Wednesday, July 1, 2015

Samantalahin ang pagbuhos ng ulan- DA


HINIHIMOK NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTANIM NG MAAGA AT SAMANTALAHIN ANG TUBIG NA DALA NG PAGBUHOS NG ULAN. 
 
KUNG MAGSISIMULA NANG MAGTANIM NGAYON ANIYA, MAS MALAKI ANG  KANILANG AANIHIN DAHIL MALALAGPASAN NA NG PALAY ANG FLOWERING STAGE O PAMUMULAKLAK PAGSAPIT NG HULYO KUNG KAILAN INAASAHAN ANG PINAKAMALALAKAS NA PAG-ULAN.
 
AYON KAY SECRETARY ALCALA, KAILANGANG SAMANTALAHIN NG MGA MAGSASAKA ANG PATIGIL-TIGIL NA ULAN LALO NA SA MGA RAINFED AREAS.
 
PINAYUHAN NG KALIHIM ANG MGA MAGSASAKA NA MAGTIPID NG TUBIG AT MAKIISA SA MGA PAGKUKUSA NG PAMAHALAAN KAUGNAY SA PAG-IIMBAK NG TUBIG O WATER IMPOUNDING.
 
BINIGYANG DIIN NI SECRETARY ALCALA ANG GINAGAWANG MGA HAKBANG NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE PARA BAWASAN ANG EPEKTO NG PAGBABAGO NG PANAHON SA MGA PANANIM.
 
HANDA ANIYA ANG D-A NA MAGSAGAWA NG MGA CLOUD SEEDING OPERATIONS SAKALING MAGTATAGAL ANG TAGTUYOT, GAYUN DIN ANG MAGLAGAY NG MGA WATER PUMPS AT SOLAR WATER PUMPS SA MGA KOMUNIDAD NA KAILANGAN NG DAGDAG NA PATUBIG. -DA Information Service

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com