Saturday, August 1, 2015

PODCAST: REQUEST EXPRESS | JULY 31, 2015

PODCAST: NIGHTJAM: PINAPASOK EPISODE

Bilang paghahanda sa nalalapit na District Meet, nagsasagawa na ng kani-kanilang selection process ang bawat Zone sa Bayan ng Tagkawayan. July 31 ng pangunahan ni Kgg. Punong Bayan Jojo Frondoso ang pagbubukas ng ZOnal Meet ng Railroad zone sa Brgy. Cabibihan, kasamang dumalo ng Punong Bayan ang mga miyembro ng Sangguninang Bayan.

IN PHOTOS:






For more photos: ZONAL MEET, CABIBIHAN

IN PHOTOS: RAIL ROAD ZONE ZONAL MEET.

JULY 29-Nasawi ang driver ng AB Liner Bus matapos bumangga ang kaniyang minamanehong bus  sa isang nasirang trailer truck habang binaybay ang kahabaan ng Quirino HW sa may Brgy. San Vicente madaling araw ng July 29.Nagawa pang madala sa ospital ang tsuper subalit idineklara itong dead-on-arrival. Sa mga paunang ulat sinasabing mula Alabang, Muntinlupa patungong Tagkawayan ang bus na dahil sa walang early warning device ang nasabing truck kung kaya't marahil ay hindi ito agad na napansin ng tsuper.
Dalawa naman ang nasugatan kasama ang Konduktor ng bus at isang pasahero nito.
Sa mga kuhang ipinadala ni Jofer Vargas sa Radio Tagkawayan, makikita ang pagkawasak ng unahang bahagi ng Bus kung saan naipit ang driver.





DRIVER NG AB LINER NASAWI MATAPOS SUMALPOK ANG MINAMANEHONG BUS SA NASIRAANG TRUCK

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com