Thursday, September 17, 2015


Tagkawayan, Quezon- Isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Bayan ng Tagkawayan ang turing ng lahat ng mga dumalo sa isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong bagong Tagkawayan Municipal Police Station ngayong araw, Setyembre 17, 2015.
Pinangunahan ni Kgg. Jose Jonas A. Frondoso, Punong Bayan ng Tagkawayan kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna  ni Vice Mayor Veronica A. Masangkay at mga pinuno ng Tanggapan ng Pamahalaang Lokal ang pagsalubong at pagtanggap sa mga panauhin mula sa liderato ng Philippine National Police sa Pangunguna naman ni PSSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, Regional Chief Directorial Staff ng PRO4A (CALABARZON) bilang kinatawan ni PCSupt Richard A. Albano, Regional Director, PRO 4A kasama sina PSSupt.Ronaldo Genardo E. Ylagan-Acting Provincial Director QPPO, PSupt. Jerome Jalbuena-Deputy Chief, Regiona; Logistics, Research and Development Division  PRO4,  PCInsp Adelbert AAlino- Chief RegionalEngineering Office PRO4, PSInsp Alicia Alvarado- Chief Logistics Research And Development Branch QPPO at PSInsp Reynaldo P. Reyes- Tagkawayan Chief of Police.  Dumalo din sa nasabing okasyon ang nagkaloob ng lote na pagtatayuan ng bagong PNP Building na si Mr. Victor Lagdameo Eleazar.


Sa kanyang pananalita, pinasalamatan ni Mayor Frondoso ang Pamilya Eleazar sa patuloy na pagkakaloob ng lupa para sa mga mahahalagang proyekto ng Pamahalaang Lokal simula pa man noon ganoon din ang pamunuan ng PNP sa kanilang pagtulong na maisakatuparan ang nasabing proyekto. 
Samantala ibinalita naman ni PSSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar na ang halaga ng budget na ibinigay ng liderato ng PNP Regional Office sa itatayong proyeto ay nagkakahalaga ng 7.5 Million pesos kung saan isang model PNP Building ang kaya nitong tustusan na may tatlong palapag. Kanyang idinagdag na 1000sqm ang ipinagkaloob ni G. Victor L. Eleazar na kanyang ama na personal din niyang pinasalamatan sa napakalaking tulong para sa kanilang hanay ng kapulisan.

Sa dulo ng programa ipinagkaloob ng LGU Tagkawayan at PNP kay G. Victor Eleazar ang Certificate of Appreciation at Token bilang pasasalamat sa kanilang Pamilya. - Reden Devilla/Radio Tagkawayan






FULL STORY: GROUNDBREAKING CEREMONY NG ITATAYONG TAGKAWAYAN MUNICIPAL POLICE STATION

Sunday, September 13, 2015




#ALdub nabanggit sa ITS SHOWTIME , Vice Ganda nag pabebe wave

Saturday, August 29, 2015

#TKPalarongBayan2015 What we know so far. | Partial Official Results | Will Keep this post updated as results still coming in.


#TKPalarongBayan2015 | Video by #Radiotagkawayan
Posted by Reden Devilla on Saturday, August 29, 2015

Track & Field (Girls) 100M
1st- Railroad Zone (Malaluan Anna)
2nd-ATOM (Badidles Mariela)
3rd- HighwayZone (Hurtado Jerlyn Mae)

Track & Field (Girls) 400M
1st-HighwayZone (Regencia April)
2nd-ATOM (Monsalve Angela)
3rd-MountainZone (Amador Shyrina)

1500M RUN
1st-MountainZone (Roaring Ruby)
2nd-HoghwayZone (Vistar Jovelyn)
3rd-ATOM (Shiela Alacantara)

Track & Field (Boys) 100M
1st- RailroadZone (Ilagan Ricardo
2nd-Railroad (Molines Danilo)
3rd- MetroZone (Perez,Jade)

FINAL 400M RUN
1st-Highway (Salvante Jhon Paul)
2nd-ATOM (Ubaña Juniel)
3rd-Railroad (Mangurali Ian Jay)

FINAL 1500m RUN
1st-ATOM (Occida Mark Jayson)
2nd-RailroadZone (Manahan Elvin)
3rd-Highway (Salvante Jhon Paul)

FINAL 5000M RUN
1st-HighwayZone (Salvante Jhon Paul)
2nd-Railroad (Manahan Elvin)

BASKETBALL CHAMPION: ATOM

VOLLEYBALL BOYS (CHAMPION: MetroZone )
2nd: ATOM


PALARONG BAYAN 2015 RESULTS

Thursday, August 27, 2015


Tagkawayan August 28, 2015 | Pinangunahan ni Kgg. Punong Bayan Jose Jonas A. Frondoso ang Opening Ceremony ng #TKPalarongBayan2015 na ginanap sa Tagkawayan Sports Complex na  nasa Brgy.Munting Parang,Tagkawayan,Quezon. Sa nasabing lugar din nakatayo ang Tagkawayan National High School. Dumalo din sa nasabing Seremonya ng 2-araw na tagisan ng mga estydyante  sa larangan ng sports ang iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan kasama sina Kon. Bong Tadique (Chair,Committee on Education), Kon. George Lopamia, Kon. Fernando Violante, Kon.Fher Valencia at Kon. Imee Mendoza na siyang kumatawan sa kanyang kapatid na si Engr. Roberto  De Vero na nagpahatid tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php.12,000.00 para sa Host School ngayong taon, ang Munting Parang Elementary School.Masaya namang binksan ni Dr. Luciano Ever Calumno, District Supervisor ang sports events.

Sa mga sandaling ito simula na ang bakbakan ng mga atleta mula sa Metro Zone, Railroad Zone, Highway Zone, Mountain Zone at ATOM (Alexandria CCF, Tagkawayan Hgh SChool, OLLA, Montessori ) sa iba't-ibang venue sa Metro Tagkawayan kasama na ang TNHS, Freedom Plaza, Municpal Covered Court  at Tagkawayan Central Elementary School. 





















PAGBUBUKAS NG PALARONG BAYAN 2015 PINANGUNAHAN NI MAYOR JOJO FRONDOSO

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com