Wednesday, July 15, 2015

In Photo: Dir. Nicomedes P. Eleazar (DA-BAR), Mayor Jose Jonas A. Frondoso, MAO Rolando S. Mendoza, Coun. Ferdinand S. Valencia at mga kawani ng LGU Tagkawayan | Photo: Mrs. Myra Frondoso
Pinangunahan ni Director Nicomedes P. Eleazar ng Bureau of Agricultural Research ng Department of Agriculture at ni Ms. Digna L. Sandoval ang Ground Breaking Ceremony ng itatayong DA Research & Development Multi-purpose Center sa Tagkawayan, Quezon.
Kasama naman ng Punong Bayan Kgg.Jose Jonas A. Frondoso sina Municipal Agriculturist Rolando S, Mendoza, Kgg. Ferdinand A. Valencia (Chairman, Committee on Agriculture) at iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan ganun din ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Tagkawayan. Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng Php.4,000,000.00 kung saan ililipat ang Municipal Agriculture's Office at magiging sentro ng Development at research ng nasabing kagawaran.

In Photos:








IN PHOTOS: GROUND BREAKING CEREMONY OF DA NEW RESEARCH DEVELOPMENT CENTER

Thursday, July 2, 2015

Anu-ano  nga ba ang mga problema tuwing may Kasalan? At ang tamang pagtatanim ng puno..tinalakay nina DJ Red kasama ang who's that Guest sa #NightJam.
Listen:



Broadcast live streaming video on Ustream

PODCAST: #NightJam presents: Kasalan at Taniman | July1, 2015

Wednesday, July 1, 2015



Ganap nang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Luzon na pinangalanang 'Egay.'




Namataan ng PAGASA ang sentro ng tropical depression sa layong 520 kilometro (km) silangan ng Virac, Catanduanes, alas-10:00 Huwebes ng umaga.
Taglay ng Bagyong Egay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometer per hour (kph) malapit sa sentro nito. Kumikilos ito pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 5 kph.
Magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan sa loob ng 300 km diameter nito.

Pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag nang pumalaot sa silangang baybayin ng Bicol Region at Silangang Visayas.
Inaasahang makararating ang Bagyong Egay sa silangan ng Casiguran, Aurora sa Sabado ng umaga at sa silangan ng Tuguegarao City sa Linggo.
Wala pang nakataas na public storm warning signal.
Via DZMM

Bagyong #EgayPH Update 1

MAHUSAY ANG SITWASYON NG KALIGTASAN NG PAGKAIN SA PILIPINAS. ITO ANG NAGING PAHAYAG NI PANGULONG AQUINO SA PAGBUBUKAS NG LIVESTOCK PHILIPPINES 2015 NOONG HUWEBES SA PASAY CITY.
AYON SA PANGULO, ANG PILIPINAS AY LIGTAS SA BIRD FLU MULA PA NOONG 2005 AT SA FOOT AND MOUTH DISEASE MULA 2010 KUNG KAYA’T NAKAKAPAG-EXPORT NA TAYO NG MANOK AT KARNENG BABOY SA IBAYONG DAGAT.
NOONG NAKARAANG LINGGO ANIYA, KINILALA NG WORLD ORGANIZATION FOR ANIMAL HEALTH ANG PILIPINAS BILANG ISANG BANSA NA F-M-D FREE WITHOUT VACCINATION, NA LALO PANG DUMAGDAG SA GLOBAL COMPETITIVENESS NG BANSA.
SABI PA NG PANGULO, DI LAMANG LAYUNIN NG PAMAHALAAN ANG PAGPAPANATILI NG MGA STANDARDS, KUNDI PATI NA RIN ANG PAGTITIYAK NA PATULOY ANG PAGLAGO AT PAG-ASENSO NG LIVESTOCK INDUSTRY.
SA ILALIM NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON, TUMAAS NG 180% ANG BUDGET PARA SA LIVESTOCK SECTOR. BINIBIGYANG PRAYORIDAD ANG PAGBABAKUNA AT PAGSUGPO SA SAKIT NG HAYOP.-DA Information Service

Pilipinas, nangunguna sa kaligtasan ng pagkain – Pangulong Aquino

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com