Tuesday, August 18, 2015

TAGKAWAYAN NAGDIWANG NG BUWAN NG WIKA


Tagkawayan- Pinangunahan ni Kgg.Punong Bayan Jose Jonas A. Frondoso ang pagidiriwang ng Buwan ng Wika ngayong araw ika-19 ng Agosto kung saan ginugunita din ang araw ng kapanganakan ni dating Pangulo at Ama ng Wikang Filipino Manuel L. Quezon. Sa temang "Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran" nagsama-sama ang mga Miyembro ng Sangguninag Bayan, mga Pinuno ng Tanggapan, Kawani ng Pamahalaang Lokal, Philippine National Police- Tagkawayan,Mga Guro, mga miyembro ng Nakatatandang Mamamayan (OSCA), mga Pamunuan ng Barangay mga Kabataan at mag-aaral.


Una nang isinagawa kahapon(Agosto 18) ang Patimpalak sa Pagguhit na nilahukan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya na ngayong umaga naman ginawa ang pagpili ng mga nagwagi sa pamamagitan ng pagboto ng mga dumalo sa programa.

Sa kanyang mensahe sinariwa ni Mayor Frondoso ang kahalagahan ng "wika" sa kasaysayan ng bansa at kung paano ito ginamit upang makamtam ang Kalayaan at Kapayapaan na tinatamasa ng kasalukuyang henerasyon.
Samantala nagkaroon din ng pampasiglang bilang ang sektor ng nakatatandang mamayan sa pamamagitan ng pag-awit ng "Kundiman" ng isa sa mga miyembro nito mula sa Barangay Poblacion.

Sa pananalita naman ni Mam Maria Sarina Anonuevo kayang inihayag ang pasasalamat sa lahat ng sektor na nakikikiisa sa tuwing may mga programa at pagiriwang ang pamahalaang Lokal. -RADIO TAGKAWAYAN

Tingnan: Mga Larawan sa Pagdiriwang





















About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com