Pinangunahan ni Kgg. Jose Jonas A. Frondoso ang pagbubukas ng bagong kalsada sa Sitio Mabaang, Brgy.Bamban, Tagkawayan,Quezon- June 29, 2015.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Bottom-up Budgeting o BuB ng LGU at Department of the Interior and Local Government (DILG). Nagkakahalaga ito ng Php.1,200,000.00 kung saan umabot ang nagawang kalsada sa kalhating kilometro. Sa kanyang pananalita sinabi ni Kgg. Jojo Frondoso na naging posible ang malaking pagtitipid sa nasabing proyekto dahil sa ang ginamit na proseso ay ang proseso ng KALAHI-CIDDS kung saan boluntaryong nagtatrabaho ang mga tao mula sa komunidad na nabigyan ng isang partikular na proyekto. Dagdag pa ng punong bayan, labis din ang kaniyang kasiyahan dahil sa pagkakatuloy ng nasabing kalsada na una na palang naging proposed project ng Barangay Bamban sa unang cycle ng KALAHI trans subalit nabigo na maipagkaloob sa kanila dahil sa proseso na dinadaanan ng lahat ng Barangay ay tanging mga pinaka-Qualified lamang ang napa-prioritize para mapagkalooban ng pondo para sa mga inihaing proyekto.
Samantala labis naman ang pasasalamat ng mga taga-sitio Mabaang sa pagtatapos ng kalsada na anila ay malaking tulong sa mga residente lalo na sa pagbababa ng mga kalakal.Ipinaabot din nila sa pangunguna ni Kapt. Nestor Exconde ang pasasalamat sa Pamahalaang Bayan dahil sa inakala nilang hindi na matutuloy ang kalsadang iyon subalit nagawa paring isakatuparan ng may dumating budget sa pamahalaang lokal para sa ilang infrastructure projects.
Kasama din sa mga dumalo sa nasabing programa sina Vice Mayor Veronica A. Masangkay, Kons. Ernie O. Herras, Kons. Carlo Eleazar, Kons. Fher Valencia, Kons. NAnding Violante at Kons. Emmy Mendoza.
In Photos:

Post a Comment