Tuesday, August 25, 2015


Sa August 25, 2015 Episode ng Hit na Hit na Segment ng Eat Bulaga na Problem Solving/Kalye Serye tampok sina Wally Bayola, Jose Manalo, Alden Richards, Maine Mendoza at Paolo Ballesteros umeksena ang Karakter na si "Tidora" (Paolo) na kakambal ni Lola Nidora. Balikan ang masayang palitan ng mga Dabarkads.

#SocialMedia: AlDub Kalyeserye: Kakambal ni Lola Nidora na si Tidora umeksena!

Sunday, August 23, 2015




Watch live streaming video from pictoquezon at livestream.com

Source: Provincial Government of Quezon

LIVE STREAM: 5th State of the Province Address of Gov. David "Jayjay" Suarez"

Friday, August 21, 2015

An artist's rendering of a large asteroid impact on Earth.  (Thinkstock/iStock/James Thew)
Nagkalat parin sa social media ang mga post kaugnay di umano ng pagtama ng isang malaking asteroid sa ating planeta ngayong Setyembre sa pagitan ng ika-15 hanggang ika 28 na maari di umanong magdulot ng pagkagunaw ng mundo.
Dahil sa pagiging viral nito napilitan na ang NASA na magpalabas ng statement upang kontrahin at pawiin ang pangamba sa mga nakababasa ng nasabing hoax.

"There is no scientific basis – not one shred of evidence – that an asteroid or any other celestial object will impact Earth on those dates," ayon kay  Paul Chodas, manager ng NASA's Near-Earth Object office at the Jet Propulsion Laboratory in Pasadena, California.

Ayon sa mga post sa internet mangyayari anila ang nasabing impact sa susunod na dalawang linggo malapit sa Puerto Rico at magdudulot ng mass destruction. Subalit ayon kay Chodas, kung may paparating ngang ganitong banta sa mundo sa loob ng 4 hanggang 5 linggo dapat daw sana ang una na itong nalaman ng mga scientists.
Dagdag pa niya walang namataan ang Near-Earth Object observations Program na comets o asteroid na maaaring magdulot ng banta sa "Earth" sa mga darating na taon, sa katunayan tinatayang mayroon lamang 0.01 percent na tiyansa para sa isang Potentially Hazardous Asteroid  na maaaring bumangga sa ating planeta.

Nitong mga nagdaang taon makailang beses nang nagpalabas ng mga kahalintulad na pagtatama ang NASA kaugnay ng mga maling tsismis sa social media katulad na lamang noong 2011 kung saan naging issue ang pagtatapos ng Mayan Calendar  noong December 2012 na sinabing magdudulot din ng banta sa sangkatuhan na kalaunan naman ay hindi nangyari.

So Relax Folks! No, an asteroid won't Destroy Earth in September.

An Asteroid Won't Destroy Earth in September-NASA

Tuesday, August 18, 2015


Tagkawayan- Pinangunahan ni Kgg. Jose Jonas A. Frondoso, Punong Bayan ng Tagkawayan ang unang araw ng pamamahagi ng mahigit Pitong (7) libong sako ng pataba o abuno sa niyog para sa mga magsasaka ng niyog sa Munisipalidad. Kasama din niya ang mga Miyembro ng Sangguinang Bayan para sa nasabing programa partikular ang Chairman ng Komite ng Pagsasaka Kgg. Ferdinand Valencia na nagpahayag ng pasasalamat sa Philippine Coconut Authority sa walang sawang pagtulong sa mga magniniyog sa Bayan ng Tagkawayan.
Nagpahayag din ng pasasalamat sa kanyang pananalita ang Pambayang Agrikultor Kgg. Rolando S. Mendoza sa pagtugon ng PCA sa kahilingan na mapagkalooban ng mga pataba ang mga kababayan bilang ayuda narin aniya sa mga nasirang puno ng niyog ng mga nagdaang kalamidad.

Samantala sa pananalita naman ng Senior Agriculturist ng PCA na si G. Edilberto Escobar na napaka-palad ng Tagkawayan sapagkat ang alokasyon ng mahigit 7,000 sako ng Salt Fertilizer na ibinigay sa Tagkawayan ay halos 25% ng alokasyon sa buong lalawigan ng Quezon o katumbas ng para sa 10 Bayan, ito daw ay dahil sa pagiging "receptive" ng mga kababayan sa mga ganitong uri ng programa. Malaki aniya ang maitutulong nito sa mga magsasaka sapagkat kaya nitong pataasin sa unang aplikasyon sa niyugan ng halos 25% ang pamumunga ng bawat niyog at mas higit na napapatigas ang laman ng mga bunga at nababawasan ang moisture content nito dahilan para mas magging mabigat ang bawat niyog.  Kanya nading ipinaliwanag sa mga magsasaka ang tamang paraan ng Pagamit ng salt fertilizer na bukod sa mas mura ay mas may higit na benipisyong hatid sa mga magtatanim ng niyog.

Samantala ipinaliwanag naman ni G. Mendoza (MAO) na kung dati ay apat na sako
bawat ektarya lamang ang maaaring ipamahagi ng Pamahalaang Lokal at PCA, ngayon dahil sa dami ng supply na dumating maaari nang matugunan ang kabuuang pangangailangan ng mga magsasakang nais na kumuha depende sa lawak ng kanilang niyugan.

HIGIT 7 LIBONG SAKO NG COCONUT FERTILIZER IPAMAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA TAGKAWAYAN

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com