Wednesday, July 22, 2015

NAKABABATANG MANALO NG INC NANAWAGAN NG TULONG, MAY BANTA DAW SA KANILANG BUHAY

Screen grab from Youtube

Sa pamamagitan ng video na nakapost sa Youtube, humingi ng tulong ang nakababatang kapatid ni G. eduardo Manalo,kasalukuyang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo na si Angelo Manalo.Sa kulang-kulang dalawang (2) minuto na video sinabi nito na may panganib sa kanilang  buhay.
"Nananawagan po kami sa inyo dahil nanganganib po ang aming buhay. Sana'y matulungan niyo po kami."


Maririnig din sa Video ang boses na di umano ay ang kanyang ina na nagsabing may mga ministro rin ang dinukot at hindi pa natatagpuan.

"Ako'y nananawagan sa aming mga kapatid sa Iglesia na tulungan ninyo kami dahil may panganib sa aming buhay. Saklolohan niyo ang aking mga anak, si Angel at Lottie at ang kanilang mga kasama. Tulungan niyo rin ang mga ministro na dinukot at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Kaawaan natin sila at ang kanilang pamilya."

Samantala hindi naman malinaw kung anung klaseng at kanino nanggagaling ang banta sa mga miyebro ng pamilya Manalo at sa mga miyembro ng INC.

Na-upload ang video miyerkules ng gabi, July 22, 2015 ito ay kasabay ng paglutang naman ng isang panawagan sa wic.com na nakaugnay umano sa pangalang incdefenders ukol sa isang peaceful vigil sa kanilang central temple at hinikayat ang iba pang kasapi ng INC na dumalo doon.

Wala pang pahayag ang tagapagsalita ng kapatiran ukol sa Issue.

Editor's Note: With reports from Rappler.com

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com