Lucena City- Taliwas sa karaniwang pagpili ng Festival Queen, mas mahigpit, at mas kapa-panabik ang naging labanan sa 2015 search for Niyogyugan Festival Queen.Hinirang na kauna-unahang Bb. Niyogyugan Festival ang kinatawan mula bayan ng Sariaya na si Bb.Coralin Resurreccion na sinundan naman ni Ms. Erika Japor ng Lungsod ng Lucena (1st runner-up) habang 2nd runner-up naman si Ms.Tiaong Lanie Locus at 3rd runner-up naman ang kinatawan ng Buenavista na si Kristel Labay.
Sa isinagawang Koronasyon sa Quezon Convention Center, August 12 nagpatalbugan sa Festival Wear at Swimwear Competition ang dalawampu't isang (21) kandidata mula sa iba't-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon habang una ng naisagawa ang Talent Exposition ng mga kalahok sa event center ng Sm City Lucena noong August 10.
Samantala narito naman ang listahan ng Special Awards:
Best in Festival Wear: Ms. Lucena
Best in Swimwear: Ms. Mauban
Best in Talent: Ms. Sariaya
Ms. Photogenic: Ms. Buenavista
Ms. Congeniality: Ms. Unisan
Ms. Netizens by Globe (Most Likes in FB): Ms. Padre Burgos
Ms. Juicy Girl: Ms. Tiaong
Ms. Biogenic Alcohol: Ms. Sariaya
Ms. Kutis Silka: Ms. Lucena
Ms. Lynderm: Ms. Sariaya
Post a Comment