Monday, January 19, 2015
Dalawang teknolohiyang binuo ng PhilMech, malaki ang potensyal
DALAWANG TEKNOLOHIYA NA DINEVELOP NG ISANG AHENSYA NG D-A ANG NAGPAKITA NG POTENSYAL NA PAGANDAHIN ANG KALIDAD NG CASSAVA AT BAWASAN ANG GASTOS SA PAG-ANI NITO.
AYON SA PHILIPPINE CENTER FOR POSTHARVEST DEVELOPMENT AND MECHANIZATION O PHILMECH, ANG NADEVELOP NILANG CASSAVA DIGGER ATTACHMENT AT ANG COMMERCIAL CASSAVA BELT DRYER AY MAARING MAKAPAGPARAMI SA PRODUKSYON NG CASSAVA.
SABI NI PHILMECH DIRECTOR REX BINGABING, ANG DEVELOPMENT AT TESTING NG DALAWANG EQUIPMENT AY NAGPAKITA NG MAGANDANG RESULTA. NANINIWALA SILA ANIYA NA ANG DALAWANG TEKNOLOHIYA AY MAARING MAGDULOT NG MALAKING PAGBABAGO SA INDUSTRIYA NG CASSAVA SA BANSA.
AYON SA PHILMECH, ANG CASSAVA DIGGER NA NAKAKABIT SA FOUR-WHEEL TRACTOR AY MAKATUTULONG NA BAWASAN ANG GASTOS SA PAG-ANI NG CASSAVA. ISANG MANGGAGAWA LAMANG ANG KAILANGAN PARA I-OPERATE ITO AT KAYA NITONG MAKAPAG-ANI MULA 1.8 HANGGANG TATLONG EKTARYA NG TANIMAN NG CASSAVA SA LOOB NG ISANG ARAW.
SAMANTALA, INAASAHANG MATUTUGUNAN NG COMMERCIAL CASSAVA BELT DRYER ANG PROBLEMA SA PAGPAPATUYO NA NARARANASAN NG MGA CASSAVA FARMERS LALO NA SA PANAHON NG TAG-ULAN.
About the Author

reden
Author & Editor
Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.
What's Related?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment