Wednesday, July 22, 2015

EDUARDO MANALO ITINIWALAG ANG SARILING KAPATID AT INA SA IGLESIA

Photo by Lar Angeles

(2nd Update) Itiniwalag ni Ka Eduardo Manalo, Executive Minister ng Iglesia ni Cristo ang sariling Ina at Kapatid matapos ang pagkalt ng Video ng huli sa youtube na nagsasabing nasa panganib ng mga banta ang kanilang buhay ng kanyang ina subalit hindi malinaw kung kanino nanggaling ang banta.

Read:NAKABABATANG MANALO NG INC NANAWAGAN NG TULONG, MAY BANTA DAW SA KANILANG BUHAY | RADIO TAGKAWAYAN


Sa isang news conference, inihayag ang nakatakdang pagkakatiwalag nina Nathaniel "Angel" Manalo at ina nitong si "Tenny" sa pamamagitan ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago ayon sa ulat ng Rappler.com-July 23.


"Masakit man sa loob ng Kapatid na Eduardo Manalo ay ipinasya nila na itiwalag yung mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi sa Iglesia. Kaya sa mga pagsambang isasagawa ng Iglesia ni Cristo, simula sa araw na ito ay ipaaalam iyon sa lahat ng kapatid," 
Itinanggi rin ni Santiago ang nilalaman ng Video ni Angel Manalo na humihingi ng tulong sa kanilang mga kapatid sa Iglesia. Nais lamang daw ng dalawa na makakuha ng simpatya para makabalik sa kapangyarihan sa Iglesia.


Ilang oras matapos ang press conference, isang report mula sa Rappler.com na nagpapakita ng mga larawan ng hindi makilalang tao ang naglalabas ng FLASH SIGN na may nakasulat na "Tulong, Hostage kami" mula sa isang building na pag-aari ng INC sa Tandang Sora, Quezon, City.

Dalawang beses daw inilabas sa bintana ng gusali ang mga signage sa pagitan ng alas 11 ng umaga at alas 12 ng tanghali.











About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com