Ganap nang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Luzon na pinangalanang 'Egay.'
Namataan ng PAGASA ang sentro ng tropical depression sa layong 520 kilometro (km) silangan ng Virac, Catanduanes, alas-10:00 Huwebes ng umaga.
Taglay ng Bagyong Egay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometer per hour (kph) malapit sa sentro nito. Kumikilos ito pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 5 kph.
Magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan sa loob ng 300 km diameter nito.
Pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag nang pumalaot sa silangang baybayin ng Bicol Region at Silangang Visayas.
Inaasahang makararating ang Bagyong Egay sa silangan ng Casiguran, Aurora sa Sabado ng umaga at sa silangan ng Tuguegarao City sa Linggo.
Wala pang nakataas na public storm warning signal.
Via DZMM
Via DZMM
Post a Comment