Saturday, August 1, 2015

DRIVER NG AB LINER NASAWI MATAPOS SUMALPOK ANG MINAMANEHONG BUS SA NASIRAANG TRUCK

JULY 29-Nasawi ang driver ng AB Liner Bus matapos bumangga ang kaniyang minamanehong bus  sa isang nasirang trailer truck habang binaybay ang kahabaan ng Quirino HW sa may Brgy. San Vicente madaling araw ng July 29.Nagawa pang madala sa ospital ang tsuper subalit idineklara itong dead-on-arrival. Sa mga paunang ulat sinasabing mula Alabang, Muntinlupa patungong Tagkawayan ang bus na dahil sa walang early warning device ang nasabing truck kung kaya't marahil ay hindi ito agad na napansin ng tsuper.
Dalawa naman ang nasugatan kasama ang Konduktor ng bus at isang pasahero nito.
Sa mga kuhang ipinadala ni Jofer Vargas sa Radio Tagkawayan, makikita ang pagkawasak ng unahang bahagi ng Bus kung saan naipit ang driver.





About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com