Sunday, August 2, 2015

HABAGAT MAGPAPAULAN SA MARAMING LUGAR DAHIL SA BAGYONG SOUDELOR

A weather forecaster monitors the path of tropical storm Soudelor at the PAGASA office in Quezon City yesterday. Photo and text by THE PHILIPPINE STAR
Tagkawayan- Aasahan ang mga pag-ulan ngayong linggo sa malaking bahagi ng bansa dahil sa paglakas ng southwest moonson o habagat dahil sa paglapit sa bansa ng tropical storsm Soudelor-ito ay ayon sa PAGASA.

Inaasahang magiging ganap na bagyo ang nasabing tropical storm bago ito pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules at papangalanang Hanna. Batay sa ulat kahapon ng mga weather bureau may taglay itong lakas ng hangin na umaabot sa 90 kilometro bawat oras at pagbugso na 120 kilometro bawat oras. Kumikilos ito sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/oras.

Bagama't hindi inaasahang tatama sa   kalupaan ng bansa, maaari naman nitong pag-ibayuhin ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa maraming lugar ayon parin sa PAGASA.

Magsisimulang maramdaman sa Mindanao ang mga pagulan sa Miyerkules habang sa Miyerkules naman sa Visayas at maaring sa Biyernes pa ito magpaulan sa  mga bahagi ng Luzon.

Samantala patuloy namang magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang inter-tropical convergence zone  (ITCZ) sa bagahi ng Mindanao, Central at Western Visayas at Palawan sa susunod na 24 Oras.Habang kalat-kalat na kaulapan naman na may manaka-nakang pag-ulan at thunderstorms ang maaring maranasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Bansa.
Magiging mahina hanggang sa banayad naman ang pag-alon ng karagatan sa buong kapuluan.-RADIO TAGKAWAYAN

Editor's Note: Withn reports from PAGASA and Phil.Star

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com