Saturday, August 1, 2015

PODCAST: NIGHTJAM: PINAPASOK EPISODE

Bilang paghahanda sa nalalapit na District Meet, nagsasagawa na ng kani-kanilang selection process ang bawat Zone sa Bayan ng Tagkawayan. July 31 ng pangunahan ni Kgg. Punong Bayan Jojo Frondoso ang pagbubukas ng ZOnal Meet ng Railroad zone sa Brgy. Cabibihan, kasamang dumalo ng Punong Bayan ang mga miyembro ng Sangguninang Bayan.

IN PHOTOS:






For more photos: ZONAL MEET, CABIBIHAN

IN PHOTOS: RAIL ROAD ZONE ZONAL MEET.

JULY 29-Nasawi ang driver ng AB Liner Bus matapos bumangga ang kaniyang minamanehong bus  sa isang nasirang trailer truck habang binaybay ang kahabaan ng Quirino HW sa may Brgy. San Vicente madaling araw ng July 29.Nagawa pang madala sa ospital ang tsuper subalit idineklara itong dead-on-arrival. Sa mga paunang ulat sinasabing mula Alabang, Muntinlupa patungong Tagkawayan ang bus na dahil sa walang early warning device ang nasabing truck kung kaya't marahil ay hindi ito agad na napansin ng tsuper.
Dalawa naman ang nasugatan kasama ang Konduktor ng bus at isang pasahero nito.
Sa mga kuhang ipinadala ni Jofer Vargas sa Radio Tagkawayan, makikita ang pagkawasak ng unahang bahagi ng Bus kung saan naipit ang driver.





DRIVER NG AB LINER NASAWI MATAPOS SUMALPOK ANG MINAMANEHONG BUS SA NASIRAANG TRUCK

Wednesday, July 29, 2015


Pinangunahan ni Kgg. Jose Jonas A. Frondoso, Municipal Mayor ng Tgkawayan at Municipal Agricultural Officer Mr. Rolando S. Mendoza ang pamamahagi sa mga magsasaka na nakatapos sa Farmer's Field School for Organic Farming ang samoung (10) ulo ng baka. Isang programa ng Department of Agriculture na kung saan pina-aalagaan ang mga magsasaka ng isang baka na kanilang paparamihin. bawat unang anak naman nito ay isasauli sa kagawaran ng Pagsasaka upang ipamahaging muli sa ibang benepisyaryo.
Laking pasasalamat naman ng mga kababayan nating nabiyayaan ng nasabing programa.


Si MAO Rolly Mendoza habang tinatalakay ang Panuntunan ng Native Cattle Production
 
Si Kgg. Jose Jonas A. Frondoso sa kanyang pananalita sa harap ng mga benepisyaryo


In Photos: Mga Magsasaka na tumanggap ng mga Baka sa ilalim ng Native Cattle Fattening Program.









10 Baka Ipinamahagi para sa Native Cattle Production

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com