An artist's rendering of a large asteroid impact on Earth. (Thinkstock/iStock/James Thew) |
Dahil sa pagiging viral nito napilitan na ang NASA na magpalabas ng statement upang kontrahin at pawiin ang pangamba sa mga nakababasa ng nasabing hoax.
"There is no scientific basis – not one shred of evidence – that an asteroid or any other celestial object will impact Earth on those dates," ayon kay Paul Chodas, manager ng NASA's Near-Earth Object office at the Jet Propulsion Laboratory in Pasadena, California.
Ayon sa mga post sa internet mangyayari anila ang nasabing impact sa susunod na dalawang linggo malapit sa Puerto Rico at magdudulot ng mass destruction. Subalit ayon kay Chodas, kung may paparating ngang ganitong banta sa mundo sa loob ng 4 hanggang 5 linggo dapat daw sana ang una na itong nalaman ng mga scientists.
Dagdag pa niya walang namataan ang Near-Earth Object observations Program na comets o asteroid na maaaring magdulot ng banta sa "Earth" sa mga darating na taon, sa katunayan tinatayang mayroon lamang 0.01 percent na tiyansa para sa isang Potentially Hazardous Asteroid na maaaring bumangga sa ating planeta.
Nitong mga nagdaang taon makailang beses nang nagpalabas ng mga kahalintulad na pagtatama ang NASA kaugnay ng mga maling tsismis sa social media katulad na lamang noong 2011 kung saan naging issue ang pagtatapos ng Mayan Calendar noong December 2012 na sinabing magdudulot din ng banta sa sangkatuhan na kalaunan naman ay hindi nangyari.
So Relax Folks! No, an asteroid won't Destroy Earth in September.
Post a Comment