Monday, January 19, 2015
DA isinusulong ang climate-smart technologies
INANUNSYO NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA ANG GINAGAWA NG D-A NA PAGSASAMA NG CLIMATE CHANGE POLICIES SA BUDGET, PLANO , AT PROGRAMA NG KAGAWARAN. ITO ANIYA AY UPANG TUGUNAN ANG MGA KINAKAILANGAN SA NAPIPINTONG PAGBABAGO SA LAGAY NG PANAHON.
SABI NG KALIHIM, NAGLAGAY ANG D-A NG MGA ADAPTATION STRATEGIES PARA BAWASAN ANG PAGTAMA NG MATINDING LAGAY NG PANAHON.
MAGTATAYO ANIYA ANG D-A NG ISANG DAAN AT LIMAMPU’T TATLONG AUTOMATIC WEATHER STATIONS SA MGA LUGAR NA AGRIKULTURAL. ANG MGA WEATHER STATIONS AY MAGBIBIGAY IMPORMASYON SA MGA MAGSASAKA KUNG KAILAN AT KUNG PAANO ANG PAGTATANIM SA PARTIKULAR NA PANAHON.
DAGDAG PA NI ALCALA, WALANG HUMPAY ANG PAMAHALAAN SA PAG-DEVELOP NG CLIMATE-RESISTANT FOOD VARIETIES. BUKOD SA SUPER RICE, PATULOY ANG MGA RESEARCH CENTERS NG D-A SA PAG-DEVELOP NG MGA URI NG PALAY NA MAY RESISTENSYA SA TAGTUYOT, PAGBAHA, AT TUBIG-ALAT.
SA KATATAPOS LAMANG NA GAWAD SAKA AWARDING CEREMONIES, HINIMOK NI ALCALA ANG MGA NAGSIPAGWAGI NA PATULOY NA HUMANAP NG EPEKTIBONG PAMAMARAAN SA PAGSASAKA NA CLIMATE SMART.
About the Author

reden
Author & Editor
Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.
What's Related?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment