Tagkawayan- Pinangunahan ni Kgg. Jose Jonas A. Frondoso, Punong Bayan ng Tagkawayan ang unang araw ng pamamahagi ng mahigit Pitong (7) libong sako ng pataba o abuno sa niyog para sa mga magsasaka ng niyog sa Munisipalidad. Kasama din niya ang mga Miyembro ng Sangguinang Bayan para sa nasabing programa partikular ang Chairman ng Komite ng Pagsasaka Kgg. Ferdinand Valencia na nagpahayag ng pasasalamat sa Philippine Coconut Authority sa walang sawang pagtulong sa mga magniniyog sa Bayan ng Tagkawayan.
Nagpahayag din ng pasasalamat sa kanyang pananalita ang Pambayang Agrikultor Kgg. Rolando S. Mendoza sa pagtugon ng PCA sa kahilingan na mapagkalooban ng mga pataba ang mga kababayan bilang ayuda narin aniya sa mga nasirang puno ng niyog ng mga nagdaang kalamidad.
Samantala sa pananalita naman ng Senior Agriculturist ng PCA na si G. Edilberto Escobar na napaka-palad ng Tagkawayan sapagkat ang alokasyon ng mahigit 7,000 sako ng Salt Fertilizer na ibinigay sa Tagkawayan ay halos 25% ng alokasyon sa buong lalawigan ng Quezon o katumbas ng para sa 10 Bayan, ito daw ay dahil sa pagiging "receptive" ng mga kababayan sa mga ganitong uri ng programa. Malaki aniya ang maitutulong nito sa mga magsasaka sapagkat kaya nitong pataasin sa unang aplikasyon sa niyugan ng halos 25% ang pamumunga ng bawat niyog at mas higit na napapatigas ang laman ng mga bunga at nababawasan ang moisture content nito dahilan para mas magging mabigat ang bawat niyog. Kanya nading ipinaliwanag sa mga magsasaka ang tamang paraan ng Pagamit ng salt fertilizer na bukod sa mas mura ay mas may higit na benipisyong hatid sa mga magtatanim ng niyog.
Samantala ipinaliwanag naman ni G. Mendoza (MAO) na kung dati ay apat na sako
bawat ektarya lamang ang maaaring ipamahagi ng Pamahalaang Lokal at PCA, ngayon dahil sa dami ng supply na dumating maaari nang matugunan ang kabuuang pangangailangan ng mga magsasakang nais na kumuha depende sa lawak ng kanilang niyugan.
Post a Comment