Tagkawayan, Quezon- Isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Bayan ng Tagkawayan ang turing ng lahat ng mga dumalo sa isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong bagong Tagkawayan Municipal Police Station ngayong araw, Setyembre 17, 2015.
Pinangunahan ni Kgg. Jose Jonas A. Frondoso, Punong Bayan ng Tagkawayan kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Veronica A. Masangkay at mga pinuno ng Tanggapan ng Pamahalaang Lokal ang pagsalubong at pagtanggap sa mga panauhin mula sa liderato ng Philippine National Police sa Pangunguna naman ni PSSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, Regional Chief Directorial Staff ng PRO4A (CALABARZON) bilang kinatawan ni PCSupt Richard A. Albano, Regional Director, PRO 4A kasama sina PSSupt.Ronaldo Genardo E. Ylagan-Acting Provincial Director QPPO, PSupt. Jerome Jalbuena-Deputy Chief, Regiona; Logistics, Research and Development Division PRO4, PCInsp Adelbert AAlino- Chief RegionalEngineering Office PRO4, PSInsp Alicia Alvarado- Chief Logistics Research And Development Branch QPPO at PSInsp Reynaldo P. Reyes- Tagkawayan Chief of Police. Dumalo din sa nasabing okasyon ang nagkaloob ng lote na pagtatayuan ng bagong PNP Building na si Mr. Victor Lagdameo Eleazar.
Sa kanyang pananalita, pinasalamatan ni Mayor Frondoso ang Pamilya Eleazar sa patuloy na pagkakaloob ng lupa para sa mga mahahalagang proyekto ng Pamahalaang Lokal simula pa man noon ganoon din ang pamunuan ng PNP sa kanilang pagtulong na maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Samantala ibinalita naman ni PSSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar na ang halaga ng budget na ibinigay ng liderato ng PNP Regional Office sa itatayong proyeto ay nagkakahalaga ng 7.5 Million pesos kung saan isang model PNP Building ang kaya nitong tustusan na may tatlong palapag. Kanyang idinagdag na 1000sqm ang ipinagkaloob ni G. Victor L. Eleazar na kanyang ama na personal din niyang pinasalamatan sa napakalaking tulong para sa kanilang hanay ng kapulisan.
Sa dulo ng programa ipinagkaloob ng LGU Tagkawayan at PNP kay G. Victor Eleazar ang Certificate of Appreciation at Token bilang pasasalamat sa kanilang Pamilya. - Reden Devilla/Radio Tagkawayan
Post a Comment