAL SA SMALL WATER IMPOUNDING PROJECTS PARA MAIWASAN ANG PAGSASAYANG NG TUBIG.-DA INFORMATION SERVICE

Sec. Alcala nanawagan sa epektibong pananaliksik sa pangangasiwa ng lupa’t tubig

NGAYONG NASA PANAHON TAYO NG EL NINO, HINIHIMOK NG PAMAHALAAN ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTIPID SA PAGGAMIT NG TUBIG SA KANILANG PALAYAN.
 
HINIHIMOK NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE ANG MGA MAGSASAKA NA ISAGAWA ANG MGA TEKNOLOHIYANG BINUO NG PHILRICE PARA SA PANGANGASIWA NG TUBIG SA SAKAHAN.
 
ISINUSULONG NG PHILRICE ANG DALAWANG EPEKTIBONG TEKNOLOHIYA NA ANGKOP GAMITIN SA MGA LUGAR NA MAY KAKAUNTING SUPPLY NG TUBIG AT DOON SA MGA NASA DULO NG SISTEMA NG IRIGASYON.
 
ANG A-W-D O ALTERNATE WET AND DRYING METHOD AY ISANG SISTEMA KUNG SAAN HINDI KAILANGANG PALAGIANG IBABAD SA TUBIG ANG SAKAHAN. SA A-W-D, BABABA NG HANGGANG 25 % ANG KONSUMO SA PATUBIG AT MAKATITIPID SA KRUDONG GINAGAMIT SA PAGBOMBA SA TUBIG NG HANGGANG TATLUMPUNG LITRO KADA EKTARYA.
 
ANG ISA PANG PARAAN AY ANG AEROBIC RICE  CULTURE KUNG SAAN ITINATANIM ANG MGA “AEROBIC RICE” VARIETIES SA LUPANG PINATUYO, HINDI MAPUTIK, AT DI BABAD SA TUBIG.-DA INFORMATION SERVICE

Magsasaka hinihimok na magsagawa ng pamamaraan para makatitipid sa tubig

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com