MAHUSAY ANG SITWASYON NG KALIGTASAN NG PAGKAIN SA PILIPINAS. ITO ANG NAGING PAHAYAG NI PANGULONG AQUINO SA PAGBUBUKAS NG LIVESTOCK PHILIPPINES 2015 NOONG HUWEBES SA PASAY CITY.
AYON SA PANGULO, ANG PILIPINAS AY LIGTAS SA BIRD FLU MULA PA NOONG 2005 AT SA FOOT AND MOUTH DISEASE MULA 2010 KUNG KAYA’T NAKAKAPAG-EXPORT NA TAYO NG MANOK AT KARNENG BABOY SA IBAYONG DAGAT.
NOONG NAKARAANG LINGGO ANIYA, KINILALA NG WORLD ORGANIZATION FOR ANIMAL HEALTH ANG PILIPINAS BILANG ISANG BANSA NA F-M-D FREE WITHOUT VACCINATION, NA LALO PANG DUMAGDAG SA GLOBAL COMPETITIVENESS NG BANSA.
SABI PA NG PANGULO, DI LAMANG LAYUNIN NG PAMAHALAAN ANG PAGPAPANATILI NG MGA STANDARDS, KUNDI PATI NA RIN ANG PAGTITIYAK NA PATULOY ANG PAGLAGO AT PAG-ASENSO NG LIVESTOCK INDUSTRY.
SA ILALIM NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON, TUMAAS NG 180% ANG BUDGET PARA SA LIVESTOCK SECTOR. BINIBIGYANG PRAYORIDAD ANG PAGBABAKUNA AT PAGSUGPO SA SAKIT NG HAYOP.-DA Information Service
Post a Comment