Sunday, August 16, 2015


Lucena,City- Nagbunga ang pagod,puyat at sakripisyo ng mga kabataan ng Tagkawayan Quezon matapos humakot ng panalo sa katatapos na Sreet Dancing Competition sa Niyogyugan Festival 2015. Sa isinagawang Grand parade mula SM City Lucena (August 15) hanggang Provincial Capitol napahanga ng Team Tagkawayan ang mga Judges kung kaya't maliban sa pagiging Champion ng Street Dancing Category, nakuha din nila ang "Best Choreographer" award.
Labis naman ang pasasalamat sa suportang kanilang natanggap ng kanilang Trainor na si Mr. Anthony Salumbides, guro ng Tagkawayan National High School.





Full Lists of winners of Niyogyugan Festival 2015 Street Dance & Show Down Competition at Quezon Convention Center | August 15, 2015
Winners:
Street Dance Competition Champion-Tagkawayan
1st Runner-up-Dolores
2nd Runner-up-Atimonan


Dance Competition Champion-Dolores
1st Runner-up-Atimonan
2nd Runner-up-Mauban
3rd Runner-up-Pagbilao
Best in Choreographer-Tagkawayan
Best in Costume-Dolores
Float Competition Champion-Calauag
1st Runner-up-Quezon
2nd Runner-up-Padre Burgos







MORE PHOTOS CLICK HERE >>>>>

TEAM TAGKAWAYAN WAGI SA STREET DANCING COMPETITION NG NIYOGYUGAN

Monday, August 10, 2015

Muli na namang umarangkada ang Niyogyugan Festival ng Lalawigan ng Quezon simula sa Agosto 10 hanggang Agosto 19.Ito na ang ikatlong taon nito tampok ang Agri- Tourism Trade Fair, Araw ng Pamilyang Magsasaka, Street Dancing Competition na lalahokan ng iba't-ibang Bayan sa Lalawigan at ang Bb. Niyogyugan.
Mula Lucena, City ihahatid ng Radio Tagkawayan ang mga kaganapan sa pinaka-makulay na pagdiriwang ng lalawigan ng Quezon ngayong 2015.

Nagsimula ang makulay na pagdiriwang sa Live Coverage ng Umagang Kay Ganda kahapon Aug.10, 2015 na sinundan ng pormal na pagpapasinaya sa mga Booth ni Goveernador Jayjay Suarez kasama si ABAKADA Congressman Jonathan Dela Cruz, Congressman Danilo Suarez at asawa nito.

Samantala nagpatalbugan naman ang nga Festival Queens sa Talent Competition at Pre-Pageant sa SM City Lucena kung saan pasok sa Top 3 ng nasabing Kategorya ang mga kinatawan ng Pagbilao, Sariaya at Lucena.
Aabangan naman angPageant at Coronation Night sa August 12 sa Quezon Convention Center 6:00 pm. May mga ticket na ipinamimigay ang mga organizer sa mga Candidates para sa kanilang mga taga-suporta.


More Photos on LIVE BLOG BELOW.

LIVE BLOG: NIYOGYUGAN FESTIVAL 2015

Tuesday, August 4, 2015

Photo source:Ms. Nonus Enolvus Facebook Page (BFAR Region 5)

Tagkawayan,Quezon- Namatay ang isa sa mga Dolphin na nakitang stranded sa mga Baybayin ng Brgy.Aldavoc at Rizal dito sa Tagkawayan noong Sabado. Ayon sa naunang Panayam ng Radio Tagkawayan sa Municipal Fish Inspector Marvin Noveno sinasabing maaaring mag-ina ang dalawang Dolphin kung saan nakitaan ang mga ito ng sugat maging ang inahin.
Ayon kay G. Noveno pinakondisyon ng mga Otoridad bago ito inihatid sa mas malalim na bahagi ng dagat at pakawalan. Kasunod nito, nakita  naman ang nasabing Risso's Dolphin (Grampus griseus) malapit sa isang Beach Resort sa  Del Gallego, Cam Sur  nitong  August 1, 2015 , tinagka anila itong sagipin subalit binawian din ng buhay.


Mga Larawan mula sa Sta.Rita Beach Resort Facebook Page
Mga Larawan mula sa Sta.Rita Beach Resort Facebook Page

Shame on you, dynamite fishermen. I cant even imagine the way you make money out of destroying our sea creatures! We...
Posted by Sta. Rita Island Resort on Saturday, August 1, 2015


Ayon naman sa Social Media Post ni Ms. Nonus Enolvus ng  Bureau  of Fisheries and Aquatic Resources Region 5 maaari daw na ilang araw nang hindi nakakain ang nasabing Dolphin at maaaring nakaranas din ng Dehydration. Nakitaan din daw ito ng pamamaga malapit sa may tenga indikasyon na nagkaroon ito ng impeksyon.
 We Quote:

MORPHOMETRY AND NECROPSY RESULT: 2.6m, 250-300kg. adult female Risso's Dolphin (Grampus griseus) beached in Del Gallego, Cam Sur on Aug1, 2015. Inflamed lymph nodes near ear area, an indication of having an infection. Ear bones still intact and presumed on normal condition, previous hypothesis of acoustic trauma from blast fishing can not be ascertained. Digestive system totally empty without ulceration or parasites. The animal might not have eaten for the past days and might have suffered from hunger and dehydration. No indication of drowning while stranded. Mammary glands still producing milk, an indication that the dolphin is lactating. Was hypotized that the calf that stranded in Brgy. Aldavoc, Tagkawayan, Quezon is its offspring. The calf however was not seen since its successful release by LGU Tagkawayan team. Necropsy process covered by ABS-CBN Bicol in BFAR 5 while on-site response was covered by GMA News in Sta. Rita Island Resort in Del Gallego. Necropsy conducted by Doc Evelyn Saberon, BFAR 5's resident veterinarian. Bones will be exhumed few months later for display in Sta. Rita Island Resort.

Photo source:Ms. Nonus Enolvus Facebook Page (BFAR Region 5)

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN ililibing ang ito sa Cetacean Cemetery sa BFAR Compund. Ito na ang ika 6 na Dolphin na ililibing ng BFAR 5 sa Bayan ng Bato.

Sources: STA.RITA Beach Resort Page, Mr.Marvin S. Noveno (Anchor, Radio Tagkawayan ) , Ms. Nonus Enolvus Facebook Page (BFAR Region 5)

ISA SA 2 DOLPHIN NA NAMATAAN SA BAYBAYIN NG TAGKAWAYAN, NAMATAY DIN


Ang bagyong may International name Soudelor ang itinuturing pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon ay papasok ng Philippine Area of Responsibility o PAR araw ng Miyerkules August 5, pagtawid ng PAR Line papangalanan itong "HANNA" ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).  Bagama't hindi tatama sa kalupaan, inaasahan namang palalakasin nito ang Habagat na magdadala ng mga pagulan sa malaking bahagi ng Bansa.Dahil dito inabisuhan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga Regional Offices na paghandaan parin ang bagyong "Hanna".

LIVE BLOG: BAGYONG HANNA (Soudelor)

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com